19. Back to the Future (2)

131 10 3
                                    

"Wow, ang fake ng luha mo gurl! Betrayer!" bulyaw ni Bindi kay Sharla.

"Bindi, stop it," pigil naman ni Kren dito.

Ngayon na lang ulit nagtagpo ang mga mata nila ni Shar. At habang nakatuon sa kanya mga mata ng binata, tila ba'y unti-unti niyang napagdudugtong-dugtong ang mga pangyayari noong mga nakaraang araw nila sa isla ng Kota Kita—na nagsimula nang magkita sila sa Kismet Bookshop.

Alam niya na may kakaiba na talaga sa una nilang pagkikita. Ang biglang paglapit ni Kren sa kanya at ang bookmark sa librong inabot nito sa kanya. Hindi iyun coincidence lamang, sabi ni Shar sa sarili. Pero gusto pa rin niyang marinig ito mula sa mga labi ni Kren. "Tama ba ang mga iniisip ko? You knew all along that these things are going to happen? Pinlano niyo ito ni Bindi, tama?" untag nito kay Kren habang pilit pinatatatag ang boses.

Hindi agad nakasagot si Kren at nagsimulang maglakbay ang isip. Paano nga ba niya malilimutan ang araw na iyon? Tandang-tanda pa nito nang lapitan niya si Sharla sa loob ng KB, ang suot nitong bestida at maliit na sling bag. Matagal din niya itong pinagmasdan mula sa malayo habang hawak-hawak ang sariling libro na ipinagmamalaki niya kay Bindi. First time kasing magkaroon noon sa shelves ng Kota Kita Branch ng KB—bilang ito ang pinaka-malayong branch ng bookstore sa bansa. Sobrang saya at labis na pasasalamat ang siyang nananaig sa loob niya at dahil na rin sa wakas nakikita na niya sa isang bookstore ang bagong librong nasulat.

Pero bakit nga ba siya napadpad sa KB? Dahil iyon kay Bindi. Pabigla-bigla na lang itong nagyaya sa kanya na pumasok sa loob ng bookstore. Hinila-hila pa siya nito na parang may hinahabol na kung sino bago nila natagpuan ang librong nasulat niya. He thought Bindi was the first to know that his book was already available in that isolated bookshop.

Naging abala si Bindi sa pagkilatis sa libro ni Kren habang si Kren ay naging abala rin naman sa pagmamasid sa paligid. Sa paglinga-linga, noon niya unang beses nakita si Sharla sa makipot na pagitan ng mga nagtataasang kabinet ng mga libro. Nang mga oras ding 'yon, sandali ring umalis si Bindi. Nang makabalik ito, laking gulat ni Kren na may dala na itong isang bagong bookmark na marahil ay binili nito roon para gamitin sa pagbabasa sa bagong labas na libro ni Kren. Napangiti nito si Kren.

Ikatlong araw na noon nina Sharla at Beej sa Kota Kita. Nang sandaling maghiwalay ang magkaibigan dahil kailangan ni Beej magtungo sa CR, noon na lamang si Sharla nakahanap ng oras para makapili ng regalo sa kaibigang mahilig sa libro. Mabilis niyang inisa-isa ang unang hilera ng mga librong sa hagilap niya ay pasok sa Romance category. Sa mahabang hilera, ang una niyang napansin ay ang libro na bahagyang nakausli sa shelf nito. At dahil sa pagkakausli tila ba'y nanganganib na itong pumatak sa sahig. Nang masagip ang libro, napansin ni Shar ang catchy na title at book cover nito na siyang tuluyang kumuha sa atensyon niya. Matatapos na sana niyang mabasa ang unang kabanata nito kung hindi lamang biglang sumulpot ang noo'y hindi pa kilalang binata.

Ito ang binatang kasama niya ngayon sa isang isolated na isla. Ito ang binatang ngayon ay nakatitig lamang sa kanya at hindi na nagawang sumagot sa tanong niya. Marahil, dahil sa naunahan na ito ni Bindi na magpaliwanag, "Yes, at sobrang tanga n'yo para mapaniwalang he's on your side... all along." Sinabayan niya iyun ng isang malakas na halakhak.

"Totoo ba 'yon, Kren?" balik ni Shar kay Kren. Hindi maaalis kay Sharla ang umaasa na mali ang mga iniisip niya at ang sinasabi ni Bindi. Gusto niyang maniwala na walang alam si Kren sa mga plano ni Bindi. Gusto niyang isipin na totoo at sinsero ang pinakita at pinaramdam sa kanya ng binata.

"Yes pero..." naputol na sagot ni Kren dahil sa bigla na niyang naramdaman ang suntok na tumama sa mukha niya. Ramdam ni Kren ang pagdugo ng labi niya.

"Seriously, bro. Pa'no mo nagawa samin 'to? You fooled us," singhal ni Manzo kay Kren. Hawak nito si Kren sa sando nito.

Nang makaalpas si Kren kay Manzo, mas pinili na lang nitong manahimik. Pinunasan nito ng tumutulong dugo sa labi niya at tiningnan nang masama si Manzo. Gusto niya sanang suntukin din ito pero alam niyang sa mga oras na ito, hindi niya kailangang dagdagan ang kaaway. Kailangang nilang magtulungan laban kay Bindi. Hindi na rin naituloy ni Manzo ang mga nakaantabang na suntok dahil sa biglang pagsigaw ni Beej, "Tama na guys, pwede bang magkasundo muna tayo... bumalik na lang muna tayo sa Kota Kita." Sa kanilang anim, si Beej ang pinaka-mukhang biktima sa mga nangyayari. Bukod sa hindi pa nito mailakad nang maayos ang paa, may pamumutla na rin sa kulay nito. Tapos hindi pa alam nina Sharla ang traumatic na pinagdaanan nito kahapon nang mahiwalay sa kanila.

"At sino bang may sabing makakabalik pa kayo ron?" banta na naman ni Bindi, nakatitig ito kay Beej na para bang kaya nitong lamunin ang dating kaibigan.

Nang muling magtagpo ang mga mata nina Bindi at Beej, muli ring naalala ni Beej nang mabihag siya ni Bindi sa gitna ng kakahuyan kahapon. Takot na takot siya noon. Mas matindi pa sa takot na naramdaman niya noong unang beses silang nabihag ni Bindi sa isang lumang bodega sa Kota Kita. Bukod sa nakagapos sa isang puno, tinalian din ni Bindi ng panyo ang bibig niya para hindi makasigaw.

Lalapitan na sana ni Shar si Beej, naunahan nga lang siya ni Manzo. Hindi man alam ni Shar kung ano ang totoong pinagdaanan ng kaibigan, ramdam naman niya ang takot na lalong nagpapahina rito. "Bindi, please. Let us go. Wala naman kaming kasalanan sa 'yo. Pagbalik na pagbalik namin sa Kota Kita, aalis na agad kami. Hindi na kami magpapakita sa 'yo. Hindi ka namin guguluhin. Just let us go," pakiusap nito kay Bindi sa malamyos na tinig.

"Okay. In one condition," mabilis na turan ni Beej.

"Ano?" sabay na sagot nina Shar at Manzo.

At kung walang ideya ang dalawa, alam na alam ni Kren kung anong tumatakbo sa isipan ni Bindi ngayon. Kaya naman sana nilang iwan sina Bindi at ang bangkero nitong si Alvin sa isla. Kaya ng dalawang binata na pagtulungan si Alvin at kaya namang pagtulungan nina Sharla at Beej si Bindi. Pero hindi nila kabisado ang maalong dagat at kahit siya ay hindi pa kailanman nakakapagpatakbo ng bangka. And knowing Bindi, posibleng may nakatago rin itong armas sa katawan at ang pinakaayaw niyang mangyari ay ang may masaktan na kahit sinuman sa mga kasama. Kahit si Bindi, hindi siya sigurado kung kakayanin niya itong saktan. Babae pa rin ito at malayo na rin ang pinagsamahan nila. Nangangamba siya dahil minsan nang nabanggit ni Bindi sa kanya ang balak nitong gawin kung sakaling makikita pa nito ang mga dating kaibigan. Kahit parang nagbibibro nang sinabi niya iyon sa kanya, alam niya na sa mga oras na ito kayang-kaya nitong totohanin ang sinabi. "Bindi, 'wag mo nang ituloy kung ano man ang binabalak mo. Bumalik na tayo sa Kota Kita at doon na nalang natin ito pag usapan. Makulimlim na rin ang langit, baka abutin pa tayo ng malakas na alon sa dagat."

"So gano'n na lang yun kadali, pagkatapos ng mga ginawa niyo sa akin?" singhal ni Bindi habang nakataas ang mga kilay. Lumapit ito kay Kren na nakatayo malapit kay Sharla habang kasunod nito si Alvin sa paglalakad. Nilinga niya rin si Manzo na malapit ang puwesto sa kinatatayuan ni Kren para bigyan ito ng isang maanghang na ngiti.

Sea You Again [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum