14. Goodnight, Best Friend

178 13 24
                                    

14. Goodnight, Best Friend

Nang makabalik sa campsite ang apat, sobrang relieved sila nang makita na nandoon pa ang mga gamit nila. Noon na rin sila nagsimulang magbihis at pagkatapos ay muli nilang binuhay ang bagong bonfire.

Habang nag-uusap, nakapalibot ang apat sa bagong bonfire. Katabi ni Beej si Shar at sa kabilang bahagi ay magkatabi naman ang dalawang lalaki.

Sabi kasi ni Kren kailangan na nilang pag-usapan ang mga nangyayari. Sa naging pag-uusap naman, nabanggit ni Shar ang concern niya sa magiging pagtulog nila. Nag-aalala kasi siya na baka kapag natutulog na sila ay saka naman sumalakay ang taong kumukuha ng mga gamit nila. At isa pa, hindi nila alam ang kayang gawin ng taong iyon. Hatinggabi na rin at kailangan naman nilang matulog lalo't pagod na pagod sila maghapon. Tapos hindi pa nila alam ang sasalubunging adventure kinabukasan. Nagpresenta si Kren na hindi na lang siya matutulog pero hindi naman pumayag si Sharla. Para sa kanya hindi iyon patas. Halinhinan na lang daw sila sa pagbabantay. Hindi naman pumayag si Manzo na nagsabing sila na lang ni Kren ang hindi matutulog. Para nga naman may kasama si Kren. Pero hindi sumang-ayon sina Shar at Beej sa planong iyon. Ang sabi ni Beej, pares-pares na lang daw ang pagtulog. Ang unang pares ay matutulog simula 12:30am hanggang 3:30am habang ang sunod na pares ay matutulog simula 3:30am hanggang 6:30am.

"Okay ako ro'n," ang sagot ni Kren kay Beej. Nakangiti ito sa babae.

"Pero dapat may isa sa inyong gising, baka 'pag kami lang ni Shar, wala rin kaming magawa," tugon ni Beej.

"Tama si Beej," tugon ni Manzo nang ibaling nito ang tingin kay Beej.

"So sinong dapat magkakasama sa tent?" paglilinaw ni Beej.

"Mas okay siguro na ang parehong gising ay magkasama sa iisang tent para pareho sila ng task," dagdag ni Kren. "Pareho silang hindi aantukin at pareho ring makakatulog kung schedule na nila."

S'yempre pa, kinabahan na naman si Shar sa magiging setup. Pero napansin na naman niya na nagkakatinginan ang dalawang kaibigan. Nasasaktan na naman siya, pero gusto pa rin niyang umasa na si Manzo ang makakasama niya sa tent kahit alam naman niyang si Beej ang pipiliin nito.

Nang walang tumugon sa naturan ni Kren, saka pa lang ito muling nagsalita. "Bato-bato-pick na lang?" tanong nga nito.

Nabuhayan ng loob si Shar kasi ibig sabihin no'n may 50% siyang chance na makasama si Manzo. Mabilis itong sumagot kay Kren, "sige, gano'n na nga lang siguro."

"Okay, let's start. Isang round na lang. Shar, kayo ni Beej. Kami ni Kren ang maglalaban. 'Yung parehong winner do'n sa unang tent, 'yung parehong loser dun naman sa kabila," suhestiyon ni Manzo. "Tapos 'yung winner... sila ang unang matutulog, 'yung loser ay mamaya pang 3:30am ang tulog," dagdag pa ni Manzo.

Kinakabahan pa rin si Shar. Magkaharapan na sila ni Beej. Alam na niyang bato ang pipiliin niya. Bahala na raw kung manalo o matalo siya. Kasabay din kasi nila ang dalawang lalaki kaya hindi pa rin niya alam kung kailangan ba niyang manalo o magpatalo.

Nang magsimula na ang duelo sa bato-bato pick, parehong bato ang inilabas nina Sharla at Manzo. Gunting naman ang kay Beej. Kaya ang ibig sabihin noon ay nanalo si Sharla sa laban at doon siya sa unang tent. Bato rin naman ang kay Kren kaya kailangan ng second round para sa kanila ni Manzo. Hindi tuloy mawala ang kabog sa dibdib ni Shar.

Sa pangalawang round, papel naman ang ginamit ni Manzo. Samantalang si Kren ay gumamit ng gunting.

Sa pagkapanalo ni Kren, ang unang napansin ni Shar ay ang malagkit na tinginan nina Beej at Manzo. Sa isip-isip niya, masosolo na naman ni Beej si Manzo. Hindi maalis sa kanya ang hindi magselos. O magduda sa kung ano mang namamagitan sa dalawa. Hindi naman niya ma-confront si Beej tungkol dito. Masyadong mahina si Beej ngayon dahil sa mga nangyayari sa kanila sa isla.

Nagulat si Shar nang pumasok si Manzo sa loob ng tent nila. Si Beej kasi ang inaasahan niyang papasok doon para kunin ang mga gamit nito. "'Asan si Beej?" bungad nito kay Manzo. Pero sa tuwing mapapatingin siya rito ay maalala niya ang nakita kanina nang mahanap nila si Beej at nang matutukan ito ng liwanag ng lente. Kaya naman mabilis ding tumungo si Sharla at hindi na muling maidiretso ang tingin sa binata. "Nasa loob ng tent namin, inaayos niya ang mga gamit doon. Okay ka lang ba? Na kasama mo si Kren?" sagot ni Manzo.

"May maggagawa pa ba ako? At saka mas kailangan ka ni Beej ngayon." Naiinis si Shar sa sarili. Ayaw niyang nagtatampo siya kay Beej, sa bestfriend niya. Dahil ba kay Beej lang niya nasasabi ang feelings niya kay Manzo? Hindi rin niya alam. Basta ang alam niya, kailangan niyang maging matatag at 'wag unahin ang mga issues nila sa buhay. Mas mahalagang ligtas silang makaalis sa isla.

"Bakit feeling ko nagseselos ka?" Busy na ito sa paghahanap sa mga gamit ni Beej at hindi nakatingin nang diretso kay Shar.

"Ha? Bakit mo sinasabi 'yan Manzo? Jusko."

"Ah. Kala ko lang kasi pareho tayo ng nararamdaman. Sige, sleep tight, kami na muna ni Beej ang bahalang magbantay."

At kung akala ni Sharla na pansamantalang maalis niya sa sistema ang nararamdaman para kay Manzo, nagkakamali siya. Pagkatapos nitong bitawan ang mga salitang bumagabag kay Sharla, mabilis itong lumabas ng tent dala ang mga gamit ni Beej.

"Handa ka na? Matutulog na ba tayo?" sambit ni Kren nang biglang pumasok sa tent dala ang mga gamit niya. Napaigtad si Shar sa pagkakaupo. Bumulaga lang naman sa harapan niya ang lalaking nakahalikan kanina. Hubad ito, suot ang tuyong board shorts habang basa ang buhok at katawan.

AN: Sino na ang #TeamKren at #TeamManzo d'yan? 🙊🙊🙊

Sea You Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon