7. Where Is She? (2)

237 15 13
                                    

"Wala naman siguro," tugon ni Manzo sa nag-aalalang kaibigan.

"Posible," sabad ni Kren sa magkaibigan. Seryoso ito at sa ekspresyon ng mukha ay halatang nag-aalala rin. At dahil doon ay nakuha niya ang atensyon ni Manzo.

"Bakit? Sige nga, dahil sa ating tatlo, ikaw ang mas may alam sa islang 'to. Ano bang alam mo?" maangas na tanong ni Manzo kay Kren.

Suminghal muna si Kren bago nagsalita. Ramdam ni Sharla ang tensyon sa pagitan ng dalawa pero hindi na siya nakapagsalita nang magsalita na rin si Kren. "May nakatira daw sa islang 'to. Ando'n 'yung kubo niya sa likod ng burol. Pero hindi ko alam kung totoo 'yon dahil hindi pa naman ako nagagawi sa bahaging 'yon ng isla." Mahinahon ito at halatang iniiwasang isalubong ang mga mata kay Manzo.

"H-hindi naman s-siguro makakaabot si Beej d-doon," singit ni Shar sa nanginginig na boses. Sa kanilang tatlo, si Sharla talaga ang pinaka-nahihirapang magtago ng nararamdaman. 'Yung takot niya at labis na pag-aalala sa nawawalang kaibigan. Hindi man niya sabihin ay bakas naman iyon sa mukha at sa tono ng pananalita nito.

"Pero p'ede siyang dalhin do'n," sabi nga ni Kren sabay sipa sa piraso ng kahoy na nakakalat sa dinadaanan niya.

"Ano bang sinasabi mo?" sita ni Manzo rito. Mainit pa rin ang tingin nito sa kasamang lalaki na pilit pa ring iniiwasan ni Kren.

"Possibilities," tipid nitong sagot.

"Yes, Kren, tulad din ng possibility na baka nga ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito." Bigla kasing naalala ni Sharla ang bookmark na inabot sa kanya ni Kren nung unang beses silang magkita. Naisip din niya ang sunod-sunod na kamalasang nangyari sa kanila sa bakasyong ito. At base sa mga pangyayaring 'yon, present lagi si Kren. Kaya nga naisip niya ang posibilidad na si Kren ang may kagagawan ng lahat ng kamalasang nararanasan nila.

"What do you mean, babaeng walang ginawa kundi mambintang?" singhal nito kay Sharla.

"That bookmark you gave me, it says you're doomed if ikaw 'yung makakuha nito."

Pero bago pa maka-reply si Kren na mukhang naguguluhan sa sinabi ni Shar, naunahan na ito ni Manzo. "Sharla, pede ba? Hindi nakakatulong 'yang mga walang kwentang theory mo na 'yan," pasigaw na sabi nito. Tapos hindi pa siya makatingin nang diretso kay Sharla.

Bukod sa napahiya si Sharla, didibdibin na naman niya ang sinabi ng kaibigan. Naiinis siya sa sarili kasi lagi na lang palpak ang mga sinasabi niya pagdating kay Manzo. Para bang hirap na hirap siyang ma-please ito.

Pero sa halip na tawanan siya ni Kren, bigla siya nitong hinila palayo kay Manzo, palapit sa kanya. Dahil sa bilis ng paghila sa kanya ni Kren, napatuon ang mga kamay niya sa dibdib ng lalaki. Doon niya naramdaman kung gaano katigas ang didbid nito. Mabuti na lang at naka-sando ito kaya may nakapitan pa siya.

"'Wag kang gagalaw," bulong nito kay Sharla na naka-kapit pa rin sa sando niya dahil hindi pa nakaka-move on sa mabilis na pangyayari. Ramdam niya init ng hininga nito. "Ikaw rin Manzo, 'wag kang gagalaw. Hayaan mo lang umakyat 'yang ahas pataas sa puno."

"Bakit hindi na lang na'tin 'yan patayin?" tugon ni Manzo. Noon na lang din nito napansin ang berdeng ahas sa may ulunan niya.

"'Wag kang maingay. Kung papatayin na'tin lahat ng ahas sa isla, 'yon na lang ang magagawa natin sa isla. Mauubusan na tayo ng oras para hanapin si Beej. Marami raw kasi sadyang ahas dito."

"Hindi pala safe dito, bakit dito tayo pumunta?" sabi ni Sharla nang paipis na lumayo kay Kren.

"Well, hindi naman part ng itinerary natin na pumunta tayo dito sa gubat. Kelangan lang talaga natin ng mga tuyong kahoy para sa bonfire kaya nandito tayo ngayon," paliwanag ni Kren nang muling sipain ang piraso ng kahoy sa dinadaanan niya.

"Ah basta magdidilim na, need na nating mahanap si Beej," sabi ni Manzo na in character pa rin sa pagiging suplado at masungit.

Babalik pa sila sana sa tent para kuhanin ang mga dalang lente at phones, pero bigla nilang naalala na nasa iisang bag nga pala ang lahat ng mga gamit nila na hindi p'edeng mabasa, at si Bindi ang may dala noon.

Patuloy nilang tinawag si Beej sa pag-asang maririnig sila nito. Nang marating ang paanan ng burol ay may napansin si Sharla. "Teka, guys, parang nanggaling na tayo dito kanina?"

"Para nga. O baka pare-pareho lang talaga ang mga istura ng puno na nadadaanan natin?"

"Hindi e." Itinuro ni Sharla ang puno kung saan nila nakita ang ahas kanina. "Tandang-tanda ko ang punong 'yan, d'yan nakabitin ang ahas kanina."

"So?" tipid na namang reply ni Kren.

"Sabi ng lola ko, 'pag naliligaw ka raw, kelangang mo raw baliktarin..."

"So, sino ngang gusto mong maghubad sa amin ni Manzo?" putol ni Kren kay Sharla. Alam na alam ni Sharla ang gustong ipahiwatig ni Kren. Alam kasi nito na may nararamdaman na siya para kay Manzo.

Pero bago pa nakasagot si Shar ay nahubad na ni Manzo ang suot na T-shirt. Nasilayan na naman ni Sharla ang pumuputok na abs ng kaibigan. Kaso hindi na niya iyon natitigan dahil pagkatapos baliktarin ni Manzo ang T-shirt ay saka na niya ulit ito isinuot.

"Okay ka na do'n?" nakakalokong tanong ni Kren sa dalaga.

"Guys, seryoso naman ako," sagot pa ni Sharla. Hindi na naman nito maitago ang pamumula ng mukha.

"Seryoso din ako, Shar," nagulat na naman si Shar sa sinabi ng kaibigan. "Seryoso akong gusto ko nang mahanap si Beej, kaya please lang 'wag na kayong magtatalo."

"Bakit ba ang sungit sungit mo sa 'kin ha? Kanina ka pa, Manzo. Bakit, gusto ko rin namang mahanap na si Beej a." Hindi na napigilan ni Sharla ang sarili.

"Ang kulit mo kasi. Kung nakinig ka lang sana sa akin, na 'wag na lang kayong tumuloy sa bakasyong ito, e di sana wala tayo rito ngayon."

"Ayun.... Lumabas din ang totoo. Sinisisi mo nga ako," sarkastikong tugon nito.

"Ano ba guys, mag-aaway pa ba talaga kayo?" sita ni Kren sa dalawa. Ginaya niya ang tono ni Manzo kanina nang sinuway sila nito.

Tumahimik na lang si Manzo at nagpatuloy na sa paglalakad. Gano'n din si Sharla, tahimik itong naglakad at sumunod kay Manzo. Pero agad napansin ni Kren ang luhang namumuo sa gilid ng mga mata nito. "Don't worry. We'll find her no matter what," bulong nito kay Sharla. Siguro, iyon ang unang beses na natuwa siya sa sinabi ng lalaki. Tapos naramdaman na naman niya ang init ng hininga nito. At dahil sa lapit ng mukha nito sa kanya, amoy na amoy niya ang mint sa hininga nito na dahil pa rin siguro sa mga kinain nilang kendi sa bangka kanina.

Biglang tumigil sa paglalakad ang paos na sa kasisigaw na si Manzo. "Teka, guys, narinig n'yo ba 'yon?"

Sea You Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now