88TH ROSE || Riel Dela Torre

Börja om från början
                                    

"Damn it!" I cursed to the air as I kept on coughing. This is the third time that I burned what I'm cooking and now it's getting worst. Parang nasunog ko rin ata ang stove dahil sa lakas ng medyo itim na usok. I kept on coughing while searching the door para mailabas ang usok pero hindi ko makita dahil sa maluha-luha at mahapdi na rin ang mga mata ko.

I heard a small coughing beside me and suddenly, someone grabbed my arm.

"Oy, a-ayos kalang?" maubo-ubo n'yang tanong sa akin.

"Y-Yeah," I answered, then I coughed.

"T-Teka sandali. Bago tayo mag-usap ay ilalabas muna kita rito!" muli n'ya akong hinawakan at inalalayan n'ya ako papunta sa pinto para makalabas kaming dalawa. Naupo ako sa sahig habang umuubo habang s'ya naman ay bumalik sa loob. Ilang segundo rin s'yang nanatili ro'n bago s'ya bumalik.

"Huy Riel! Ikaw pala 'yan! Ayos kalang? Ano'ng nangyari sa'yo at kinukulong mo ang sarili mo sa lab? Ah, hindi pala dapat gano'n ang tanong ko. Bakit nando'n ka sa loob? Ano bang ginagawa mo do'n?" I looked at the owner of the voice and I saw the nouveau riche named Michelle looking at me worriedly.

"Isn't it obvious? I'm cooking," I answered, then I coughed. Why is she asking me such a stupid question? Ano bang dapat kong gawin sa loob ng culinary lab? 'Di ba dapat nagluluto? Prsh.

"Nagluluto ka na sa lagay na 'yon? Eh balak mo atang sunugin ang buong Empire Academy eh – Joke lang!" before she finished what she's trying to say, I glared at her. "Ano, sigurado ka bang okay ka lang? Gusto mo, dalhin kita sa clinic?"

"No, I'm okay. At ayokong umalis hanggat hindi ko pa napeperpektong lutuin ang pagkain na iyon," sabi ko.

"P-Pero kailangan nating pumunta sa clinic dahil na-suffocate ka kanina! Tsaka isa pa, magluluto ka ulit? Paano kung mangyari na naman 'yung kanina? Mag-isip ka nga!"

I stood up as I hold my apron tight. I will not gonna leave this room unless I will cook it perfectly. "Thanks for your concern but I don't need it. Just leave me alone."

I was about to walk to the culinary lab's door when I heard her saying something. "Sandali lang, Riel."

I stopped and looked at her.

"Gusto mo... tulungan kita?" she offered with a little smile flaunt on her lips.

I frowned. "Help?"

"Oo. Tutulungan kitang magluto. Marunong naman ako eh," she beamed.

I blinked and I bet a surprise expression was written on my face. "Really? You'll... you'll help me?"

Is she serious?

Tumango naman s'ya at ngumiti. "Oo naman."

Honestly speaking, I don't really wanna ask for someone's help. It's in my principle that I will not depend on someone's strength just to finish my work or to accomplish something. Ni hindi nga ako sumasali sa mga group works or group projects such as practical research like that kasi alam ko namang kaya ko naman. Kaya hindi umaasenso ang ibang tao dahil nakadepende sila sa mga taong willing tumulong sa kanila. Masyadong abuso. Meron din kunyare tutulong tapos itu-took advantage ka lang kasi may kailangan s'ya sa'yo at hindi ka naman makakatanggi kasi nga tinulungan ka n'ya, in exchange, you must do your part too for him. 'Yan ang ayaw ko kaya nga ayokong humihingi at tumatanggap ng tulong. Gusto ko ako mismo ang gagawa kung kaya ko naman. Why would I bother someone just to help me if I can manage to do it, right?

Pero ewan ko ba... parang gumaan pa ang loob ko na nag-offer ng tulong sa akin itong si Michelle.

This is so weird for crying out loud.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Där berättelser lever. Upptäck nu