Chapter 20

2.8K 106 3
                                    

Jayline's POV.

Masaya ako dahil natapos nadin kaming lahat! Pinuri pa kaming lahat ni Sister bago pa kami papuntahin sa kanya kanya naming kwarto.

Hindi paman kami nakakapasok ay nakaramdam ako ng pagka-ihi kaya nagpaalam muna ako na mag c-cr sa CR ng field. Sinamahan ako ni Ella dahil nadin naiihi nadin sya. Sumama din si Ate May dahil hindi namin alam kung san banda yung Cr.

Papasok na ako sa cubicle ng Cr ng magsalita si ate May.

"Uuyy maghintayan nalang tayo ah. Hihihi naiihi nadin kasi ako." Sabi nya sabay pasok sa cubicle. Sakto namang tatlo lang ang cubicle kaya sakto din para samin.

Pumasok na ako ng makitang nakapasok na pala si Ella. --_--

Ng patapos na ako at nag- aayos nalang ng pants ng may marinig akong pumasok sa loob ng banyo.

"Pano bayan Sam? Naisahan kana naman nung Jayline nayun?" Mapang-asar ang tono na sabi nung isang babae. Halata naman kasi na may kausap sya eh.

"Tsk. Biruin mong may talent pala ang demunyitang yun at nagpakitang gilas pa?" Inis na saabi pa nung isang babae!

Hind ko kilala itong mga babaeng ito pero sa tingin ko ay ako ang tinutukoy nya sa pangalang Jayline.

Nasa dulo ako ng cubicle ng makita ang kamay ni ate May sa ibaba na mukhang sinasabing 'wait' kaya hindi muna ako lumabas.

"Kaya nga eh! Ginaya kona nga yung kantang kakantahin nya dahil alam kong mauuna tayo pero nakagawa padin sya ng paraan! At ang mas nakakainis pa don, mas naguatuhan yun nila Sister!" Galit na sabi ni Samantha.

Hindi ako pwedeng magkamali! Sya yung babaeng nang-away samin ni Ella na tinawag ni Tristan na Samantha.

"Patikimin mona kasi yang babaeng yan na si Jayline! Masyadong malandi at makati ang babaeng yan! Siguro ay mana sya sa nanay nya? Hahahaha" sabi nya at sabay silang nagtawanan.

Sa pagkakataong ito ay lumabas na ako na parang walang nadinig, gulat naman silang makita ako na parang nakakita ng multo.

Lumabas nadin si Ella at ate May na masama nadin ang tingin sa tatlong babaeng nandito.

Tinignan ko si Samantha mula paa hanggang ulo kaya naman nahihiya syang napaiwas ng tingin.

"Bakit hindi ka makaharap ng maayos sakin?" Malumanay na tanong ko, pagkasabi ko nyan ay tumingin sya sakin ng diretso at napapangising tumingin sa dalawa nyang alalay sabay balik ng paningin nya sakin.

"At bakit naman kita pag aaksayahan ng tingin ko?" Nakangising sabi nya.

Napangisi naman ako na para bang natawa saa sinabi nya. "Alam mo, para kang tangnang naiinggit sa kakayahan ko kaya miski gayahin mo ako ay hindi mo ikinakahiya." Nakangiting sabi ko. Kitang kita ko naman ang pagbabago ng reaksyon nya.

"Sinong may sabing naiingit ako sayo? Eh kahit kanino mo pa itanong, mas mataas ako--- height palang kita na." Mapang-asar na sabi nya. Akala mo namang naasar ako?

"Mas mataas ng ang height mo sakin, pero bakit binababa mo ang sarili mo matapatan mo lang ako?" Nakangiti pading sabi ko.

"Masyado kang nagmamataas, hindi mo ata alam kung saan ka lulugar? Hayaan mo ituturo ko sayo." Sabi nya at bigla akong hilahin papasok sa bukas ng cubicle.

Mabilis naman akong umilag kaya naman sya na ngayon ang malapit sa inidoro.

"A-Ahh!! Ahhhh! Ano ba?! Tulong!!" Sigaw nya pa kaya hinila kona sya at pabagsak ko syang isinandal sa pader. "Aray!! A-Aray!!!" Lumapit ako sa kanya at pasunggab na sinakma sya sa damit nya.

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now