▪️Acknowledgment

249 14 0
                                    

Hello beach hunters! Thank you so much for reading this story. Special thanks to Andrea Moral, Renzy Garcia, and Allysa Torino for the support. 💛💛💛

I know, it took me ages to finish writing this story. Kaya delayed din ang acknowledgment. HAHA. Lesson learned: It's better to finish something you've already started than not finishing it at all. You have to enjoy the process or the overall experience, make it through to the end, and learn from it.

Well, truth be told, naging busy naman talaga ako. Pero sana lang talaga, mas nabalanse ko ang lahat. Kaya naman sobrang na-appreciate ko 'yung mga taong naghintay ng ending ng story na ito. Sobrang bagal ng update tapos almost 2 years pa bago na-post 'yung ending, kung hindi pa na-lockdown. I know how you feel. Sorry na. Pero salamat talaga sa pagmamahal n'yo para kina Sharla, Kren, at Manzo. Love you, too. 💛💛💛

At kung mapapansin n'yo, dahil sa plot ng kuwentong ito, kinailangan ko talagang lagyan ng love scenes na wala sa first 3 novels ko na One Day He Wrote My Story, One Day He Wrote My Name, at Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw. In as much as romance can incorporate sex, I also wrote this story to tackle HIV awareness and prevention. Iba ang may alam!

Gusto ko ring magpasalamat sa mga nakasama kong mag-beach bago at habang sinusulat ang kuwentong ito. Trivia: Sa Calaguas talaga nabuo ang story na ito! Kaya salamat din sa mga dagat, beach, at isla na napuntahan. Salamat din sa lahat ng mga bangkerong nagdala sa akin sa mga lugar na iyon, hindi ko man kayo matandaan isa-isa. Salamat din sa mga kuwento n'yo!

Mahalagang ingatan at panatilihing malinis ang ating mga dagat para marami pa tayong mapupuntahan at para na rin sa susunod na henerasyon. Bawal ang selFISH!

Salamat sa patuloy na pagsama sa aking mga paglalakbay.

Tandaan, palaging magbaon ng sunblock, sunnies, at smile sa tuwing lalapit sa shoreline. Hinihintay ka ng dagat. Sa iyong sunod na pagbisita, isigaw mo sa tubig alat: Salamat, Inang Dagat.

Till our next escapade!

Sea you again,

LEX 💛

Sea You Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now