Chapter 32

2.6K 89 0
                                    

Jayline's POV

"Oy qaqo! Magseselos kana nga lang sa kapatid pa!" Bulyaw ni kuya ng hilahin ako ni Tristan palapit sa kanya! Tsk. Pati kuya ko pagseselosan?

"Hoy, Tristan baka sumobra ka sa kakaselos hindi mo mapansin nasasakal na sayo si Jayline. Hindi pa nga kayo eh." Sabat ni ate May kaya napatingin kami sa kanya't napapahiya namang napatingin sakin si Tristan kaya naman hinawakan ko yung ilong nya.

"Sorry." Mahinang sabi nya't natawa naman ako.

"Okay lang." Sagot ko.

"Tsk. Cheesy!" Bulong ni kuya kaya natawa ako sa inasal nya.

"Hahaha. Asan si Ella, kuya?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Nasa office nakikipag daldal----"

"Hellooooooo!" Biglang bumukas ang pinto't niluwa ang babaeng akala mo namang matangkad! Hehhehe.

"Heeeeey!" Masayang bati ko't nagyakap pa kami. "Hahaha. Okay kana?" Tanong ko't tinignan pa ang buong katawan nya.

"Jusko! Ilang linggo na ang lumipas of course I'm okay!" Natatawa pang sabi ni Ella.

"Tsk. Okay." Sabi ko at pinapasok nadin si Ella

Nag-usap-usap lang kami ng ilang sandali at kumain nadin. Napag-usapan din namin yung tungkol sa aksidenteng nangyari kay Ella.

"Kuya! Ikaw ah? Talagang binantayan mo si Ella. Hahahaha" Bulong ko kay kuya Jayvie kaya naman sinamaan nya ako ng tingin. "Nasabi mona?" Tanong ko na lalong nagpakunot sa noo nya

"Ang alin?" Tanong nya.

"Na gusto mo sya?" May halong tanong na sabi ko at tumango naman sya! "Aaaaaaaaaaaaaaah! Dinga?" Napalakas ang sigaw ko kaya napatingin sila samin ni kuya.

"Hey! Ano yan ah?" Mapang-usisi na tanong ni Tristan samin.

"Ah. Wala! Wala! Heheheh.. Excuse lang ah? Kakausapin ko lang si kuya." Paalam ko pa at hinila na nga si kuya palabas at dinala ko sya sa field.

"Ano na???" Tanong ko agad ng saktong pagkaupo agad namin.

"Ano bang ano na?" Nakakunot ang noo na tanong na naman nya.

"Ang slow mo! I mean, anong sagot nya nung sinabi mong gusto mo sya?" Tukoy ko kay Ella.

"Tsk. Ayaw nyang maniwala." Sabi nya na umiwas pa ng tingin.

"Ha? Bakit naman?" Tanong ko at tumingin naman uli sya sakin.

"Aisssh! Mollayo!" Inis na sagot nya!

(Aisssh! I don't know!)

"Ha? Tsk. Baka hindi naniniwala kasi hindi mo siniseryoso?" Nakasimangot na sabi ko.

"Ewan ko dun. Tsk!" Sabi nya na iniwas na naman ang tingin.

FINALLY! NAKA-AMIN DIN ANG MAGALING KONG KUYA SA AKING KAIBIGAN! WAAAHAHAHAAAA!

Ito naman si Ella kunwaring ayaw pa ata?

"Hoy wag ka nga mag-isip ng kung ano-ano dyan." Biglang singit ni kuya.

"Anong mag-isip isip ng kung ano-ano? Hello! Ikaw lang at si Ella ang iniisip ko. Hhehehe" sabay tawa na sabi ko.

"Tsk. Kayo ni Tristan, anong status nyo sa buhay?" Pag-iiba nya ng usapan. ---__---

"Uhhm. Basta alam namin na gusto namin ang isa't-isa." Sabi ko na nakangiti pa.

"Alam mong bawal hindi ba?" Bigla syang sumeryoso kaya napayuko ako. "Masasaktan nyo lang ang isa't-isa." Dagdag nya pa.

First Kiss, First Loveजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें