Chapter 18

2.8K 88 0
                                    

Jayline's POV

"She said, your handsome.." Biglang sagot ni Manuel kaya natigilan ako. Bakit nya sinabi? @_@

Panira ka talaga! Eh kung sabihin ko kaya ngayon na may gusto ka kay ate May?! Tsk!

Naiisip ko nalang habang tinititigan sya ng masama.

"Sinabi mo yun?" Paniniguro pa ni Tristan.

"No!" Sagot ko.

"Tsk, sinungaling." Bulong nya pa kahit na naririnig ko naman.

Hindi na ako sumagot dahil may gagawin pa ako. Naiinis ako dahil may presentation pa kaming gagawin isa-isa!
Kahit dalawang minuto lang ang itatagal non ay ayoko padin!

Kakanta lang kaming anim at kasama na don si Ella. Kahit pansamatala lang sya dito ay kailangan nya pading mag present.

"Ilang minuto na lang at kailangan na nating pumunta sa field." Paalala ni ate May.

Kahapon pa lang ay napaka busy na namin dahil kahapon lang inayos yung field lalo na yung stage.

Maliit lang na stage yun na may bubong. Yung mga dikorasyon dun ay dinamihan pa namin para lalong bumongga.

"Jayline." Biglang tawag ni Tristan, kaya agad akong lumingon sa kanya. Para syang tangang nakatingin sakin na para bang ang laki ng problema sa earth.

"Ano?" Tanong ko. Nakaupo sya sa upuan. Nagulat pa ako ng lumingon ako sa kanya ay para akong naalimpungatan bigla.

'Lumalabo na ang mata mo, Jayline!'

Ang lakas ng dating nya sa anggulo'ng yun. Nakaupo sya sa upuan na malapit sa may pinto at medyo messy ang buhok nya pero yung itsura nya ay hindi mo kakikitaan ng reaksyon.

Hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o galit ba sya? O sadyang wala lang syang mapagtripan? —___—

"Ano?" Pag-uulit ko ng hindi naman sya sumagot.

"Nan dangsin-uel joh-a..." Sabi nya at napanganga naman ako sa biglaang pagseseryoso nya.

(I like you..)

"Jeo namjachinku isseoyo." Sagot ko. Sumama naman ang itsura nya kaya hindi ko alam kung naintidihan nya ba o hindi.

(I have a boyfriend.)

"Nugu?" Tanong nya. Naintindihan nya nga! Hahaha akala ko hindi na naman eh.

(Who?)

"Uhmm, secret!" Nakangising sabi ko, halata sa mukha nya ang inis.

"Tsk! Ako lang naman yan, ayaw mo pang sabihin." Inis na saad nya.

Hindi na ako sumagot dahil biglang tumunog ang bell. Siguro ay kailangan na naming lumabas para pumunta sa field para simulan ang Foundation day.

"Wala naba kayong nakalimutan?" Tanong pa ni ate May.

"Wala na. Kayo ba?" Tanong samin ni Manuel.

"Wala na." Sagot ko.

Wala na naman kaming nakalimutan kaya ini-lock na namin yung pinto para nadin makasigurado.

First Kiss, First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon