11. Good Evening

209 14 21
                                    

Nang maunang umalis si Manzo sa gubat, madali niyang natukoy ang daan patungong beach. Kinailangan lang niyang hanapin ang buwan. Ngunit bago niya marating ang pangpang ay may narinig itong isang malakas na kaluskos malapit sa kanya. Kaluskos ng isang bagay na animo'y sumusunod sa kanya. Tao ba ito o hayop, 'yun ang hindi pa rin niya masiguro. Ramdam niya ang marahang yabag nito na siyang nagpabilis sa kabog ng kanyang dibdib. Nasa isang isolated na isla lamang naman siya na ngayon lang din niya nalamang nag-eexist kaya hindi nila ito masisisi kung nakakaramdam man ng takot.

"Sino 'yan?" mahinang tawag nito sa kung anong bagay na sa pakiramdam niya ay patuloy ang pagsunod sa kanya. Pero walang namang sumagot dito kaya binalewala na lang niya ang narinig. Ang hindi niya alam, may susunod pa palang kaluskos. But this time, feeling niya nasa bukana ito ng gubat para hintayin siya. Natakot na tuloy itong dumiretso sa pangpang. Bumalik siya sa loob ng gubat kung saan niya iniwan si Kren pero hindi na niya ito naabutan doon.

☼☼☼☼☼

Pagkatapos alalahanin ang nangyari kanina sa gubat, saka niya niyayang magsindi ng bonfire ang bagong BFF, si Kren.

Ang hindi nila alam may maliit itong bag kung saan nakalagay ang ilang mga mahahalagang kagamitan. Meron itong lighter, maliit na swiss knife at isang maliit na tin box ng peppermints. That's all he needs 'pag nagtatravel. Pero s'yempre, hindi niya in-announce sa mga kasama ang dala dala. Inilabas lang niya ang dalang lighter para magsimulang gumawa ng apoy. Habang busy ang dalawa sa labas ng tent na nakatoka sa kanila, naroroon naman sina Beej at Sharla sa loob ng kabilang tent. Inamin ni Beej kay Sharla na hindi maganda ang pakiramdam niya kaya naman sobrang worried ang BFF niya para rito.

Gutom na gutom na sila pero hindi nila makita 'yung isang bag ng mga dala nilang pagkain. Sa pagkakaalam nila ay hindi iyon nadala ni Bindi nang umalis ito kanina. Nakita pa nila ang bag sa loob ng tent kanina bago nila hanapin si Manzo.

Mabuti na lang at may baong snacks si Manzo sa bag niya. Bagaman puro chips at cookies lang ang dala nito, nakatulong iyon para mas umayos ang pakiramdam ni Beej.

Nang makumpleto ang apat sa palibot ng bonfire pagkatapos paghatian ang konting pagkain, noon nila sinimulang pag-usapan ang plano para bukas. Dahil malakas ang alon sa paligid ng isla, hindi nila kayang gumawa ng isang balsa na maaaring makapag-navigate doon. Masyado iyong delikado. Pero hindi rin naman nila alam kung kelan nga ba may bangkang muling bibisita sa sikretong isla. Naalala ni Manzo ang sinabi ni Kren kanina tungkol sa posibleng tao na naninirahan sa isla. Sa pagpupulong, idinagdag din ni Kren ang iba pang mga nalalaman tungkol sa isla. Sa pagkakaalam nga raw niya, may isang politiko na nagmamay-ari na ng isla. At posibleng may caretaker nga ito roon. Sa huli, napagdesisyunan nila na hanapin na lang muna ang taong 'yon bukas na bukas.

Hirap makatulog si Sharla. Naiinitan kasi siya sa loob ng tent nila ni Beej. Kaya nga takang-taka rin ito kung bakit ang bilis nakatulog ng kaibigan na kung tutuusin ay mas sensitive pa sa kanya. Marahil nga ay napagod ito nang sobra sa buong maghapon. Ngayon na lang ulit naalala ni Shar na birthday nga pala ng kaibigan at hindi na nila naidaos iyon. Tapos hindi pa ito nakakain nang ayos ngayon. Mabuti na lamang at marami-rami silang nakain sa buffet na inihain ng mayor kanina. Naisip niya tuloy na baka nga plano ni Bindi ang lahat ng nangyayari sa kanila ngayon.

Nakakita siya ng isang piraso ng karton mula sa mga gamit nila at halos sampung minuto rin siguro niyang pinaypayan ang kaibigan. Pero sobra na talaga siyang naiinitan. Parang masu-suffocate na siya sa loob kaya naisipan muna niyang lumabas ng tent.

Nang makalabas ng tent si Shar, doon niya mas napagtanto kung bakit kanina pa siyang balisa at init na init sa katawan. Bumungad kasi sa kanya ang nakahubad na si Kren na nakaupo malapit sa bonfire. Mas nagulat tuloy si Shar nang mapatingin ito sa kanya sabay sa bati sa kanya, "O, hindi ka rin makatulog? Ang init sa loob 'no?" Bukod sa abs nito, tumama ang tingin niya sa matitipunong dibdib nito na litaw na litaw ang magagandang hugis.

"A-ah, oo, e," tarantang tugon ni Shar dahil iniiwasan niyang mapatitig sa katawan ng binata. "Nasaan si Manzo?" Naiinis pa si Shar sa sarili kasi feeling niya wala lang talaga kay Kren ang nangyari sa kanila kanina. Nakakatingin na rin ito nang diretso sa dalaga.

"Ayun, nasa loob. Mukhang pagod na pagod. Hindi ko ka alam kung bakit siya nakatulog do'n kahit sobrang init. Tulog na rin si Beej?" Tinanong tuloy ni Shar ang sarili kung ano nga bang pinaggagawa ng dalawang kaibigan at sobrang napagod ang mga ito. At dahil naman hindi siya nakapagreply sa naturan ni Kren, muling nagsalita ang binata. "So... gusto mo bang makipagpalit ng tent?"

Napaismid si Shar dahil sa nasabi ni Kren. "Nagbibiro ka ba? Magsisimula ka na naman kung kelan nagugustuhan na kita? Ay tanga, I mean, 'yung company mo," mataray na tugon nito.

Napaubo si Kren dahil sa narinig. "Oh. So may pag-asa pala ako?" sagot nito after clearing his throat.

"Hay naku, Kren. 'Wag na tayong magbiruan. Wala tayo sa sitwasyon na dapat nagbibiruan pa tayo. Kung anong nangyayari sa atin ngayon sa isla, this is a serious matter. Any moment, p'ede tayong matsugi dito. Naaalala mo ba 'yung narinig nating ingay sa gubat?"

"Seryoso naman ako sa mga sinabi ko. 'Tsaka 'wag mo nang pakaisipin 'yung ingay na 'yon. Virgin pa ang island na 'to kaya posibleng marami pang wildlife na nagpapauli-uli sa lugar?"

Hindi na namalayan ni Shar na nakaupo na rin pala siya sa harap ng bonfire, sa tapat ni Kren, kung saan sipat na sipat nito ang katawan ng binata. "Wala akong nakikita. I mean, wala naman tayong nakita kanina ha. Na mga hayop."

"Malay mo bukas, marami na, 'pag narating natin ang kabilang bahagi ng burol."

"Nanakot ka ba? Kasi hindi 'yon effective?" pagtataray pa rin ni Shar kahit sa totoo lang ay sasabog na talaga ang dibdib niya. Deep inside, aminadong attracted na siya ngayon sa itsura ng binata. Ang pagiging connected nga lang nito kay Bindi ang pumipigil dito.

"Bakit totoo bang hindi ka natakot? Kaya naman pala napayakap ka sa 'kin kanina nung nasa gubat tayo nang marinig mo ang kaluskos na 'yon."

"Ewan ko sa 'yo, Kren," inis na tugon ni Shar sa binata sabay tayo mula sa pagkakaupo. Kailangan na niyang takasan ang eksenang iyon at baka mamaya ay hindi na naman niya mapigilan ang sarili. "Matutulog na nga lang ako."

"Teka," pigil ni Kren dito nang mahagip na naman nito ang kamay ni Shar. Animo'y nakoryente na naman itong si Sharla nang maramdaman ang pagkakahawak ni Kren sa kamay niya. "Teka naman o. 'Wag ka nang mainis sa 'kin. Gusto ko lang ng kausap. Sayang ang magdamag kung tutulugan lang natin," pilit nito habang kinakagat ang lower lip niya at habang nakakunot ang noo.

Naialis na naman ni Sharla ang kamay sa pagkakahawak ng lalaki nang magreply dito, "Sa isang kundisyon, isuot mo ulit 'yung sando mo."

Napangisi na naman si Kren dahil sa reply ni Shar, "sabi na nga ba e, kanina mo pang tini...,"

"Isa," putol ni Shar sa lalaki. Sinamaan niya pa ito ng tingin.

"Sorry na. Eto na po kukunin ko na sa loob ang sando ko." Agad nga itong dumiretso sa tent nang bigla namang masalubong si Manzo. "O, bro, gising ka pa pala? Teka, maingay ba ako?"

"Hindi naman, naiihi lang ako," sagot nito nang makalabas na ng tent. Tinapik lang nito sa balikat si Shar nang madaan.

Hindi naman inaasahan ni Sharla na sa malapit lang ito iihi, malapit sa bonfire at nakaharap sa beach. Para ngang tumalikod lang ito sa kanya, tapos basta na lang umihi. Rinig na rinig kasi ni Sharla ang paglagaslas ng ihi nito habang pumapatak sa buhanginan. At hindi iyon kayang sapawan ng tunog ng alon. Kaya tuloy kung anu-anong bagay ang naiisip niya.

At 10:30PM, tatlo na silang nakapalibot sa bonfire. Nakasando na ulit si Kren. Pero si Manzo naman ang hubad ngayon. Sobra raw siyang pinagpawisan sa loob ng tent kaya raw hindi na maganda sa pakiramdam ang hinubad na T-Shirt.

"Paano pala kayo naging magkaibigan?" tanong ni Kren sa dalawa pero kay Sharla ito nakatingin.

"She's my first love," mabilis na sagot ni Manzo.

Sea You Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon