15. Sleep Tight (3)

216 9 12
                                    

Paminsan-minsa'y umaakyat ang mga labi ni Kren patungo sa kaliwang tainga ng dalaga na bumababa rin hanggang sa leeg nito. Gustong-gusto ni Shar ang bahagyang kiliti na dala noon. At ang kaninang mga kamay ng binata na pumigil sa mga kamay niya ay nagawa na ring maglakbay sa ibang bahagi ng katawan ng dalaga. May lakas ito na malumanay ang dampi sa katawan niya. May mga diin na tila ba'y nagpapaalala kay Shar na basta't hawak siya nito, she will be safe. At para tuluyang maramdaman ang init ng binata, tuluyan nang hinubad ni Shar ang suot na pang-itaas. Hindi na niya kilala ang sarili. Tinulungan siya nitong hubarin ang suot na bra at nang muling dumampi ang katawan ni Shar sa binata, doon na niya nasiguro ang pagsuko. Ngayon lang niya mas naiintindihan ang salitang friction na itinuturo sa paboritong subject noong elementarya. Hindi lang pala ito mainit, masarap din.

Pilit niyang hinawakan ang maumbok at matigas na dibdib ni Kren. At habang ang kaliwang kamay ay mas piniling umakyat sa balikat ng binata, naroroon naman ang kanang kamay niya sa pagitan ng pusod at dibdib nito. Matigas din ang bahaging iyon pero bigla siyang napaigtad nang umabot na sa dibdib niya ang mga labi ni Kren. Nandoon na rin sa bahaging iyon ang malalaking kamay ng binata. Ang dalawa sa pinakaiingatan niyang bahagi ng katawan, hinayaan lang niyang paglaruan ni Kren. Iyon na ba ang ganti ng binata dahil sa paghawak niya sa dibdib nito kanina? Pero kung ganti man iyon, ayaw na niyang patigilin ang binata sa ginagawa nito. Lalo 'pag nararamdaman niya ang tilay ba'y pagkagat ni Kren sa pagitan ng paghalik nito. Sa isip-isip nga ni Sharla, tama ang blue bookmark, she's doomed.

Malayo-layo na rin ang naabot ng mga kamay at labi ni Kren. Malapit na iyon sa pusod niya. Hindi maintindihan ni Sharla kung maiihi ba siya dahil sa sobrang kaba. Naramdaman na niya na unti-unti nang nasasagi ng kamay ni Kren ang suot na pants. At dahil nga kanina pa siyang init na init sa loob ng tent, boluntaryo na niyang inalis ang tipay ng pantalon at bahagya niyang iniangat ang katawan para madaling mahubo ang suot. Mabilis niya iyong nahubo dahil sa tulong ni Kren.

Kahit hindi naman niya nakikita ang mukha ng binata, nahihiya na siya ngayong humarap rito kaya naman ipinatong na lang niya ang kanang bisig sa mukha.

Kulang na lang ay mabasa na ang buong katawan niya dahil sa walang tigil na paghalik ni Kren. Hindi niya alam kung bakit hindi siya nababastusan sa ginagawa ng lalaki samantalang noon iisipin pa lang niyang may hahawak na lalaki sa katawan niya, nababastusan na siya. Dahil ba guwapo si Kren? At sobrang tikas ng katawan nito? Hindi niya maintindihan kung bakit feeling niya ang ganda-ganda niya dahil sa ginagawa ng binata sa kanya. 'Yung feeling niya isa siyang dyosa na sinasamba nito at gagawin nito ang lahat mapasaya lang siya. Gusto na niyang sumigaw.

Nang maramdaman na ni Sharla ang mga kamay ni Kren na abot sa mga hita niya, alam niyang dapat may gawin din ito sa binata. Dahan-dahan siyang bumangon at nang halos makaupo na, ibinalik niya ang mga labi sa labi ng binata. Inabot niya ang batok nito, at tilay ba'y bumitin doon habang patuloy sa paghalik. Hindi niya maggawa ang ginagawa sa kanya ng binata kanina. Napuputol ang paghalik niya nang ibaba niya ito sa dibdib ng binata. Pinaulanan na lang niya ng halik ang abs ng binata dahil hindi na niya kaya ang dire-diretsong paggapang ng mga labi. Ngayo'y si Kren naman ang nakahiga sa sahig. Bukod sa malapad ang balikat ni Kren, malapad din ang balakang nito. Mas tumindi ang kaba ni Shar nang masagi na ang garter ng board shorts na suot ng binata. Pero hindi na siya hinayaan ni Kren na hawakan ang shorts nito. Bagkus, mabilis pa sa alas-kuwatrong nahubo iyon ng binata. Napalunok si Sharla. Kinakabahan siya. 'Yung feeling na para bang may gagawin kang isang bagay na bawal pero gagawin mo pa rin. Nilakasan niya ang loob. Hinawakan na rin niya ang garter ng suot na brief ng binata at bahagya itong hinila pababa nang bigla namang tumawag si Manzo. "Guys, tulog na ba kayo?" Rinig nila ang papalapit na yabag nito.

Napahinga nang malalim si Shar bago nag-panic. Dali-dali niyang hinanap ang pang-itaas pero bago pa niya iyon mahanap ay naisuot na ni Kren ang board shorts nito. Bahagyang binuksan ni Kren ang tent para makadaan siya at agad din itong isinara para mabigyan si Shar ng oras para makapagbihis. "Bakit bro? Yes, nakatulog na kami."

"Naku, sorry sorry, nagising ko pa kayo. Naiwan kasi ni Beej ang mga gamot niya d'yan sa loob ng tent, siguro nang maglipat ako ng gamit kanina."

"Sorry guys," sigaw rin ni Beej mula sa tabi ng bonfire.

"Ay 'yon ba, sige hahanapin ko."

Dahan-dahan niyang binuksan ang tent at saka muling pumasok rito. May dala namang lente si Manzo kaya madali nilang mahahanap ang nawawala. Walang choice si Sharla kundi magpanggap na lang na natutulog. Bukod sa ngayon lang niya naramdaman ang hiya kay Kren, nagi-guilty rin siyang humarap kay Manzo na para bang may nagawa siyang masama sa tao.

Habang abala ang dalawang lalaki sa paghahanap ng maliit na pouch sa loob ng tent, bigla namang tumawag si Beej. "Guys, sorry, andito pala siya sa bag, nakita ko na."

Sea You Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now