13. Let's Play!

251 13 26
                                    

「Chapter 13: Let's Play!」

Mas humihina na ang liwanag na nabibigay ng bonfire habang ang buwan ay patuloy pa ring nagtatago sa likod ng mga ulap. At habang mas lumalalim ang gabi, mas nagiging kampante na rin si Shar kay Kren.

"Ese nemen. May pagbanat pa itong si Kren. O siya, tabi d'yan at baka ikaw ay mapaso ng aking super sizzling body," natatawang tugon ni Shar kay Kren nang suuingin na nito ang dagat. Kaya nga lang hindi niya talaga inaasahang nakatutusok pala ang lamig noon. "Ang... ang lamig, pota," hiyaw nga nito nang tuluyan nang maramdaman ang malamig na tubig sa paa.

"Walang nagawa ang super sizzling body?" asar ni Kren habang humahalakhak nang wagas.

"Kung alam ko lang na ganitong kalamig, nagtiis na lang sana ako sa loob ng tent," reklamo ni Sharla.

"Minsan kailangan mo lang subukan para malaman mong kaya mo pala. See. Kaya mo ang lamig," banat pa ni Kren.

"Ansabe ng hugot mo, Kren. Nakakaloka ka, lalo akong nilalamig sa 'yo," sagot ni Shar nang tuluyan nang maitubog ang buong katawan sa dagat. Hanggang leeg na niya ngayon ang tubig at doon siya mas kampante. Dahil at least, hindi lang ang dilim ng gabi ang nagtatago sa katawan niya, pati na rin ang malamig na dagat.

"Come closer. Kung nilalamig ka pa rin."

"Ah, dahil ba hot ako?" ang sagot naman ni Shar kahit deep inside may nararamdaman na siyang awkwardness. Buti na nga lang at madilim doon kaya kahit napapatitig siya rito, alam niyang hindi siya mapapansin ni Kren.

"Hindi ha, lamig na lamig ka nga dyan e. Kaya ang kailangan mo... ay mas hot sa 'yo. Trust me Shar, you need me," tudyo pa ni Kren at ramdam ni Sharla na papalapit na ito sa kanya habang si Manzo ay nanatiling tahimik sa kinatatayuan. Paminsan minsan, ilublob nito ang ulo nang paulit-ulit sa tubig at saka titingin sa taas para hanapin ang buwan.

"Wag ka ngang ganyan, Kren," sambit ni Shar. Gusto pa sana niyang sabihin dito na mas nahihirapan siya kung magiging gan'on si Kren sa kanya. Dahil una sa lahat, ayaw niyang ma-fall dito.

"Ano? Naalala mo ang nangyari kanina?"

"Don't you dare bring that up," tarantang sagot ni Shar nang tingnan din nito ang tahimik na si Manzo. Naalala na naman niya ang eksena nila ni Kren kanina sa kabilang bahagi ng beach.

"Teka, guys, may hindi ba kayo sinasabi sa akin? May nangyari ba kanina?"

"Walang nangyari sa 'min," depensa ni Shar at kahit siya ay nagulat sa naturan niya. "No, I mean, wala namang nangyari. Wala namang problema." Gusto pa nga sanang sabihin ni Shar dito na mas concerned siya sa nangyari sa kanila ni Beej kanina pero mas pinili na lang muna niyang huminga nang malalim. Baka kasi hindi pa niya magustuhan ang maging sagot nito.

"Kren? Say it," lingon ni Manzo sa kasama.

"Tama si Shar. Wala 'yon," ang sagot ni Kren. "Why don't we play? May alam akong game."

"Ano 'yan?" mabilis na tugon ni Shar. And deep inside her, sobrang thankful siya sa pag-iiba ni Kren sa usapan.

"E kaso baka hindi n'yo pa alam. Sobrang bago nito e," lahad ni Kren habang nag-iisip ng maisu-suggest na laro. Hindi niya alam kung bakit game ang naisip niyang segue.

"Ano nga?" natatawang tugon ni Shar. Alam kasi niyang nape-pressure na ang binata.

"Truth or dare," may kompiyansang sagot ni Kren, at last.

"Tse! Bago ka d'yan. Dapat kasama si Beej para mas masaya, mas marami tayo."

"'Oy, gusto naman pala niya. Pakipot ka pa d'yan," asar ni Kren kay Shar.

"Basta gusto ko kasali si Beej."

"Speaking of Beej, ano ba talagang nangyari sa kanya kanina?" usisa ni Kren. "Nagkuwento na ba siya sa inyo?"

Nagkatinginan na lang sina Sharla at Manzo. Pero pareho silang hindi nakasagot.

"Ano guys? Dare na lang?"

"Go, dare," mabilis na sagot ni Manzo. Natigilan si Shar. Sa isip-isip niya, ayaw nga sigurong magkuwento ni Manzo dahil sa halip na 'truth' ang isagot nito, 'dare' pa talaga ang napili niya. Pero gustong-gusto niya talagang malaman kung anong iniisip ni Manzo wala nga lang siyang lakas ng loob para tanungin ito. Mas lalong ayaw rin niyang pag-usapan ang nakita kanina. Kung papipiliin siguro, mas pipiliin niyang hindi na lang niya nakita ang dalawa kanina.

"Okay. So this is just a dare. Malice aside," ang disclaimer ni Kren.

"Game."

"I dare you to kiss your good friend Sharla. Dapat sa lips," agad na sabi ni Kren.

"What?" gulat na tugon ni Manzo. Saka nito sinundan nang malakas na tawa.

Bukod sa nagulat si Sharla sa dare ni Kren, hindi rin niya matukoy kung bakit iyon ang napili ng binata. Ang alam lang niya, alam na ni Kren na may feelings siya kay Manzo.

"So truth na lang?" hamon ni Kren.

"No," mabilis namang tugon ni Manzo. Pero this time, mukhang seryoso na ito.

Napalunok si Sharla. Hindi niya alam kung kailangan na ba niya talagang bumalik sa tent para iwasan ang dare na iyon.

"It's unfair wala man lang bote," reklamo pa ni Manzo.

"So tara sa campsite? Do'n na lang?" sabi pa ni Kren. Pansin tuloy ni Sharla na todo push ito sa dare na 'yon.

"No," sabad ni Sharla. Na-imagine kasi agad niya ang itsura ng dalawa na aahon sa tubig. Hindi pa handa ang mga mata niya sa ganong tanawin. Baka hindi na iyon kayanin ng inner goddess niya.

"Okay. Again, Manzo, truth or dare?" tanong ni Kren.

Bumilis na naman ang kaba sa dibdib ni Sharla. "I-ibang game na lang," sabi nito.

"Wait," tugon ni Manzo na halatang nakabaling ang atenson sa ibang bagay. "Narinig n'yo ba 'yon?"

"Ang alin?" sabay pang tugon ng dalawa. Napansin naman agad ni Sharla na sa pangpang nakatingin itong si Manzo kaya napansin na rin niya ang mas lumiliit nang apoy ng bonfire.

***SYA***

Hey babies! Happy New Year. Apologies sa sobrang delay ng update nitong SYA. Sorry na!!! Mapapatawad n'yo pa ba ako?

Ano kaya ang napansin ni Manzo? Comment your thoughts below! 🙈🙈🙈

Sea You Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now