15. Sleep Tight (1)

244 12 15
                                    

12 years ago, unang taon ni Sharla sa high school, sadyang nanibago siya sa maraming bagay. Bukod sa pagsusuot ng baby bra, noon pa lang din niya naranasan ang unang period. Hindi naging madali kay Sharla ang ilang mga adjustment. And'yan ang bagong mga kaklase, bagong mga guro, at bagong environment. At isa pa, noon na rin nagsimulang magsilabasan ang mga pimples niya sa mukha, ang paglaki ng front teeth niya, at ang pagtaba ng katawan. Ang dating confident na bata during her elementary days ay naging mahiyain at insecure. Ang pinaka-kinaiinisan niyang bahagi ay noong first day of class nila. Hanggang ngayon iniisip pa rin niya na kung siguro naging maganda ang simula ng high-school life niya, na-enjoy niya siguro ang buong high-school life na iyan—ang pinakapaboritong stage ng karamihan. Pero sa unang araw pa nga lang, naranasan na niyang masaktan. Sanay kasi siya na napipili as the class president noong elementary days niya. Ngunit noong araw na 'yon, kahit na-nominate naman siya ni Beej, hindi siya ang nanalo sa botohan. Bukod kasi sa apat lang silang magkakakilala sa klase, marami pang iba na magaganda. Feeling niya noon, nanalo lang bilang president si Maxi dahil sa maganda ito at maraming boys sa klase. Kahit hindi na rin siya na-nominate sa VP position, hinayaan na lang niya. Okay na siya, pinilit na niyang tanggapin na hindi na lang siya magpoposisyon sa klase at magpopokus na lang sa academics. Pero ang letseng si Jarvis, kaklase niya simula grade 1, bigla naman siyang ini-nominate bilang muse ng klase. Hindi sila close ni Jarvis. In fact, matalik niya itong kaaway. Kaya naman bukod sa iritang-irita ito sa pagno-nominate sa kanya, nanliliit siya dahil sa tawanan ng mga kalalakihan. Nakita pa niyang nakikitawa noon si Manzo. Mabuti na nga lang at si Beej pa rin ang nanalo sa botohan at siya nang naging muse ng klase. In fact, hanggang grade 10 si Beej na ang naging muse nila.

Ito lang naman ang naalala ni Sharla nang muling makita si Jarvis sa Kismet Café. Natigilan siya at hindi na agad masabi ang pangalan ng binata.

"Sharla E. Azores?"

"Jarvis Rubis, long time no see!"

"Yes, 2 years already. Kumusta?"

"Well, thanks to you, nalampasan ko lahat," nahihiyang tugon ni Sharla. "And here I am, doing well." Noon lamang niya nailabas ang pinipigil na ngiti.

"Sa laki naman ng atraso ko sayo noong kabataan natin, maliit na bagay lang 'yon. So what are you up? Waiting for someone?"

"Kliyente lang. Pero nag-text na siya, baka raw ma-late siya ng mga 30 minutes."

"Ayos, ilibre mo muna ako ng kape!" Nakangising hiling ng binata. Nakasuot ito ng pulang jacket.

"Ano bang gusto mo? Ah café americano, 'no?"

"Tanda mo pa."

Naalala niya nang muli niyang makita si Jarvis, 2 years ago, sa isang abalang daungan—sa Ken Port. Basang-basa siya at umiiyak at tanging ang naiwang isla pa rin ang laman ng puso at isip niya.

"Sharla?" tawag ni Jarvis sa dalaga nang mamukhaan ito. "Ayos ka lang ba? Sinong kasama mo rito?" May suot na pulang jacket si Jarvis.

Nagulat si Sharla nang makita ang dating kaklase. "Jarvis, jusko, ikaw pa talaga ang makikita ko ngayon. Ngayong kailangang-kailangan ko ng taong...."

"Hey, hey, hey. Hindi na ako ang dating Jarvis na kilala mo. Sorry, matagal ko nang gustong sabihin 'yan sa 'yo. Sorry sa lahat ng mga nagawa ko noon. Pero, bakit ba...? Ano bang nangyari sa 'yo?" Lumapit ito sa dalaga. Hinubad ang suot na jacket. Lumantad ang polo na suot nito na naka-tuck in sa skinny na pantalon. Habang si Sharla ay nakasuot ng maluwag na T-shirt. Mahaba naman ang T-shirt na siya na ring nagsilbing bestida nito. 'Yun nga lang bakat ang tupis nito dahil sa basa na rin ang shirt na suot. Agad na ipinatong ni Jarvis sa likod ng dalaga ang pulang jacket. "Anong nangyayari? I'm here to listen, to help."

"I messed up, Jarvis. Iwan mo na ako, baka madamay ka pa. Please," naiiyak na tugon ni Sharla nang tanggalin nito ang suot na jacket. Hindi nga rin niya magawang tumingin sa mga mata nito.

"No, andito lang ako. Sabihin mo sa akin ang problema." Ibinalik nito ang jacket sa likod ni Sharla.

"Jarvis, umalis ka na. Hindi ka ba natatakot sa akin? I killed someone," iyak ni Sharla. This time, hindi na niya mapigilan ang paghagulhol.

Sea You Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now