Chapter 58

1.5K 70 0
                                    

Abby's POV

Pag labas namin ng dorm ay hindi ko maiwasang mapatingin kay ate Jayline dahil sa seryosong awra ng mukha nya. Parang ang lalim ng iniisip nya at hindi ko iyon mahulaan.

"Babe." Mahinang tawag sakin ni Francis dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Hmm?"

"Anong iniisip mo dyan?" Tanong nya. Di ko muna sya sinagot at pumasok na ako sa loob ng kotse nya.

"Wala naman, iniisip ko lang si ate Jayline." Sagot ko.

"Babe, pwede ba na kung anong gawin nila ay wag kanang makisama?" May halong pang uutos ang tanong nya at pinaandar na nga nya ang kotse.

"Hindi ko alam, dipende kung madamay tayo." Sagot ko. Hindi na sya nag salita bagamat alam kong may iniisip sya.

Inisip ko ang sinabi ni Samantha kanina kay ate Jayline habang masama ang tingin.

'Gaganti ako, humanda ka.'

Madiing sabi nya sa harap mismo ni Ate Jayline.

Sa mga oras na yun ay natakot ako sa pwedeng mangyari. Ang alam ko ay mayaman si Samantha kaya di kami pwedeng mabahala.

Wala pang ilang minuto ng pag iisip ko ng tumunog ang phone ko. Nag flash sa screen ang pangalan ni ate Jayline kaya sinagot ko agad yun.

"Abby! Dumiretso kayo sa bahay ngayon na!" Sasagot na sana ako ng binaba nya ang tawag. Iba ang boses nya na parang may pagkataranta.

"Anong sabi?" Tanong ni Francis.

"Diretso mo sa bahay nila ate Jayline." Utos ko ng hindi tumitingin.

Tinawagan ko si ate May.

"Ate May, anong meron? Bakit pinapadire----"

"Sumunod kana lang at bilisan nyo!" Parehas na tarantang sabi nya.

"Fuck anong meron?" Di ko na maiwasang mabahala.

"Relax kasama mo ako, walang mangyayari sayo." Seryosong sambit ni Francis at binilisan ang pagmamanahe.

Pagdating namin don ay agad kaming sinalubong ni Ate Jayline. Nagmamadali syang pinapasok kami.

"Ano bang nangyayari?" Tanong ni Francis ng makapunta na kaming lahat sa sala.

"May nag iwan ng papel sa kotse ko at nakasulat don ang pangalan mo gamit ang pulang tinta." Sobrang takot ang naramdaman ko.

"B-Bakit ako?" Natanong ko nalang at naluha.

"Hindi ko alam, ang alam ko lang kailangan nating mag ingat." Si ate Jayline. "Hindi ako papayag na may masaktan ni isa sa atin." Seryosong saad nya.

"Abby kailangan hindi ka lumayo sa amin, lalo na ngayon." Si Kuya Tristan.

"Pero bakit ako ang tinatarget? Wala naman akong ginawang masama." Umiiyak na nga na sambit ko.

"Hindi ikaw ang target, sadyang ikaw lang ang ginagawang pa-en para masaktan nya si Jayline." Sabat ni Ate Ella.

"Kaya mabuti munang andito kayo." Si kuya Jayvie.

"May naisip na ko." napatingin kami kay ate Jayline ng sabihin yan.

"Ano?" Si Ate Ella.

"Kailangan kong makontak sila jacob, may gamit tayo sa gang na pwedeng magamit ngayon." Hindi ko kilala yung Jacob pero tingin ko naman ay makakatulong sila.

"Jacob? Jayline hindi pwede!" Biglang taas ng boses ni kuya Jay.

"Pero makakatulog sila, tangina hindi naman ako papayag na may masaktan dahil lang sakin kaya please hayaan mo akong gumawa ng paraan." Naluluhang sabi ni ate Jayline.

Wala ni isang nagsalita, tumayo si ate Jayline at kinuha ang phone nya.

"Hello." Saad nya sa phone. "Ako 'to si Jayline, pwede ba tayong magkita?" Tanong pa nya dito. Hindi namin alam kung anong usapan nila dahil hindi namin naririnig kung anong sinasagot nung Jacob. "Kelan kaba pwede? Ah sige kita nalang tayo mamaya, salamat Jacob." Pinatay na nya ang linya at tumingin saakin. "Sorry Abby." Lalo akong naiyak dahil iniisip nya siguro na dahil sa kanya kung bakit nagkakaganito kami.

"It's okay ate Jayline, walang may kasalanan satin." Agad ko syang niyakap.

Waaaaaaah! THANKYOU! THANKYOU SA INYONG LAHAT! Mahal ko kayo mga mamsh aylabyuol. Sorry for short and late update :(

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENTS AND FOLLOW! AYLABYU MATS MGA BEBE!

First Kiss, First LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora