20. The Past and the Precious (2)

143 7 14
                                    

Katulad ng pag-ihip ng hangin, patuloy rin ang pagdaloy ng mga alaala ni Sharla. Hindi niya malilimutan ang gabi noong ni-record ang video na 'yon. Nagkita sila ni Manzo noong umaga dahil sa kinuha nito sa kanya ang hinihiram na external drive. Naunang umalis si Shai kaya naiwan sa bahay ang dalawa. Bigla kasing nagyayang manood ng movie itong si Manzo.

Isinaksak ni Manzo ang external drive ni Sharla sa TV sa salas para maumpisahang mapanood ang pelikula. Naglabas si Sharla ng potato chips at siyang inalok sa bisita. Ipinatong nito ang potato chips na nasa malaking bowl sa pagitan nila. Nakaupo sila sa iisang sofa, dun sa magkabilang dulo nito. Minsa'y hindi niya sinasadyang nahahawakan ang kamay ni Manzo dahil sa nagkakasabay silang dumampot ng chips. Parang makokoryente si Sharla sa tuwing nagdidikit ang mga kamay nila.

Natapos nila ang pelikula habang nag-aasaran. Pinagtalunan pa nila ang kanya-kanyang interpretasyon sa naging wakas nito.

Umalis na rin si Manzo pagkatapos magtanghalian kina Sharla. Pinagluto pa niya ito ng paboritong sinigang.

Pero hanggang sa maligo si Sharla, hindi pa rin niya maalis-alis sa isip ang binata. Para siyang tanga at nai-imagine din niya ito habang naliligo. Pasulpot-sulpot ang mga imaheng iyon sa isip niya. Mas binilisan niya tuloy ang pagkuskos ng sabon sa katawan dahil sa inis sa sarili hanggang sa hindi na niya namalayang napadpad na sa pribadong bahagi ng katawan ang kanang kamay niya. Sa pagitan ng pusod at mga hita niya ito pansamantalang iniwan. Hindi na rin niya namalayang napapaungol na pala siya.

Nang gabing iyon, sinubukan niyang i-chat si Manzo. Ngunit hindi naman ito nag-reply kahit na na-seen na niya ang message nito. Sobra siyang nainis dito. Alam naman niyang busy ito, hindi nga lang niya siguro matanggap na hindi siya kasama sa priorities ng kaibigan. O siguro baka kasi 'pag naiinis siya rito, mas mangingibabaw 'yun kaysa sa lihim niyang pagtingin sa binata. Noon niya naisipang gumawa ng video. Hindi para kay Manzo o sa kahit na sino. Para lang talaga sa kanya ang video na iyon. Dahil hindi niya masabi sa isang video call ang gustong sabihin kay Manzo, sa tingin niya pede na ring alternative ang pagre-record ng video na para sana rito. Binuksan niya ang kamera sa phone at sinimulang pindutin ang record button. "Hi Manzo, kumusta ka... ang gabi mo?" pauna niya habang inaayos pa ang framing ng mukha sa kamera. "Kumusta ang pagiging manhid sa feelings ko? Hindi, joke lang. Alam ko namang hindi mo na rin mapapanood itong video na 'to kasi ide-delete ko na rin next week pagkagaling namin sa beach. Yes, pupunta ako sa beach para iwan ko na ron itong letseng feelings ko sa 'yo. Promise 'yan. Okay ba 'yon? Gusto ko lang talagang malabas 'tong nararamdaman ko kahit sa bidyong ito man lang. Gustong-gusto kita pero alam kong kahit kelan hindi mo ako magugustuhan. Hindi ko rin maintindihan 'yung sarili ko kung bakit bigla na lang nagkaganito ang feelings ko sa 'yo. Okay naman tayo dati. E kaso biglang naging ambisyosa ang pusong 'to at hindi yata alam na dahil sa pagiging ambisyosa niya, inilapit lang din nito ang sarili sa kapahamakan. In short, tanga lang. Alam mo 'yung walls na nararamdaman ko 'pag magkasama tayo? Ang taas-taas at ang kapal-kapal. 'Yun 'yung tinatawag na great wall of friendship. At isa ako sa mga bawal tumawid don. E 'yung heart mo siguro isang walled city. Overprotective. Sana ganun din ang heart ko. Gets mo ba? Okay lang, sanay ka na naman siguro sa maraming non-sensical na bagay na pinagsasabi ko. Pero gaya nga ng sabi ko kanina alam ko na 'pag bumalik ako galing sa bakasyon ko next week, wala na 'tong feelings ko sa 'yo. Ipapadala ko na sa alon. Promise. By that time, tatawanan ko na lang ang video na 'to bago i-delete. Okay. Bye."

***

Nang matapos ni Bindi na i-play ang video, binigyan pa niya si Sharla nang isang matalim na tingin. "More? You want more? Sagot!" usal pa nito habang nakataas ang mga kilay.
Hindi alam ni Sharla kung may mukha pa ba siyang ihaharap kay Manzo. Pinagselosan pa niya si Beej dahil sa akala niya ito ang kahalikan ni Manzo kagabi. Pero bukod sa labis na hiyang nararamdaman, mas matindi ang galit niya kay Bindi. Hindi na niya yata makakayanan kung lahat ng mga video niya sa phone ay ipe-play nito. Nagkakasala tuloy si Sharla sa mga naiisip niya. Parang gusto niyang paagahin ang pagpunta ni Bindi sa impiyerno. Pero para bang naramdaman yata nito ang iniisip ni Sharla kaya tinago na nito muli ang phone at bumulong sa katabing bangkero.

Bahagyang humina ang hampas ng mga alon sa pangpang. Ngunit mas tumindi ang init na dala ng araw. Pansin nila ang pagtungo ni Alvin sa nakabimbing bangka sa mga bakawan. Ilang metro ang layo nito sa kinaroroonan nila ngayon. Magkatabi sina Manzo at Beej sa pagkakatayo na halos dalawang dipa ang layo kay Bindi. Kaharap ni Bindi si Kren na siyang katabi ni Sharla.

"Give me back my phone, you bitch," pinandilatan ni Sharla ng mata ang babaeng kumuha sa phone niya.

"How dare you! Aanhin ko naman 'tong tsipepay mong phone 'di ba kung wala 'yung mga bitter mong videos. And besides, don't ask for more. Babalik na tayo sa Kota Kita. Kita n'yo namang kinukuha na ni Alvin ang bangka."

Tinitigan ito ni Kren para siguruhin kung totoo ang sinabi ni Bindi. Sa tantiya niya, mukhang nagsasabi nga ito ng totoo. "Mabuti naman Bindi kung gano'n," napapangiting usal nito. Hindi pa rin siya sobrang kampante sapagkat hindi na niya ngayon matukoy kung ano nga ba talaga ang binabalak nito.

Nagkatinginan sina Sharla at Beej at bago pa muling mapaluha si Beej, nilapitan na siya ni Sharla at niyakap. "Sorry na bes... sorry," bulong ni Sharla rito. Diretso lang ang tingin niya kay Beej para hindi niya mahagip ang tingin ni Manzo na kanina pa niyang pilit iniiwasan. Ang dami-dami niyang gustong sabihin at itanong kay Beej.

Bumalik si Alvin para sabihin kay Bindi na ayos na ang bangka.

"Okay, ready na raw ang bangka." Plastikada ang naging pagpapasalamat nila kay Bindi na hindi pa pala tapos sa pagsasalita. "Bakit sinabi ko bang lahat kayo ay kasama?" humyaw nito sa mga kasama sa isla.

Sea You Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon