13. Let's Play! (2)

187 12 21
                                    

Ngunit umihip ang malakas na hangin kasabay ng tuluyang *pagkamatay ng natitirang apoy ng bonfire.

"Si Beej," sabay na sigaw ng tatlo nang magkatinginan, kapwa nilalamig. Mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-ahon ng tatlo sa dagat para puntahan si Beej sa kinaroroonan nito. Malakas ang kabog sa dibdib ni Shar kaya mas binilisan nito ang pagtakbo. Muntikan pa nga siyang madapa sa buhanginan, naalalayan lang siya ni Kren.

Malayo pa lang ay sinimulan na nilang tawagin si Beej.

Naunang nakarating si Manzo sa tent na tinutulugan ni Beej. "Guys, wala rito si Beej," hiyaw nito nang matapos itsek ang loob ng tent.

Agad ding tsinek ni Sharla ang kabilang tent at kahit doon ay hindi niya nakita ang kaibigan. Hindi na niya alam kung ano pa nga ba ang mararamdaman niya ngayon. Halos mabaliw na siya kanina nang mapahiwalay sa kanila si Beej tapos ngayon hindi na naman nila ito makita. Naalala rin niya ang eksena sa bodega nang ipa-kidnap sila ni Bindi. Awang-awa na siya sa kaibigan at inis na inis na sa sarili.

Patuloy nilang hinanap si Beej sa palibot ng mga tent, at dahil ang buwan na lang ang nagsisilbi nilang ilaw, hirap silang makahanap ng anumang bakas na makakatulong sa paghahanap dito. Kaya naman wala silang tigil sa pagtawag dito hanggang sa makarinig sila ng malakas na kaluskos mula sa malapit na gubat. Malayo na sila sa campsite.

"Beej, ikaw ba 'yan?" tawag ni Kren at hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung ano nga ba ang nangyari rito kanina noong mapahiwalay sa kanila sa kakahuyan. Kasunod naman nito sa paglalakad ang dalawang kasama.

"Kren?" Natahimik naman ang tatlo nang makarinig ng mahinang sagot.

"Beej..." tawag din ni Sharla. Kilalang-kilala nito ang boses ng kaibigan.

"Bes," mas lumakas na ang boses nito.

Sabay-sabay ang tatlong lumapit sa pinanggagalingan ng boses, sa bukanang bahagi ng gubat.

"Okay ka lang, Beej?" bungad ni Manzo nang makalapit na sa kaibigan.

"Okay lang ako," mahinang sagot ni Beej at halatang hirap magsalita. Nakalupagi ito sa damuhan. Agad din itong nilapitan ni Sharla habang pinipilit itong itayo.

"I saw someone," sambit ni Beej nang pigilan si Sharla sa pag-alalay sa kanya at sa halip ay hinila nito ang kamay ng kaibigan, hinawakan nang mahigpit, para tuluyan na ring mapa-upo si Shar sa damuhan. "Kinuha niya ang bag natin, kaya hinabol ko siya. Hindi ko rin kayo makita kanina nang maalimpungatan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko," mangiyak-ngiyak na bida nito.

"I'm sorry, bes. Nasa dagat kami," mahinang sagot ni Shar at bakas sa tono niya ang guilt na nararamdaman.

"Ah, kaya siguro hindi niyo ako narinig. Pero hindi ko na naabutan 'yung kumuha ng bag natin. Sorry guys. Pero mahaba ang buhok niya, parang tulad ng sa 'kin," patuloy ni Beej. Nasa harapan niya si Manzo at nasa bandang tagiliran niya si Kren na parehong tahimik at halatang naka-pokus sa sinasabi niya. Pansin naman nila na parang may kung anong bagay itong hinahanap sa damuhan. "Tapos may dala siyang lente, nadapa siya at nalaglag niya 'to... sorry talaga ito na lang naabutan ko," dugtong pa nito nang itinaas ang hawak na lente. At nang buksan niya ito ay tumama ang liwanag no'n sa katawan ni Manzo. Kitang-kita tuloy nito ang buong katawan ng binata, mula ulo hanggang paa nito. "Oh my god," napasigaw si Beej dahil sa nakita. Kahit si Sharla ay nagulat din dahil nga sa hindi inaasahang tanawin. Ngayon na lang napagtanto ng tatlo na wala pala silang mga saplot. "Bakit kayo...?" nakatungong tanong ni Beej at agad na pinatay ang ilaw ng lenteng hawak.

"Para hindi mabasa ang mga damit namin," sagot ni Kren na sobrang thankful dahil malayo siya kay Manzo kaya hindi siya natamaan ng ilaw. Tulala pa rin si Sharla dahil sa nasaksihan.

"Ikaw rin bes? Walang suot na?"

"O-o... b-bes," nakatungo ring tugon ni Shar pero hindi pa rin talaga mawala sa isip niya ang nakita.

"Ang mahalaga, okay ka," sambit ni Manzo. Walang bakas ng hiya sa boses nito. He's proud of his body. "Tara na sa tent," he continued. Seryoso ito. "This is no game. Baka wala na tayong maabutang gamit ro'n, baka pati tent natin kunin na nila."

Sea You Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon