Chapter 12

3.3K 161 6
                                    

Jayline's POV

Ilang minuto pa ang lumipas ay nag desisyon na nga kaming pumasok na sa loob ng kwarto namin.

Pag pasok namin sa kwarto ay naabutan namin na nagbabasa si ate May ng libro.

'Siguro napaka talino na nito ni ate May? Biruin mo wala ng ibang line kundi nag babasa ng libro?'

"A-Ahh. M-May asan s-si F-Francis?" Nauutal-utal na tanong ni Manuel.

"Woi ayusin mo naman Manuel! Kung makapag practice ka kanina sakin ganon-ganon nalang ah? Ngayon mo ilabas yan! Hahaha!'

Naisip ko nalang habang patagong tumatawa at dahan-dahan naman syang tinignan ni ate May na may pagtataka.

"Hoy Manuel dimo ba ako matatanong ng hindi nauutal?" Mataray na tanong pa ni ate May.

"Tch! Sagutin mo nalang!" Inis namang bulyaw ni Manuel.

"Tsk! Nasa music room nag papaturo ke Sir. John mag gitara." Sagot ni ate May pero pataray parin.

"S-Sige, punta muna ako sa music room para may kasama si Sir. John sa pagtuturo kay Francis." Paalam ni Manuel at tsaka lumabas.

Hindi ko kilala kung sino yung Sir. John na sinasabi nila ngunit hindi narin ako nag tanong dahil una, wala akong pake kung sino sya. Hehehe..

Nung makalapit ako sa kama ko e napansin ko naman na may nakahiga sa isa pang kama kaya tinignan ko maige yun kung sino at nakita ko naman si Tristan na natutulog.

'Tsk! Kalalaking tao--antukin.'

Naisip ko nalang.

"Tch! Sa sobrang pagod nakatulog na." Biglang sabi ni ate May kaya gulat akong napatingin sa kanya na sabay din ang ngiti.

d?_?b

"Nakatingin ka kasi sa kanya na para kang nagtataka kaya sinagot kona." Dagdag paliwanag nya kaya naman tumango lang ako at saka nahiga.

"Bagot na bagot kana dito noh?" Biglang tanong nya kaya tumingin ako sa kanya at nag-isip lang ng onti at saka sumagot.

"Mendyo nadin naman." Nakangiting sagot ko.

"Hahaha talaga naman kasing nakakabagot dito e pero pwede ka namang tumambay sa field o kaya pumunta sa music room pero kung hindi ka marunong tumugtog ng instrument ay pwede mong tawagin si Sir. John at sa kanya ka magpaturo pero kung tamad na tamad ka eh pwede kading humilata nalang katulad netong isang 'to haha." At turo nya pa sa natutulog na si Tristan.

"Hays, mukhang dito ata ako tataba dahil wala akong ginagawa." Nasabi ko nalang.

"Haha pwede kang mag jogging sa field kung ramdam mo ng nataba ka." Natatawa pang sabi ni ate May at ngumiti narin lang ako at tsaka nagisip-isip.

'Kamusta na kaya sila Mommy and Daddy sa korea?'

'May girlfriend na kaya si kuya Jayvie? Kailangan kong kilatisin yun! Hehehe'

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now