Epilogue (Part 4)

256 8 13
                                    

25. Epilogue (Part 4)

Noong gabi bago matulog tinawagan ni Bindi sa phone si Beej. Nagulat si Beej dahil sa hindi niya inaasahan ang tawag mula rito. Bukod sa malalim na ang gabi, hindi niya na-imagine na darating ang araw na makakausap niya itong muli. Panay ang hingi nito ng tawad kay Beej habang humahagulgol sa pagtangis.

Nang makasakay sa tren kinabukasan, muling kinausap ni Bindi nang masinsinan si Sharla. Sinabi na nito kay Sharla na mas malakas na siya ngayon, both physically and mentally, now that her mom is with her, supporting her. Hindi na daw niya muling ipapahamak ang sarili at ang ibang tao. Nag-sorry pa ulit ito rito at muling nagpasalamat. Inamin din nito na hindi si Kren ang totoo n'yang minahal sa isla, it's Alvin, ang bangkerong iniwan nila sa Matambu. Ito ang nagmamaneho ng bangka nang sagipin nila noon si Bindi. After breaking up with Alvin, she gave him the bookmark right before they left the island. Tandang-tanda pa nga rin ni Sharla ang nakasulat sa likod ng bookmark na 'yon. It reads, "To the next person who will get this blue bookmark, you're doomed."

Nang marating ng tatlo ang Shirahama Beach sa Shimoda, labis-labis ang sayang naramdaman ni Bindi. Damang-dama naman 'yon ni Sharla. Habang hinahampas ng malalakas na ihip ng hangin, sabay-sabay silang tatlong tumayo sa ilalim ng nag-iisang red torii gate na nakatayo sa isang malaking bato sa tabi ng asul na dagat. Nangingintab din ang puting buhanging nilalamon ng mga alon. Manghang-mangha ito sa pagiging kalmado ng mga buhangin sa beach, na tila ba'y walang takot kahit hindi alam kung saan man sila tangayin ng mga alon.

At dahil taglagas at malapit na ang winter, malamig pa rin ang hangin at hindi nila kakayanin kung huhubarin ang mga suot na jacket. As per Jarvis, torii gate is the gate between the mundane, what's earthly, and the sacred which can cleanse the people from their sins. Tinitigan n'ya ang dagat habang nakatayo pa rin ito sa ilalim ng pulang torii gate. At para kay Sharla, the gate represents how "sacred" the ocean is and how "scared" it is to human--that we should continue protecting it. Ganon daw din sa love, love like you're scared to lose them. Love like you want to protect them. Love like you're willing to understand each other's ways and waves. For Sharla, Kren is her ocean. Hindi siya mapapagod na pagmasdan ito. She will always love the ocean. Even if loving him means infinite exploration and unexpected flow of events that may lead them to unknown places, she's sure of it. "There's nothing too dangerous and no place too far for the one you love," she whispered.

Habang patuloy na pinagmamasdan ang mga alon sa dagat, naalala niya ang beach outing kasama ang buong pamilya noong mga bata pa sila at kung gaano sila kasaya noon. Buhay pa ang paborito niyang lolo. Naalala rin niya noong high-school days nila nang magpunta silang magkakaibigan sa beach, 'yon din ang first time ni Maxi na masilayan ang dagat. Naalala rin niya nang i-save siya ng mga bakawan nang tangayin ng tidal waves si Maxi kaya matagal itong nalayo sa totoong pamilya. Naalala rin niya lahat ng mga adventures nilang tatlo nina Beej at Manzo sa dagat at sa mga bagong islang narating nila nang magkakasama. Naalala niya si Kren, ang secret island ng Isla Ximina at ang Isla Matambu kung saan niya ito mas nakilala, kung saan niya natagpuan ang matagal nang hinahanap. Hinding-hindi nito malilimutan ang mga sinabi sa kanya ni Kren nang gabing sabay nilang pinagmasdan ang dagat sa Matambu. Nang sabihin nito sa kanya kung bakit gustong-gusto nito ang dagat. Na ang dagat daw ay isang sagradong lugar. It represents both life and death. A cycle, an unending cycle. It continuously flows as if life never ends. As if there was never an ending. Pero naalala rin niya ang trahedya bago makabalik sa Kota Kita nang tumaob ang bangkang sinasakyan nila, at nang malaman ang pagpapakamatay ni Alvin. Noong una, inakala pa nga nilang katawan ni Kren ang katawan nitong nakita sa dagat.

At ngayon habang nakatitig pa rin sa dagat, hindi pa rin n'ya agad masiguro kung totoo nga ba ang nakikita. Nakatayo si Kren malapit sa dagat, at unti-unti itong lumalapit sa kanya.

〰〰〰THE END〰〰〰

Sea You Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now