Chapter 31

2.7K 81 0
                                    

Jayvie's POV

Nakakatangaaaaaaaaaaaa! Bakit koba nasabi yun eh napakawalang kwenta naman ng babae'ng yun?

Gusto kona ba talaga sya? Aiiiishh ano ba Jay! Isipin mo ngang mabuti.

Ella

Ella

Ella

Ella

Ella

Ella

Ella

Ella

Ella

Ella

Ella

Ella

Gusto na kita! Gusto na nga ba talaga kita?

HINDI! HINDI PWEDE!

Una, bata sya! Parang si Jayline lang sya.

Pangalawa, hindi ka nya gusto.

Pangatlo, kaibigan sya ng kapatid mo!

Bawal talo-talo! Aiishh! Kung bakit ba naman nararamdaman ko to eh?

Pero gusto kona sya.

Masaya ako kapag kasama sya. Madali nya akong napapatawa. Sobrang sweet nya kahit medyo madaldal. Mas pinipili ko sya kesa sa tropa ko.

Flashback...

"Jayvie!" Tawag sakin ni Ella.

"Ano?" Tanong ko.

"Kung binubuksan mo kaya itong pinto ng kwarto mo ng makapag-usap tayo?" Pilosopong sabi nya kaya tumayo ako at binuksan nga ang pinto.

Nakangiti naman nya ako sinalubong na lumusot pa sa butas ng kamay ko para lang makapasok.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Aalis ka?" Balik ang tanong nya sakin habang tinitignan ang ayos ko. Niyaya kasi ako ng tropa ko gumala habang walang ginagawa kaya pumayag na ako.

"Bakit?" Balik din ang tanong ko.

"Hahahahaha! Ano magtatanungan nalang ba tayo dito? Hahaha magpapasama sana ako sayo sa bahay dahil wala sila Mama. Natatakot akong mag-isa dun eh." Paliwanag nya pa kaya napaisip ako.

Tumalikod ako at lumabas ng hindi nagpapaalam sa kanya. Agad na tinawagan ko yung kaibigan ko at sinabing hindi ako makakapunta.

Sinamahan ko sya sa bahay nila. Hindi ko maalis kay Ella ang tingin ko. Hindi ko alam kung bakit.

"Jay, dyan ka lang ah? Baka umalis ka." takot na sabi nya pa. Tsk duwag sa multo eh. Hahaha. "Wag ka ngang tumawa dyan!" bulyaw nya sakin.

Tsk. Babaeng 'to talaga. Tsk. Tsk. Tsk.

Flashback end.

Kelan ko pa ba nararamdaman to?

Nasakit na ang ulo ko sa kakaisip sa babaeng ubod ng pagong na yun. Bakit ba ang kulit ng lahi nya? Pero bakit kahit makulit ang lahi nya gusto ko padin sya? Aiiiiishh! Loko! Bahala ka sa buhay mo.

            2 weeks later.

Dalawang linggo na ang nakakaraan at napilit na ako ni Ella na umuwi sa pilipinas kaya eto kami ngayon. Bumabyahe papunta sa dorm nila Jayline.

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now