1. What's Up?

814 25 21
                                    

Ramdam na ramdam na ni Sharla ang dagat kahit noong nasa Kismet Bookshop pa lamang sila. Pero hindi inaasahang ang Heart Beach Café pala ang magdadala sa kanila sa mismong gilid ng dagat. Literal na by the beach ang café na ito. Rinig nila ang alon ng dagat na minsa'y humahampas sa brick walls nito habang humihigop ng mainit na kape. Hot butterscotch ang inorder ni Sharla nang makarating ito sa café nang gabing 'yon. 7:45PM na at marami na ring tao sa loob. Pero itong si BJ ay talaga namang naghanda pa para sa gabing ito. Suot ang paboritong maxi dress na may floral accents habang umaalon ang kulot na buhok, she's a real head-turner. Pero ngayon, tila ba'y hindi ito mapakali sa pagkakaupo. "Anong problema?" tanong ni Sharla sa kaibigan.

"Bes, first day ko, kainis," reklamo ni BJ sa kaibigan. Kagagaling lang nito sa washroom.

"Ano? Babalik na lang tayo sa room natin? Tara, take out na lang tayo ng beer?"

"No! It's not every day na nasa beach tayo, let's enjoy the night life. 'Tsaka ilang oras na lang, 25 na ako."

"Sure ka ba?" tanong ulit ni Sharla na halatang may pag-aalala sa tono nito.

"Oo nga. 'Tsaka excited na ako sa regalo mo sa 'kin," sagot nito na siyang nagpangiti rito nang bahagya. Oo nga pala, muntik nang makalimutan ni Sharla ang regalo sa kaibigan. Kailangan pa niyang hanapin ang lalaki at pakiusapan itong makipagkilala sa kaibigan.

Sandaling kinabahan si Sharla. Wala kasi siyang plan B. Kaya kung pumalpak ang plan A niya, baka lalong malungkot si BJ. Pero sobrang labo pa talaga ng plan A niya, at hindi niya alam kung bakit nga kumapit pa rin siya sa plano na 'yon. Ni hindi nga siya sigurado kung sisipot ba ang lalaki, o kung marami itong binigyan ng gano'ng klase ng bookmark. "Ah 'yon ba? 'Wag ka ngang masyadong ma-excite. Hindi naman 'yon bongga. Basta sana, mapasaya kita kahit konti. Teka bes, d'yan ka lang muna, punta lang akong counter." Nagmadali nga siyang pumunta sa may counter para doon simulang hanapin ang lalaking nakita sa bookstore kanina. At dahil hindi nga niya ito makita sa loob, lumabas ito ng café. Dahil hindi rin naman sinabi sa bookmark na sa loob ito ng café makikipagkita.

Pero nagulat pa rin siya nang makalabas na ng café. Napahawak tuloy siya sa leather strap ng suot na bag. Ngayo'y kaharap na niya ang lalaking hinahanap. Nito lang niya talaga tuluyang na-appreciate ang kaguwapuhan ng binata. Nakasuot ito ng polo. Naka-brush up ang mohawk nitong buhok. At may hawak itong bouquet ng sunflower. Nakangiti ito at hindi rin naman niya napigilan ang sariling ngumiti. Hanggang sa may magsalitang babae mula sa may likuran niya.

"Babe, 7:00 ang usapan, 'di ba? You're so late," asik ng babae. Napatingin siya dito. Maganda ito. Maigsi ang buhok na bumagay sa maigsi rin niyang bestida. Off-shoulder ang kulay dilaw nitong bestida na nag-accentuate sa broad nitong balikat.

"Babe, sorry na. Natagalang matapos ang event," sagot dito ng lalaki.

Bukod sa napahiya ay hindi agad makaalis sa tayo itong si Sharla. Bakit nga naman siya mag-eexpect? Hindi nga siya sigurado kung naaalala pa siya ng lalaki. Lalo tuloy siyang nainis dito.

Nang maihanda ang sariling umalis sa eksena, bigla na naman itong natigilan nang magsalita ang babae," Tama na, sawang-sawa na ako sa mga dahilan mo. Kren, ayoko na, we're done."

"Babe, teka-teka..," habol nito sa babae. Pero dirediretso lang ito sa paglalakad.

"Kren! Tama na. 'Pag hinabol mo pa ako, tatawag na talaga ako ng pulis," sigaw pa nito.

Nakita ni Sharla kung pa'no nanlumo ang lalaki sa pagkakatayo. Tapos, bigla na lang siyang nahuli ng lalaking nakatingin sa kanya. "May problema ba tayo?" asik nito kay Sharla.

"Ah.. ah... wala," nauutal na tugon nito.

"Wala naman pala e. 'Wag kang tingin nang tingin d'yan. Nakakairita kasi."

Sea You Again [COMPLETED]On viuen les histories. Descobreix ara