Enter 29: Wrong Move

Start from the beginning
                                    

Pumunta kami sa malaking bato.

"Anong pag-uusapan natin?," tanong ko kaagad.

"Uhm...pansin kong kanina ka pa walang imik... Dahil ba yun sa nangyari kanina," tapos tumingin siya sakin.

"Ha? Hindi...h-hindi yun...," sabi ko. Yah, sort of.

"Hindi? Para kasing yun ang dahilan. Sorry kung naging padalos-dalos ako sa pagsabi kanina," paumanhin niya ulit saka hinawakan ako sa magkabilang braso.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Ano ka ba...nangyari na yun. Wag mo ng isipin. Pabayaan mo nalang, ok? And don't worry, hindi ikaw ang dahilan," nakangiti kong sabi.

"Hah? Edi sino?," and that makes me shut up.

"Hah? Ah....eh....," shems! Hindi ko alam ang isasagot ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Si Christian ba?"-Jerome

"Hah? P-paano mo namana nasabi?," tanong ko habang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Kasi...napapansin kong hindi kayo masyadong nag-uusap simula kaninang dumating tayo. D-diba sabi mo noong isang gabi, magkaibigan na kayo? Siya ba Klark? Kaya ba wala kapang imik kanina pa dahil hindi kayo nag-uusap?," seryoso niyang tanong.

Dahan dahan akong tumango.

"Hindi ko kasi alam kung bakit o kung anong dahilan. Actually, I talked to him kanina...sinabi niyang ako daw ang problema niya," napansin ko ang pagkabigla sa mukha niya.

"Ano?," nakakunot noo niyang tanong.

"H-huh? W-wala. Tara na. Balik nalang tayo dun.," sabi ko tapos hinila siya pabalik sa mga kasama namin.

•••••||

[Josh's POV]

Fvck! Hindi ko mapigilang suntukin ang pader ng banyo ko dahil sa inis. Hindi ko inalintana ang hapdi sa kamao ko. Fvck!

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako.

"Christian, sabi ni Ms Bianca punta na raw tayo dun. Kakain na daw tayo," sabi sakin ni Brixton.

"Wala akong gana," tipid kong sabi sa kaniya ng hindi nakatingin sa kaniya.

"O-ok," sabi niya. Tumango lang ako at humiga sa kama.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya kinuha ko ang phone ko.

Pumunta ako sa gallery at hinanap ang picture na yun.

I sighed.

Hanggang kailan ko ba titiisin ito?

•••••||
Nandito ako ngayon sa seashore habang umiinom. Alam kong bawal 'to pero wala akong pakealam.

Agad kong nilagok ang canned beer na hawak hawak ko.

Tumingin ako sa kalangitan. Ang daming bituin ngayon. Napangiti ako ng mapait.

Naaalala ko pa nung panahon kilala pa niya ako. Tuwing gabi, palagi naming pinapanood ang mga bituin.

[Flashback]

"CJ! CJ!," rinig kong tawag sakin ni ZK habang nagbibihis ako. Katatapos ko lang kasing nagshower. At kasalukuyan akong nagbibihis -,-

Entering All Boys' School (boyxboy)Where stories live. Discover now