Chapter 36

2.5K 108 1
                                    

Jayline's POV

MABILIS lumipas ang araw at arw na nga ng uwi ni Mommy. Ipapaalam kona sa kaniya na kami na ni Tristan, hehehehe sana masaya sya.

"Jayline! Andyan na si Tita." Sigaw ni Ella kaya dali dali akong lumabas para salubungin sya. Nakita ko na ang tamis ng ngiti nya kaya agad ko syang niyakap.

"Hi Mom." Bati ko.

"Hello, baby. Asan ang kuya Jayvie mo?" Tanong ni Mom at sakto namang pagtingin ko sa pinto ng kwarto nila eh sya ding labas ni Kuya Jayvie. "Oh, Jayvie!" Tawag ni Mom. Lumapit naman sa kanya si kuya Jayvie at nagyakap din. "Kamusta na kayo dito?" Tanong ni Mom.

"Okay lang kami dito Mom." Sagot ko.

"Donguihaeyo." Nakangiting saabat ni kuya.

(I agree)

"Oh, nice to hear that." Masayang sabi ni Mommy.

"Mom." Tawag ni kuya.

"Oh, why?"

"Me and Ella are getting married." Diretsong sambit ni kuya kaya halos lumuwa ang mata namin ni Mommy.

"What?!" Sabay sa tanong namin ni Mommy. Napakamot naman si kuya sa batok nya.

"Married? Are you fucking serious?" Gulat at hindi makapaniwalang sambit ko. Tinignan naman nila akong dalawa ng masama. "S-Sorry.." Napapahiyang sabi ko. Ayaw na ayaw nila na nagmumura ako.

"Mom." Sambit ni Kuya.

"Are you out of your mind? Bata pa kayong dalawa Jayvie." Si Mom na hindi ko malaman kung galit ba.

"Mom, hindi ko naman sinabing ngayon ko sya papakasalan, syempre pag handa na sya at kapag alam na ni Tita Hale." Tukoy nya sa Mommy ni Ella.

"Hmm, sakin okay lang boto naman ako kay Ella para sayo." Nakangiting sabi ni Mommy at napakunot ang noo ko ng sakin naman tumingin si Mommy na NAKAKALOKO?

"Why Mom?"

"Ikaw? Wala ka bang sasabihin sakin?" Pang-uusisa ni Mommy. Para tuloy ayaw ko ng sabih--

"Kami na Tita." Napatingin ako sa likod ko ng sumulpot si Tristan sa likod ko at agad na lumapit sakin at inakbayan ako.

"K-Kayo na?" Tanong ni Mommy na parang hindi inaasahan.

"Opo." Sagot ko at napatungo. Diko alam pero ramdam ko na hindi gusto ni Mommy ang pangyayaring ito.

"I-Its okay, but.." Napatingin ako kay Mom. "Tristan, alam naba ito ni Beatrix?" Tanong ni Mommy na nakatingin kay Tristan.

"Kayo pa lang po ang nasasabihan namin bukod sa mga kaibigan namin." Sagot ni Tristan.

"Kausapin nyo muna si Beatrix bago nyo ituloy ang relasyon nyo." Seryosong sabi ni Mommy kaya nalungkot ako ng sobra na agad din naman nahalata ni Mommy. "Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko kayong dalawa para sa isa't-isa." Nakangiting sambit ni Mommy kaya agad ko syang niyakap.

"Thank you Mom." Sambit ko. Kaya mahal na mahal ko ang Mommy ko.

"Oh sige na. Pwede ba muna ako magpahinga? Hindi kasi ako nakatulog ng maayos." Sabi ni Mommy at dinala na nga namin sya sa kwarto nila kuya Jayvie para duon makatulog ng maayos.

Oras na ng hapunan kaya nagpunta na kami sa kusina para duon kumain. Hindi sumabay samin si Mommy dahil kausap nya pa sila sister ng magising sya. Uuwi din agad si Mommy bukas pero duon sa bahay namin dito si Pilipinas. Gusto nya kasing i-check kung ano ng lagay non.

First Kiss, First LoveΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα