Chapter 38

2.1K 80 0
                                    

Tristan's POV

"Anak mag pahinga ka muna." Sabi sakin ni Dad na hinawakan pa ako sa balikat. Gabi na pero hindi padin nagigising si Jayline.

"Kaya ko pa." Malamig ang boses na sabi ko.

"Tristan anak, hindi matutuwa si Jayline kapag nalaman nya na nagpapakapagod ka." Sabi nya kaya tumingin ako sa kanya.

"Dad, gusto ko malaman ang lahat.." Nagmamakaawa na sabi ko. Bumuntong hininga naman sya.

"Sige, sasabihin na namin ang lahat." Sabi nya. Lumapit naman sya kila Tita Maryline at kay Mom. Lumapit sila sakin at naki-upo.

"Ano ba talaga ang totoo, Mom?" Tanong ko at napayuko naman sya.

"I'm sorry, Tristan..." Umiyak na naman sya. "Anak kita sa ibang lalaki, sa unang boyfriend ko. Mahal ko ang totoong Daddy mo pero ipinakasal ako kay Dante, kaya sya na ang tumayong Ama para sayo. Sorry talaga anak." Paliwanag nya.

Ang sakit! Buong akala ko totoong anak ako ni Dad pero hindi pala.. Sobrang sakit!

Ngayon nalaman kona na hindi pala kami magkapatid ni Jayline, agad ko syang naisip. Sana magising na sya.

"Hindi kami magkapatid ni Jayline.." Hindi patanong na sabi ko.

"Hindi." Sagot ni Mom.

'Pwede padin kaya kaming magmahalan?'

"Mahal ko sya.." Sabi ko at tumango naman sila.

"Alam namin yun." Sagot ni Tita Maryline. "Mahal ka din ng anak ko." Dagdag nya pa.

"N-Ngayong hindi kami m-magkapatid? Pwede padin ba kami?" Tukoy ko sa relasyon namin.

Napangiti naman ako ng tumango sila.

"Talaga po?" Galak na tanong ko.

"Yes." Sagot na ni Dad. Yinakap ko sya kaya naman yumakap na sakin si Mom. Ng humiwalay sila sakin, niyakap ko naman si Tita Maryline.

"Thank you po." Sagot ko at tumayo na nga at pumasok sa kwarto ni Jayline.

"Babe... Ayos na, gumising kana." Kinakausap ko sya kahit hindi ko alam kung naririnig nya ako. Hinawakan ko ang kamay nya tsaka hinalikan yun, hindi ko mapigilan ang mapaluha sa halo halong emosyon. "Babe.." Tawag ko sa kanya. "Gumising kana, papakasalan at magkakaanak pa tayo.." Nangingiting sabi ko tsaka ko hinalikan ang noo nya. "I love you, babe." Bulong ko.

LUMIPAS ang Isang araw pero hindi padin gising si Jayline, ang sabi naman ng doctor ay sa sobrang stress at pagod lang kaya hindi pa sya nagigising.

Umaga na at ako lang mag-isa ang nagbabantay ngayon dahil umuwi muna sila Mom at Tita Maryline para din magpahinga, sila Jayvie at Ella naman ay umuwi din para makakuha ng damit. Sabi nila ay saglit lang sila at babalik din.

"Hey, bro! Umuwi kana muna at kami nalang muna ang magbabantay kay Jayline." Napatingin ako kay Jayvie ng sabihin nya yan, kasama nya si Ella na may dala ng mga prutas.

"Kaya ko pa naman, mamaya nalang siguro." Sagot ko. Lumapit naman sya sakin at tinapik ako sa balikat.

"Bro, ayaw naman ni Jayline na mag kasakit ka ng dahil sa kanya." Sabi naman nya at tumingin kay Jayline na wala pading malay.

"Sige, uuwi muna ako para nadin makapag pahinga." Sabi ko at tumingin kay Jayline. Hinalikan ko lang ang noo nya at umalis na nga.

Umuwi muna ako para makapag pahinga pero babalik din ako matapos mag lunch. Nang makauwi na ako ay diretso na ako sa kwarto ko pero bago pa man ako makaakyat ay nakita ko sila Mom and Dad na nasa kusina at nakain.

"Tristan, kumain ka muna." Tawag sakin ni Mom. Lumapit naman ako sa kanila at naupo. Hinainan naman ako ni Mommy kaya kumain nadin ako.

"Kamusta na si Jayline?" Tanong ni Dad kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi padin sya nagigising nung umalis ako." Sagot ko. Rinig ko naman ang buntong hininga nya. "Dad.." Tawag ko.

"Hmm." Tumingin sya sakin na nagtataka.

"H-Hindi ako sigurado pero.... Naramdaman ko kasi kanina ang pagsakit ng dibdib ko.." Sabi ko at nabigla naman sya.

"Teka! A-Anong--? Baka naman dahil lang yun sa nalaman mo?" Sabat ni Mom.

"I don't know." Sagot ko, napasapo naman si Mommy sa kanyang noo.


Flashback...

5 years ago..

15 years old ako ng makaramdam ako ng paninikip ng dibdib kaya dinala ako sa hospital at duon nga nalaman na may Heart muscle disease o cardiomyopathy ako.

Isa itong sakit sa puso kung saan unti-unting paglaki ng puso o pagkapal ng walls nito. Kaya dahil don ay hindi makapag bomba ng sapat na dugo sa buong katawan ko. Agad itong naagapan at naoperahan nga agad dahil baka daw pwedeng lumala ito at mapunta na sa heart failure.

Lumipas ang ilang taon at hindi kona ito naramdaman kahit lumipas ang ilang taon.

Flashback end..



"Seryoso kaba dyan?" Tanong ni Dad sakin at tumango ako.

"Kahapon ko sya naramdaman pero hindi na umulit pa yun." Sagot ko. Nakita ko naman ang pagtinginan nila Mom and Dad.

"Ang natandaan ko ay sabi ng doctor mo, pwedeng may maramdaman kang mag sikip ng dibdib mo once kaya siguro ay normal lang yan?" May halong patanong pa na sabi ni Dad.

"Sana nga." Sabi ko nalang at inubos na muna ang pagkain tsaka ako umakayat sa kwarto ko at naligo.

Ng matapos akong maligo ay bigla nalang nag ring ang phone ko kaya dali dali ko itong sinagot ng makitang si Jayvie ang tumatawag.

"Oh---"

"Pumunt kana dito! Si Jayline nagising at bigla nalang umalis, a-aray. Bilisan mona!" Natatarantang sigaw ni Jayvie sa kabilang linya kaya nagmamadali na akong nagbihis at bumaba na nga.

"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Dad ng makababa ako.

"Si Jayline nagising na daw pero  bigla daw umalis." Sagot ko habang naglalakad palabas.

Hindi ko alam kung sumunod sila pero nauna na ako. Pumara agad ako ng taxi at sumakay na nga. Wala pang ilang minutos ay nasa hospital na ako kaya tumakbo ako papunta sa kwarto nila Jayline.

"Asan na sya?!" Bungad na tanong ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto.

"H-Hindi ko alam! Bigla nalang nya kaming tinadyakan sa tyan at tumakbo na nga palabas!" Kita ko naman ang pag-inda nya at ni Ella

"Tangina! Bakit naman nya ginawa yun?!" Naiinis na tanong ko!

"Hindi ko alam, kailangan na natin syang mahanap!" Sigaw ni Jayvie saktong pasok nila Tita kasabay sila Mom and Dad. Andito nadin si Tito Jayson.

"Asan na sya?!" Natatarantang sigaw ni Tita Maryline.

"Tumakbo sya palabas, Mom. Hindi na namin sya nahabol dahil sinipa nya kami sa tyan kaya hindi agad kami naka takbo." Paliwanag ni Jay kaya naman si Tita Maryline ngayon ay napaupo.

"Hindi ako sigurado pero alam ko kung san sya pupunta." Sabat ni Ella kaya tumingin kami sa kanya.

"Saan?" Tanong ko.

"S-Sa p-playground.." Kumunot ang noo ko ng sabihin nya ang playground.


Playground? As in sa palaruan?


Please don't forget to voteand comments! hehehe thankyah! Muah!

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now