20. The Past and the Precious

138 8 4
                                    

"Bindi alam kong alam mo na hindi ko gustong mangyari 'yung nangyari," turan ni Sharla habang pilit nilalakasan ang loob. Rinig ang malalakas na hampas ng alon, ngayo'y mas tinaasan na rin nito ang boses," At hindi lang ikaw ang nahihirapan dahil sa sa mga nangyari. Simula nang nawala ka, hindi ka nawala sa buhay ko, sa buhay namin. Kahit sa mga panaginip ko andun ka... halos gabi-gabi para bisitahin ako. Matagal ko ring sinisisi ang sarili ko dahil sa nangyari. Pero ang hirap e, hanggat naaalala kita, bumabalik lahat ng sakit dito sa loob ko. At alam mo 'yung mas masakit... 'yung pakiramdam mo na sa tuwing haharap ka sa ibang tao, parang isinisigaw nila sa pagmumukha ko na sana ako na lang ang nawala. Like them, hindi ko rin maiwasan na itanong nang paulit-ulit sa sarili ko kung bakit hindi na nga lang ako ang nalunod noon sa dagat. Baka mas masaya ang lahat kung 'yun 'yung nangyari. Kaya kung iniisip mong madali sa akin ang mga nangyari, nagkakamali ka." Pinahid muna niya ang mga luha bago nag-angat ng tingin at nagpatuloy sa pagsasalita. "But that's okay, nalampasan ko naman ang mga araw at gabing iyon. Alam mo kung bakit? Alam ko... na sa paglibot sa mga isla at iba't ibang lugar dito sa Pilipinas, makikita at makikita kitang muli. And now, you're here, right in front of us. Nakalulungkot lang isipin na ang daming mga araw na nasayang dahil hindi agad namin nalaman na nakaligtas ka pala sa insidenteng iyon. Sorry to ask this pero bakit hindi ka agad bumalik? Hindi naman kami napagod maghintay sa 'yo."

"Ang drama mo teh, kala mo naman makukuha mo 'ko dyan. Saka wala kang pakialam kung ayaw ko nang bumalik sa letseng lugar nyo," singhal ni Bindi. Kayang-kaya nitong tumingin nang diretso kay Sharla. Pero sa haba ng sinabi nito, 'yun lang talaga ang gusto niyang sabihin. Ni hindi man lang niya pinansin ang sinseridad ni Sharla sa mga sinabi nito.
"Hindi mo man lang sinabi sa inyo na buhay ka pa? Kahit sa tita Chona?"

"So bakit ba sa 'kin mo sinasabi 'yan e kung hindi naman dahil sa 'yo, hindi iyon mangyayari."

"Okay lang na sisihin mo ako, tatanggapin ko 'yon pero 'wag mo naman sanang idamay sina Beej at Manzo rito. Hindi sila ang kasama mo noon. Ako, ako lang."

"Guys, tama na," iyak ni Beej. "Ako naman talaga ang may kasalan kung bakit ikaw Bindi ang nakasama sa seminar na 'yon. I told Mrs. Jaspe na hindi ako makakasama sa seminar kahit na she insisted to me na dalawa dapat ang delegates na ipapadala sa event. E kung sana sumama na lang ako... ako... ako na lang sana ang nalunod."

"No, bes hindi mo 'yon kasalanan. You were feeling sick the whole week. Pano ka sasama nang nasa gano'n kang kondisyon? Hindi mo rin naman alam na si Maxi pala ang isasama ni ma'am. Kasalan ko lahat."

"Ano bang gusto mong palabasin Britney Joy ha? Na sa ating dalawa, mas magaling ka? Na ikaw lagi ang first choice?" sigaw ni Bindi kay Beej.

"Hindi sa gano'n Bindi. Ang ibig kong sabihin, 'wag mo nang idamay si Sharla kung galit ka sa akin," pasigaw ring tugon ni Beej kay Bindi kaya parehong napako ang tingin nina Sharla at Manzo rito. Bukod sa naguguluhan si Sharla dahil sa mga sinasabi ni Beej, naiinis siya sa pandidilat ng mga mata ni Bindi sa kaibigan.

"Hindi ko naman balak agawin sayo si Manzo, kahit noon pa," patuloy ni Beej. "Oo siguro kasalan ko rin kung bakit overprotective si Manzo sa akin kahit noon pa, pero ginusto ko ba ang sitwasyon ko noon? Hanggang ngayon?"

Tulad ni Sharla, natulala rin si Manzo nang marinig ang pangalan niya sa usapan nina Bindi at Beej.

"Dyan ka naman magaling Britney Joy, ang magpaawa," sita ni Bindi rito. "At oo, alam ko kung bakit ayaw mong sumama sa event noon, totoo namang noon pa man gusto mo nang ma-solo si Manzo. Mas pinili mong samahan si Manzo sa lakad nito, nakita ko ang usapan nyo sa text. 'Wag ako, BJ!"

"Bakit? Alam mo ba kung saan kami pumunta ni Manzo noon?" Humarap si Beej kay Manzo bago muling ibinalik ang tingin kay Bindi.

Samantala, patuloy pa rin ang pagtataka ni Sharla dahil hindi niya maalala ang mga pangyayari sa usapan ng dalawa. Para bang hindi niya talaga alam ang mga pangyayaring iyon. Para bang ngayon lang niya iyon narinig. Ang alam lang niya, kailangan ni Beej magpa-check up sa ospital noong araw na iyon.

"Hindi na mahalaga kung saan kayo nagpunta. Ang mahalaga, 'yung ngayon, dahil sa gagawin ko sa inyo, sisiguraduhin kong sa impiyerno lahat ang bagsak n'yo."

"Hindi ka ba natatakot sa mga sinasabi mo Bindi? Nahihibang ka na ba talaga? Hindi ka ba natatakot sa impiyerno?" sabad ni Kren sa usapan ng tatlong dalaga. "Sa akin ka na lang gumanti." Pigil na pigil na ito sa sarili. Pero kahit anong galit niya yata kay Bindi, hindi niya pa rin ito kayang saktan. Subalit ngayong dalawa na ang babaeng umiiyak sa harapan niya, mas lalo niyang kinasusuklaman ang inaasal ni Bindi.

"Tumahimik ka nga dyan, Kren. Kala mo kung sino kang guwapo ngayon," sigaw ni Bindi kay Kren. "Wala ka naman palang binatbat kay Manzo," patuloy nito nang ibaling kay Manzo ang mga mata. Napatitig si Manzo kay Bindi. Naalala niya ang mga ngiti nito na parehong-pareho noong nasa higschool pa lang sila, bago ito mawala. Noon niya naalala ang pangyayari kagabi nang bigla na lang siyang hinalikan nito. Dahil sa madilim ang gabi at sa pareho ang buhok nito kagabi kay Beej, buong akala niya'y si Beej ang humalik sa kanya. Sino bang mag-aakala na bukod kina Sharla at Beej, may iba pang babae sa isla.

"So ikaw 'yung babae kagabi?" tarantang tanong ni Manzo kay Bindi. Napalunok ito nang ilang beses.

"The girl you kissed good night, yes," malanding sagot nito. "Pero bago ang lahat, hayaan n'yo munang ipakita ko sa inyo ang isa sa mga sorpresa ko," sabi pa nito nang simulang dumukot sa bulsa.

Bahagya ring dinukot ni Kren ang nakatago niyang swiss knife. Bukod kay Beej, malakas din ang kabang nararadaman nila. Alam na nila ang posibilidad na may dalang baril si Bindi. At this time, baka totoo na talaga itong baril.

Nang mahugot ni Bindi ang smart phone sa bulsa doon pa lamang nakahinga nang maluwag si Kren. Pasimple niya uling itinago ang maliit na swiss knife. Pero kung nakahihinga na nang maluwag sina Kren, mas lalo namang bumilis ang kabog ng dibdib ni Sharla. "Bindi, bakit nasayo 'yan? Ibalik mo sa 'kin ang phone ko," sita nito kay Bindi.

"No!" histerikal na sagot ni Bindi.

"Please, Bindi. Nagmamakaawa ako," pakiusap pa ni Sharla. Ginawa niyang mahinahon ang kanyang tono.

"Sige, lumapit ka. Kung ayaw mong masaktan, hayaan mo muna akong i-play ang mga video mo rito. 'Yung mukha kang tangang blogger talking to yourself."

"Bindi, please," halos lumuhod na si Sharla sa pagpapakiusap dito.

Pero parang hindi nito napapansin ang nagmamakaawang dalaga sa harap niya at lakas loob na iniharap sa lahat ang screen ng phone na hawak. "Simulan ko sa unang video na 'to. Wow ha. Ang tanga rin ng caption nito. To Manzo with Love."

Sea You Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now