Chapter 62

1.7K 55 0
                                    

Third person point of view

Hindi inaasahan na mangyayari yun kay Jayline lalo na't ang kaibigan nyang si White ang may gawa, hanggang ngayon hindi sya makapaniwala.

"White bakit? Anong nagawa ko sayo?" Halos maiyak na tanong ng dalaga.

"Wala kang ginawa pero yung boyfriend mo? Oo at malaki." Seryoso at alam mong sa likod ng salitang iyon ay may galit na damdamin.

"Ano yon?" Pag uusisa ng dalaga.

"Pamilya lang naman nila ang nagpabaon samin sa utang, natutong mambabae ang daddy ko dahil nawawalan na kami ng pera at gusto na nyang hiwalayan ang mommy ko! Sa isang pagkakamali lang Jayline kinuha nilang lahat ang saamin! Kaya hindi mo ako masisisi kung ganito na lamang ang galit ko sa kanya." Agad pinunasan ng binata ang nag babadyang luha nya. "Nag makaawa si mommy sa pamilya ng mga Enrille pero hindi nya pinakinggan si Mommy! Wala silang puso!" Hindi makapaniwala si Jayline sa mga naririnig, kilala na ni Jayline ang pamilya ni Tristan at hindi ganon kasama ang ugali nila.

"Hindi." Umiiling iling na sagot ni Jayline.

"Ayun ang totoo, kukunin ko lang ang dapat nasa amin ngayon."

"Sa ginawa mo? Tingin moba makukuha mo sa kanila ang kayamanan na dapat sa inyo sa pamamagitan ng ginagawa mong ito? Hindi! Nakakasakit kalang ng iba!"

"At yon ang balak ko! Oo hindi ko makukuha ang kayaman na dapat ay sa amin pero dudurugin ko ang puso ng anak nila sa pamamagitan mo!" Taasan na sila ng boses. Walang gustong mag patinag sa kanilang dalawa.

"Plinano mo ang lahat ng ito? Huh?" Maiiyak na tanong ng dalaga.

"Nung una hindi, maniwala ka."

"Pano ako maniniwala? Nakagapos ang kamay at paa ko at ikaw ang may gawa! Pano ako maniniwala?"

"Unang pag kikita natin hindi kopa alam na mayroong namamagitan sa inyo ni Tristan, pero dahil sa napapalapit tayo sa isa't isa nalaman ko na meron nga. May kaibigan ako na kilala si Tristan at gustong gusto nya yon, nainis ako syempre dahil ang kaibigan ko may gusto sa taong kaaway ng pamilya namin, ilang buwan ang nakalipas tumawag sya at umiiyak gusto daw nyang mag higanti sa taong umagaw sa taong gustong gusto nya, don ko nalaman na ikaw yun. Kaya kahit ayaw ko napilitan ako dahil binayaran nya ako." Bawat salita ng lalaki ay kita sa mata nya ang pagiging seryoso.

"Samantha." Walang ano anu'y banggit ni Jayline sa pangalan ni Samantha.

"Exactly."

"Tsk, gaano ba kaliit ang mundo at nagkataon pa yon?" Kunwaring namamanghang tanong ng dalaga.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at niluwal non ang babae si Samantha, naka pustura at ayos na ayos.

Hindi na nagulat si jayline na si Samantha ang puno't dulo nito. Dahil ito naman talaga ang gustong mangyari ni Samantha.

"Nice to see you again, Jayline." Bakas ang pang aasar sa kanyang boses.

"Walang nice sa pagkikita natin ulit." Napapikit si Jayline ng maramdaman ang hapdi sa pagkakasampal na yon ni Samantha.

"Wala kapa din pinag babago, isang Jayline na kaawa awa at wala ang kanyang prince charming." Nakangiting sambit nya pero hindi nagpatalo si Jayline at ngumiti din.

"Prince charming na hindi mapapasayo." At isang sampal na naman ni Samantha.

"Malakas padin ang loob mo kahit alam mong anytime pwede kitang patayin." Inis na ngang sabi ni Samantha.

"Sam, tignan mo ito." Pakita ni White sa earpiece ni Jayline pero agad nyo itong sinira.

"Dapat sinira mo agad! Pano kung ma track tayo ng dahil don?" Inis na ang itsura ni Samantha.

Limang minuto ang lumipas ng mapag diskitahan ni Samantha na kunin ang phone number ni Tristan kay Jayline na sa una ay nag mamatigas pa pero dahil naisip ng dalaga na baka maisip nilang itract ang number na yon ay binigay din nya. Ilang segundo lang sumagot na ang kabilang linya at ipinasagot kay Jayline.

"B-Babe--." Pinutol agad ni Samantha ang sasabihin ni Jayline at agad itinapat sa tainga nya na kakaunting lumayo pa.

"Hello?  Jayline asan kana?!"

"Oow Tristan kamusta kana?" Malambing ang boses ni Samantha na mukhang nang aasar.

"Hayop ka Samantha! Asan si Jayline?!" Galit na boses ang narinig nya. "Wag mo syang gagalawin dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo." Madiin at seryosong saad sa kabilang linya.

"Wag kang mag-alala papagaanin ko lang naman ang loob ni Jayline." Asar pang sabi ni Samantha kay Tristan.

"Ano bang gusto mo ah?!" Sigaw ni Tristan.

"Ikaw, ikaw lang naman ang gusto ko hindi ba?" Biglang pag seseryoso ni Samantha.

"Hindi kita gusto Samantha kaya pakawalan nyo na si Jayline dahil kahit kailan sya lang ang mamahalin ko at hindi ikaw!" Binaba ni Samantha ang linya at tumingin kay Jayline na nilapitan nya at sinampal ng ilang beses at sobrang lakas.

*Wang!* *Wang!* *Wang!*

Nataranta ang dalawa sa naririnig nilang alarma, ngunit mas natakot si Jayline ng maglabas ng baril si Samantha.

"Don tayo sa likod!" Pangunguna ni White tinanggal nya ang gapos sa paa ni Jayline at agad itong hinila. Sinubukan sumigaw ni Jayline na nagbabakasakaling marinig ng mga pulis pero agad tinakpan ni White ng panyo ang bibig ng dalaga upang hindi na makasigaw.

Napahinto si Samantha sa pagtakbo at ganon nadin si White na hikahila si Jayline.

"Ibaba mo ang baril mo!" Sigaw ng isang lalaki. Hindi inaasahan ng dalawa na may nakaabang sa likod ng bahay kung saan nila dinala ang babae.

Agad na tinutok ni Samntha ang baril kay Jayline at nagbanta na wag lumapit. Pero isang putok ng baril ang narinig at tinamaan non si White na hawak hawak si Jayline. Agad natumba ang lalaki dahilan para mapunta kay white ang atensyon  ni Samantha.

"White!" tawag ni Samantha sa kaibigan. Nakakuha ng tiyempo si Jayline upang makatakbo pero agad syang nasundan ng tingin ni Samantha kaya agad nya itong binaril.

Ng dahil sa nangyari walang nagawa ang mga pulis kundi barilin si Samantha pero bago sya tuluyang bumagsak at pinaputukan nya ulit ng baril si Jayline at natumba nga sila na halos magkasabay.

Napatakbo si Tristan at ang kanilang grupo kay Jayline, duguan si Jayline na halos hindi na makita kung saan tumama ang bala. Napaiyak ang grupo nila ng makita ang kalagayan na yun ni Jayline.

"Babe! Babe gising! Babe gumising ka!" patuloy ang iyak na yon ng binata.

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now