Chapter 28

2.3K 80 0
                                    


Jayline's POV

Nasabyahe na kami ni kuya papuntang airport.

"Hey!" Pambabasag nya sa katahimikan.

"Why?" Tanong ko na nakatingin pa sa kanya.

"Talaga bang uuwi ka?" Tanong nya. Binalik ko ang paningin ko sa bintana.

"Oo." Maikling sagot ko.

"Ayaw mo bang isama si Ella?" Tanong nya kaya bumalik ang paningin ko sa kanya.

"Ba't ko naman isasama si Ella?" Nakakunot ang noong tanong ko.

"Para naman may kasama ka don." Sagot nya.

"Tsk. May kasama ako don kuya, anong tingin mo? Ako lang mag isa ang nanduon?" Tanong ko.

"Wag mo akong pilosopohin,  Jayline." Sabi nya kaya natawa ako ng bahagya.

"Tsk. Ayaw mo ba kay Ella?" Biglang tanong ko at sya naman ang naubo. "Hey! Ayos ka lang?" Tanong ko pa.

"Sa dami dami ng pwedeng itanong, jayline?" Tumingin sya sakin pero agad din naman ibinalik sa daan ang paningin nya.

"N-Na tanong ko lang naman." Sabi ko.

"Tsk. Masyado syang maingay para sakin." Sagot nya.

"Maingay lang, ayaw mona?" Tanong ko na tumingin na parang hindi makapaniwala.

"H-Hindi naman sa g-ganon, syempr--- pwede ba? Wag na natin pag-usapan yon?" Inis na sabi nya.

"Ikaw kaya unang nagtanong tungkol sa kanya!" Nakasimangot na sabi ko. Hindi na naman sya sumagot at nagmaneho na lang.

Ilang minuto pa ang lumipas at nandito na nga kami sa airport. Pinaalis ko na naman sya para hindi na sya mainip dito. Umupo muna ako at naghintay.

Hintay..

Hintay...

Hintay...

Pagkatapos ng mga 20 years lang naman ay nakasakay na ako sa eroplano. At syempre lumipas na naman ang 100 years ay nandito na ako sa Philippines!!!!!!! Wooooh

Ala-una pa lang ng tanghali. Ano na kayang ginagawa ng lalaking yun? Tsk imbis ilang taon ako sa Korea naging mahigit dalawang araw lang!

Nasa tapat na ako ng dorm at syempre pumasok na ako.

"Oh, Jayline iha. Pasok ka." Sabi ng guard sakin. Sya din yung guard nung unang punta ko dito kaya kilala nya na ako.

"Thanks po." Sabi ko. Pumasok na ako at tumingin-tingin kung may tao pero wala kaya dumiretso na ako sa office nila Sister.

Kumatok muna ako bago pumasok. "J-Jayline.." Bungad ni Sister Joyce.

"Sister.." Sabi ko at niyakap naman nya ako.

Namiss ko itong si Sister kahit wala pa akong isang linggo'ng umaalis.

"Iha, buti naman at umuwi kana.." Sabi nya.

"Buti nga po at pinayagan ako ni Mommy, tsaka hindi ko po matiis mga kaibigan ko eh." Nakangiting sabi ko kaya napangiti din sya.

"Sus, sabihin  mo hindi mo matiis yung taong gusto mo." Sabi ni Sister na tinusok tusok pa ang tagiliran ko.

"Aishh, Sister naman.." Kunwaring nakangusong sabi ko at tumawa naman sya ng sobra.

"Hahaha, osya. Naghihintay na sila sa kwarto nyo.." Sabi nya.

"Thankyou po ulit Sister. Sige po, una na po ako." Sabi ko at yumakap ulit sa kanya. Bumitaw na ako at lumabas para pumunta sa kwarto namin.

Nasa harap na ako ng kwarto tsaka huminga ng malalim. Kinakabahan ako.

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now