8. Please Don't Fall (2)

225 15 17
                                    

Mahigpit ang pagkakahawak ni Kren sa kamay ni Shar kaya naman hindi na niya nagawang kumalas pa rito. "Ano ba, Kren? Bitiwan mo nga ako."

"Ang arte naman nito. Akala mo ba, gusto kitang hawakan? I'm just doing you a favor," tugon nito bago alisin ang hawak sa kamay ni Shar. Mabilis naman ang lakad ng dalawa kaya napalayo sila nang konti kay Manzo.

"Favor ka d'yan," mariing protesta ni Shar bago ito napasinghal.

"You're falling for him, and you're doomed."

"E ano namang problema mo ro'n? Buhay ko 'to, Kren."

"Masasaktan ka lang. Hindi mo ba alam?"

"Na ano?"

"Gusto nila ang isa't isa. Beej and Manzo," mahinanag sabi nito para si Shar lang ang makarinig sa naturan.

Si Shar naman ay parang nasuntok sa mukha nang marinig ang sinabi ni Kren. "Wala kang pake," asar na tugon ni Shar.

"Meron. Ayoko lang makakita ng kawawang babaeng umiiyak."

"Sure ka talagang iiyak ako?"

"Hindi. Kaya nga nandito na ako e."

Natigilan si Sharla dahil sa naturan ni Kren. Hindi niya masabi kung seryoso ba talaga ito, o nang-aasar na naman. Ilang segundo rin itong nakatunganga sa harapan niya na para bang naghihintay ng sagot. "Bakit mo ginagawa 'yan?"

"Ang alin?" kunot-noong tugon ni Kren.

"Wala. Nasa'n na ba tayo?"

Nang makabalik sa falls na nadaanan kanina, napansin ni Kren ang mga nahawing damo sa tabi ng ilog. Naisip nila na posibleng may ibang taong dumaan doon. At maaaring si Beej 'yon. Tahimik nilang binaybay ang tabi ng mahabang ilog para marating ang tabing-dagat kung saan naghahalo ang tubig alat at tabang. Nang sa wakas ay matanaw ang dagat mula sa katabing estuwaryo ay napangiti na lang si Shar. Tanaw na rin nito ang papalubog na araw. Sa isip-isip niya, malapit na nilang makita si Beej. Napansin din nila ang bakas ng mga paa sa buhanginan. Halatang maliit lamang ang paa ng may ari ng bakas. Mabuti na lamang at mahaba ang beach na iyon. At dahil natatanaw na nila ang nag-iisang puno sa pulo ng Isla Ximina sa malayo, natanaw na rin nila ang pinanggalingang beach kanina. Pati na rin ang pigura ng isang babaeng nakatayo sa bahaging iyon ng beach. Kahit sa malayo, kita nila ang mahabang buhok nito. At dahil sa nakita, sabay-sabay tinakbo ng tatlo ang beach. Kahit mahirap tumakbo sa buhanginan, mabilis pa rin nilang narating ang kinaroroonan ni Beej.

"Kanina pa ako rito, bakit ang tagal n'yo?" bungad ni Beej sa tatlo habang sinasalubong ang mga ito. Paos ito at halatang hirap magsalita.

Pero emosyonal si Shar at hindi na nakapagsalita. Yayakapin na sana niya si Beej naunahan nga lang siya ni Manzo.

"O-okay ka lang ba?" pangungumusta ni Manzo rito. Naluluha na naman ito.

"Ayos lang, bes. Ang tagal n'yo lang. Sa'n ba kayo galing? So, iniwan na nga talaga tayo ni Bindi? Akala ko iniwan nyo na rin ako."

"Hindi, bes. Sorry na at naiwan ka namin kanina sa pagtakbo, hindi ko sinasadya, gusto ko lang talagang maabutan si Bindi," paliwanag ni Shar kay Beej na hindi pa rin lumulubay sa pagkakayakap ni Manzo.

"Okay lang, bes. Natakot lang talaga ako nang very light. Hindi ko na rin kasi alam kung anong nangyari e," kunot-noong tugon ni Beej. "Basta nagising na lang ako rito sa beach. Ang naalala ko lang e nung narinig natin ang tunog ng papaalis na bangka, at noong magsimula tayong tumakbo, tapos blackout na."

"Wait. What?" nagulantang na tanong ni Manzo sa kaibigan. Ngayo'y hindi na ito nakayakap dito. Nakapatong na lang ang mga kamay niya sa balikat ng dalaga.

Pareho din ang reaksyong rumehistro sa mukha ni Sharla. Iba ang kay Kren na agad na lumapit kay Beej. "Is that for real. Wala ka ba talagang maalala?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Teka, bakit naman tayo maglolokohan dito?" naiinis na tugon ni Manzo.

"I don't know," mabilis na sagot ni Kren, nakatitig ito sa mga kamay ni Beej na may bakas ng pinagtalian. "Para kasing may hindi... "

"Bakit may nangyari ba?" putol ni Beej.

"Wala naman," sagot ni Manzo.

"Hay naku, Kren. You're just complicating things. Ang isipin na lang natin ngayon ay kung pa'no tayo makakaalis sa islang 'to?" sabi naman ni Sharla.

"Tama si Shar," saad ni Manzo, nakatingin ito kay Shar. "At dahil maggagabi na rin, doon na muna kayong dalawa ni Beej sa isang tent. Kelangan lang namin ni Kren na humanap ng mga tuyong kahoy para naman may ilaw tayo mamayang gabi. Tapos, once makapagpahinga tayo, simulan na nating isipin kung paano tayo makakaalis sa lugar na ito."

Tumango na lamang din si Kren at saka lumakad sa direksyon ng gubat. Agad na sumunod si Manzo rito. Pero pinanatili nila ang halos limang metrong layo sa isa't isa habang patuloy na naglalakad.

"Mag-iingat kayo, 'tsaka bilisan n'yo. Kahit konti lang kunin n'yo, 'wag kayong masyadong magpadilim," pahabol na sigaw ni Shar. Pero halata namang kay Manzo lang niya iyon gustong sabihin dahil doon lang siya nakatingin.

Nang makalayo na sina Kren at Manzo ay pinag-usapan ng dalawang dalaga ang mga nangyari kanina. Nasa loob na sila ng isa sa mga tent doon. Kinuwento ni Shar kay Beej ang naging paghahanap nila rito. Pero kung si Shar ay maraming nakuwento, tipid pa ring magsalita si Beej. Para kay Shar, mukhang traumatized si Beej pero hindi niya maipaliwanag kung bakit.

Makalipas ang halos kalahating oras ay muli nilang narinig ang paparating na yabag ni Kren. Nagulat pa nga sila sa naging bungad nito. "Nandito na ba si Manzo?"

Sea You Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon