2. You Alright?

475 25 19
                                    

2. You Alright?

Paulit-ulit itanatanong ni Sharla sa sarili kung bakit nga ba siya mabo-bother ng isang simpleng bookmark? At dahil hindi na niya kaya pang tiisin ang labis na curiosity, tuluyan na siyang pumasok sa loob ng café. Dumaan muna ito sa counter para kumuha ng isang baso ng tubig. Uminom muna siya. At pagkatapos itapon ang paper cup na ginamit, dahan-dahan itong lumapit sa puwesto kung saan masinsinang nag-uusap ang kaibigan at ang bagong kakilala.

Naunahan nga lang siyang batiin ng kaibigan nang agad nitong mapansin ang kanyang pagdating, "Bes, pumasok ka rin, sa wakas. Halika... dito ka sa tabi ko. Alam mo nakakatuwa naman pala itong si Kren, ang dami na rin pala niyang islands at beaches na napuntahan, like us. Ang dami na niyang nakuwento sa akin. Parehong-pareho tayo ng hilig." Masigla ang tono ng kaibigan kaya naisip ni Sharla na baka 'pag in-open niya ang issue niya about sa bookmark ay makasira pa ito sa moment ng dalawa.

"Ah, talaga ba? Mabuti naman at natutuwa ka sa kanya," pilit na sabi ni Sharla habang pilit ding ngumingiti kay Kren.

Nagulat din naman siya nang ibalik ni Kren ang ngiti sa kanya. Para kasing totoo iyon at walang halong pang-iinis. Kaya naman bahagyang napangiti si Sharla na hindi rin naman nagtagal dahil sa sinabi ng binata, "Talaga bang mag-kaibigan kayo? Para kasing sobrang magkaiba kayo?" Sinundan niya iyon ng isang malakas na tawa.

"Ah ganon ba, Mr. Perfect? Hindi kasi totoo 'yung kasabihan na... birds of the same feathers flock together. Mas totoo 'yung once a playboy always a..." pinigilan ni Sharla ang sarili. Magbi-birthday na kasi si Beej at ayaw niyang masira ang gabi nito. At isa pa, naisip niya na gift nga pala niya sa kaibigan ang lalaking 'to. "I mean, mas bagay kayo," tudyo nito rito nang sabayan niya ng isang pilit at maigsing tawa. Hindi rin niya matukoy kung anong tumatakbo sa isipan ng binata at kung bakit tuluyan na itong pumayag na makipagkilala sa kaibigan.

"Hala bes, advance ka. Now that you've mentioned that, napag-usapan na rin namin ni Kren na pumunta sa bar sa tabi nitong café," sagot ni Beej sa kaibigan. "Tara!"

"Sige, 3 hours na lang birthday mo na," excited na sagot ni Sharla dito dahil alam niyang gusto siyang kasama ng bff sa mahalagang araw na ito ng buhay niya. "Pero, bago ang lahat, pede ko bang makausap ko muna si Kren?"

"Go, bes."

Sinundan siya ni Kren sa labas ng café tulad nang sinabi niya rito. "O, bakit ba? Ano pa bang gusto mo?"

"Gusto ko lang magpasalamat dahil sinamahan mo ang kaibigan ko," sagot ni Sharla.

Suminghal muna si Kren bago ito tinapunan ng isang masamang tingin. "Wala ka ring puso, 'no?"

"Ha, bakit ako na naman ang masama rito?"

"Alam mo naman 'yung nangyari kanina, 'di ba? Tapos ngayon, bigla mo na lang akong itinaboy sa ibang babae," sigaw nito kay Sharla.

Biglang naalala ni Sharla ang eksena kanina nang iwan ito ng babe niya.

"Well, about that, sorry na. Kasalanan mo rin naman kasi kung bakit kami naririto ngayon. Dahil sa letseng bookmark na ibinigay mo..."

"Sinasabi ko na nga ba," putol kay Sharla nang babaeng paparating. She thought she looked familiar. Nang mas makalapit na ito sa kanila, noon na niya ito tuluyang namukhaan. Ito ang babaeng nang-iwan kay Kren kanina. "Tama nga ako, manloloko ka, Kren. Ano 'to? Nakahanap ka na agad ng kapalit ko? Akala ko pa naman, kaya ko pang ibigay sa 'yo 'yung last chance mo na sana." Tiningnan pa nga nito si Sharla mula ulo hanggang paa. "Mukha pang katulong ang ipapalit mo sa 'kin?"

"Babe, mali ang iniisip..."

"Aba, miss. Hindi mo kilala ang nilalait mo. At pede ba, 'wag na 'wag mo akong ma-lilink sa lalaking 'to?"

Sea You Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon