Hello

1.2K 37 23
                                    

Huminga muna ito nang malalim bago lumapit sa pinto ng café. Ang pinto ay yari sa clear na plate glass at mula sa labas ay matatanaw na ang counter nito. "Sharla, you can do this," bilin nito sa sarili habang binabasa ang pangalan ng café na nakadikit sa pinto. She needed to make sure she's on the right place. Makikipagkita lang naman siya sa isang bagong kliyente. At bakas sa mga mata niya ang pilit ipinapaalala sa kanya ng sarili na kailangang-kailangan niya ito.

Pero bukod sa pangalan at logo ng café nakita niya rin dito ang repleksyon ng sarili. Nakapusod ang mahabang buhok nito at may kaunting dewy makeup sa mukha. Naka-itim siyang blazer at dilaw naman ang blouse sa loob. She smiled. Tinitigan niya ang sarili. Pero kahit anong titig niya rito, ang tanging nakikita pa rin niya ay ang sarili 2 years ago nang mapadpad siya sa Kota Kita. At habang nakatitig sa sariling repleksyon, tuluyan na niyang itinulak ang pinto at muli na naman niyang inalala ang nakaraan-na animo'y dagat ng mga alaalang matagal nang lumulunod sa kanya.

☼☼☼☼☼

Hindi rinig sa loob ng silid ang hampas ng mga alon. Tahimik at payapa ang mahihinang mga yabag sa paligid. Parang ang puting ruffle dress na suot niya na ipinares niya sa mahahaba niyang feathered earrings at bilog niyang rattan sling bag. May mahihinang usapan sa malayo pero hindi iyon sapat para mawala ang atensyon niya sa mga libro sa harapan niya.

Kinuha nito ang natatanging libro na nakausli sa bookshelf nito. Sa title pa lang ng young-adult novel na hawak ay alam na niyang mayaman ito sa erotic scenes, kaya hindi siya nag-atubiling buksan ang libro. Mag-isa lang naman siya sa bahaging iyon ng bookstore kaya malakas ang loob niyang basahin ang unang chapter nito. Para raw ma-tsek muna niya kung may substance nga ang istorya o kung papasa sa standard niya ang pagkakasulat dito.

Pero tama nga siya sa kanyang first impression, mayaman nga talaga ang nobela sa mature content. First scene pa lang sa unang kabanata, nagtatalik na ang dalawang bida. May kakaiba na rin siyang nararamdaman sa katawan niya. Tinuloy-tuloy niya ang pagbabasa dahil nga sa paghahanap raw ng tinatawag niyang substance nang bigla namang may boses na umalingawngaw mula sa may likuran niya. "Hi, what's that book you're reading? You look tense. Intense ba ang eksena?" bungad ng lalaking hindi niya nakikilala. At ang siste, naka-ngiti pa ito sa kanya na para bang magkakilala sila. "Oh. I didn't mean to interrupt your reading. My apologies," patuloy nito.

Shet, bulong niya sa sarili. Hindi dahil sa hot ang accent nito. Nabastusan siya sa biglang pagsulpot ng lalaki at 'di napigilang pagtarayan ito. "Excuse me, kuya? Mind your own business, okay?" bulyaw nito sa lalaking pakialamero habang pa-simple nitong itinatago ang hawak na libro sa kanyang likuran para hindi mapansin ng lalaki ang nature ng librong binabasa.

"Mahilig ka pala sa YA novels," sabi pa nito na parang may panunuya sa tono na mas ikinagulat din ni Sharla.

"No, I'm not. I'm just here, kasi naghahanap ako ng perfect gift ko for my friend," paliwanag ni Sharla sa lalaki, which is true. Magbi-birthday na kasi ang bestfriend nitong si Britney Joy. Hindi pa rin naaalis ang inis niya sa lalaki at hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang i-defend ang sarili rito lalo na ngayon na nakangiti ito sa kanya.

"Stop being defensive and read this one," sagot pa nito habang inaabot kay Sharla ang isang makapal na librong may nakasipit na bookmark. Natigilan si Sharla, marahil ay dahil sa sobrang hiya, pero hindi nito hinayaang malaglag sa sahig ang inabot na libro ng lalaki. At saka pa lang niya na-appreciate ang itsura at datingan ng lalaking 'yon nang tuluyan na itong makaalis. Matangkad ito. Matangos ang ilong. Mapungay ang mga mata. Manipis ang mga labi. Mohawk ang gupit. Kayumanggi ang balat. Naka-sando at shorts na parang galing sa isang surfing event. May tatlo rin itong rasta anklet na suot sa paa. Ganitong-ganito ang tipo ng kaibigan niya. Ang problema lang ni Sharla, hindi pa rin maaalis sa kanya ang pagkainis sa lalaki.

Tiningnan ni Sharla ang bookmark na nakasipit sa librong inabot ng lalaki at tuluyang binasa ang naiwang mensahe sa bookmark:

'Tonight, you will fall in love. See you at Heart Beach Café. 8PM.'

Isang ideya ang pumasok sa isip niya. Tama, alam na niya ang perfect gift sa hopeless-romantic na kaibigan.

Sea You Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now