Chapter 46

2.2K 74 0
                                    

Tristan's POV

Nag-away kami ni Jayline pero hindi naman away na sobrang lala. Nagkasagutan lang kami. Pano naman kasi, pinipilit nya na magtatrabaho sya eh AYOKO nga! Nakakainis eh.

Umalis ako ng hindi nagpapaalam. Papunta ako sa bahay namin para dun magpahangin at magpalipas ng oras. Ilang oras nadin ako dito at miss na miss kona si Jayline. Kaso baka galit padin sya sakin!

Mag gagabi na kaya naman nagbalak na akong umiwi. Naisipan kong dumaan sa isang store. Ang ganda lang dito dahil mukhang kompleto ang tinda at 24 hours bukas.

Bumili lang ako ng makakain dahil tinamad akong magluto sa bahay. Lalabas na sana ako ng biglang may humablot sakin at tutukan ako ng matulis na bagay sa tagiliran ko! Tangna.

"Wag kang sisigaw.. Bigay mo lahat ng pera at cellphone mo kung ayaw mong itusok ko sayo tong kutsilyo." Madiing pagbabanta nya kaya takot na ibinigay ko ang pera at phone ko! Tangna talaga!

Wala pa naman akong gamit na kotse dahil nag taxi lang ako! Hype! Bakit kasi naisipan ko pang mag taxi eh?

Nang umalis yung holdaper ay napahawak ako sa batok ko dahil nanghihinayang talaga ako!

Wala akong nagawa kundi pumasok ulit sa store. Lumapit ako sa isang cashier nila at nag tanong.

"Boss, pwede bang dito muna tumambay? Na tsempuhan ako ng holdaper sa labas eh, tinangay dala kong pera." Sabi ko pa at tumango naman sya.

"Sige po, wala pong problema." Sagot naman nya kaya ngumiti lang ako sa kanya at tumango.

"Sige salamat." Sabi ko at tumungo na muna sa mga upuan nito. Malayo pa ang bahay nila Jayline kaya hindi ko kakayanin kung lalakadin ko lang at dahil gabi nadin. Wala akong magagawa kundi magpalipas ng gabi dito.

Kinabukasan agad akong nagpasalamat dahil hinayaan akong magpalipas dun ng gabi at umuwi na nga. Nag lakad na nga ako at nung makita kona ang sakayan ay sumakay na ako.

Bumalik ako sa bahay para kumuha muna ng pera at umuwi na nga.

Pagdating ko sa bahay nila Jayline ay nabigla ako ng sapakin ako ni Jay kaya napabulagta ako at nung hawakan ang labi ko ay dumudugo ito.

"A-Ano bang p-problema mo?" Tanong ko. At natatawa naman syang tumingin sakin.

"Qaqo!" Gigil na sigaw nya. Ano na naman bang nagawa ko? "Tang*na! Ang kapal ng mukha mong bumalik pa dito ah?!" Sigaw nya. Pilit naman syang pinapahinahon ni Ella.

"T-Teka.. Bakit n-naman ba?" Naguguluhang sambit ko.

"Bakit?! Qaqo kaba? Pagkatapos mong umalis dito tatawag ka tas malalaman naming may ka sama kang babae! Hayup! Hindi paba sapat kapatid ko?! Ha! Tang*na mo!" Mura nya. Tangna anong babae sinasabi nya?

"Teka diko alam sinasabi mo!" Sigaw ko.

"Hindi?! Baka naman lasing ka?!" Gigil na sabi nya.

"Tang*na! H-Hindi ako lasing at lalong hindi ako nambabae!" Seryosong sambit ko.

"Talaga lang?" Napatingin ako kay Jayline na pababa ng hagdan at blanko ang itsura. Ganyan sya nung nalaman nya na magkapatid kami. Ano nanaman ngayon?! Tas bakit ba nila sinasabi na nambabae ako?

"B-Babe.." Tawag ko at ngumiti sya.

"Babe? Pagkatapos ng nangyari babe padin? Break na tayo." Sagot nya.

"T-Teka! Anong break?!" Naguguluhang sambit ko.

"Tumawag ka sakin kagabi diba? Tumawag ka para iparinig yung ungol ng malandi mong babae!" Sumigaw na sya at ramdam ko ang gigil at galit nya.

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now