10. I'm Sorry

212 14 23
                                    

10. I'm Sorry

Dahil sa malakas na pagbagsak at sa takot na naramdaman, napayakap na lang si Shar kay Kren. Agad din naman siyang bumitaw rito nang ma-realize ang ginawa. Hiyang-hiya si Shar dito. Pangalawang beses na kasing nagdikit ang mga katawan nila at hindi niya maipaliwanag ang awkwardness na nararamdaman. Tapos maaalala niya pa ang eksena sa bodega nina Bindi nang masilayan niya ang katawan ng binata at kung paano nito siilin ang mga labi ni Bindi.

Kahit papalayo na sa kinatatakutang bahagi ng gubat, panay pa rin ang tawag nila kay Manzo. Nagbabakasakaling malapit lang ito sa kanila. Pero wala silang sagot na narinig mula rito. Hingal na lang niya ang naririnig niya ngayon dahil sa bilis ng naging takbo.

Dinala sila ng takot pabalik sa tabing dagat kung saan nakatayo ang dalawang tent na itinayo nila kanina. Noon na lamang sila muling nakahinga nang maluwag kasabay ng pagbagal ng paglakad nila. Sa ngayon, mga ilang metro na lang ang layo nila sa kanilang mga tent. Pero ang mas mahalaga, malayo na sila sa nakakatakot na bahagi ng gubat. Ngayon na lang din na-realize ni Sharla na hawak pala ni Kren ang kamay niya kaya agad din niya itong hinigit mula sa pagkakahawak ng lalaki. Naging mabilis ang pagtakbo nila kanina at para hindi magkahiwalay ay naging mahigpit din ang pagkakahawak ni Kren dito.

Nang matanaw ang nagliliwanag na puno sa pulo ng Isla Ximina dahil sa libo-libong alitaptap na nakapalibot dito, doon na lang muli napangiti si Sharla. Tulad ng sabi sa kanila ni Kren kanina sa resort, mas maganda nga ang pulo sa gabi. Ang romantic noong pagmasdan at dinadasal niya na sana kasama niya si Manzo na pagmasdan iyon. Na sana okay lang si Manzo kung nasaan man ito ngayon. Dahil maliwanag din ang tabing dagat na dahil na rin sa bilog na bilog na buwan, noon na rin nila napansin ang pigura ng dalawang taong nakatayo sa pagitan ng dalawang tent. At dahil nasa pagitan ng mga tent at nasa bandang likod, hindi sapat ang liwanag nang buwan para ilantad ang mga mukha ng mga ito. Pero kilala niya ang pigura noong isa. Sigurado siyang si Beej ito dahil sa mahabang buhok nito.

Umabot muna ng halos isang minuto bago niya tuluyang masiguro na si Manzo nga ang isa sa mga pigurang natatanaw. Akala niya, magiging sobrang saya na niya 'pag nakita itong muli. Pero hindi iyon ang nararamdaman niya ngayon. Kitang-kita niya kung paano naglapit ang mukha ng dalawa. Kitang-kita niya kung paano bumitin ang babae sa balikat nito habang nakataas ang dalawang paa. Napaurong si Sharla sa pagkakatayo. Kitang-kita niya kung paano halikan ng babae ang leeg ni Manzo, at kung paano pilit itinataas ni Manzo ang mukha ng dalaga para mahalikan ang mga labi nito. Noon na siya tumalikod. Alam niyang hindi naramdaman ng dalawa ang presensya nila at naisip niya na lalo lang sigurong magiging awkward kung tuluyan nilang ipaparamdam sa dalawa ang pagdating. Sa halip na dumiretso sa tent, doon siya inakay ni Kren sa kabilang bahagi ng beach. Malayo sa dalawang kaibigan. Alam ni Kren na sobrang nasaktan si Sharla dahil sa natunghayan. Pero pinili niyang hindi muna magsalita. Pinili niya na muling hawakan ang kamay ni Sharla habang inaakay ito, para iparamdam dito na hindi siya nag-iisa.

Nang tuluyang makalayo sa dalawa, doon sila umupo malapit sa mga alon. Gusto kasi ni Sharla na maramdaman ang hampas ng dagat. Malamig at malakas iyon na paminsan-minsan ay umaabot sa mga paa nila. Iniwasan ni Sharla na mabasa ang suot na denim pants dahil wala siyang ibang masusuot kung tuluyan itong mababasa. Tahimik niya iyong itinupi pataas dahil posibleng mas lumakas ang alon at maabot no'n ang binti niya. Ayaw niya namang lumayo sa mga ito.

"Ang dagat ay mahiwaga at puno ng misteryo. Pero malungkot ito. Hirap pa rin ang marami na unawain ito," she said at last bago pa tuluyang matuyo ang laway. "Pero alam mo ba kung bakit love na love ko ang dagat?"

"Bakit nga ba?"

"Kasi kahit saan siya dumaong, ang mga alon, may sumasalubong sa kanya. Kaya pa nitong mag-fit kahit saan. Sobrang flexible nito at sobrang risk-taker."

"Ako siguro, dahil nabibigyan din ako ng dagat ng company na hindi nabibigay ng ibang tao," seryoso ring sagot ni Kren bago huminga nang malalim. "I always think that the sea, the ocean, is a sacred place. It represents both life and death. A cycle, an unending cycle. It continuously flows as if life never ends. As if there was never an ending," he added.

Naalala ni Sharla ang sinabi niya kay Beej noong nakaraang araw na napag-usapan din nila ang dagat. Gano'n din kasi ang naging sagot niya kay Beej kaya naman mas lalo itong natuwa kay Kren. "Sobrang mushy mo rin, 'no? I wonder why you ended up with Bindi."

"Naku Shar, sobrang haba ng kuwento ko. Gusto mo ba talagang marinig?"

"Sabihin mo na lang na ayaw mong magkuwento." Bukod sa paulit-ulit na bumibisita sa utak niya 'yung eksena nina Beej at Manzo sa kabilang bahagi ng beach, naaalala rin niya nang pumasok si Manzo sa hotel nila kaninang umaga habang naliligo pa sa Beej. Hindi niya malimut-limutan ang abs nito. Pati na rin nang baliktarin nito ang damit kanina sa gubat nang naliligaw sila at nang yakapin niya ito mula sa likuran. Kabisadong-kabisado niya ang amoy ni Manzo at kahit malayo rito, tila ba'y naamoy niya pa rin iyon.

"Natahimik ka na d'yan," saad ni Kren para basagin ang nabuong katahimikan. Nakatitig lang ito sa dagat.

"Sobrang pangit ko ba, Kren? Wala ba talagang lalaking magmamahal sa akin?" naiiyak na tanong ni Sharla sa binata.

Napatingin tuloy si Kren sa dalaga. ""No, don't say that. You are beautiful. Inside and out. I know and felt that kahit pa... sabihin na nating kakikilala pa lang natin," sabi rito ni Kren. "I'm sure of that," patuloy niya nang tuluyang humarap rito. "Lalo na siguro 'pag mas nakilala pa kita."

"Sinasabi mo lang 'yan kasi alam mong malungkot ako. Sa pagkakaalala ko, ilang beses n'yo akong nilait ni Bindi kahapon."

Bukod sa panginginig ng boses, pansin din ni Kren na tuluyan ng ngang tinatalban ng lamig ang katabi. "'Sus. Didibdibin mo ba 'yon? You know hindi ako serious nung sinabi ko ang mga bagay na 'yon. Medyo galit lang ako sa 'yo back then. That moment," saad nito nang mas ilapit pa niya ang katawan sa dalaga.

"So ngayon, hindi ka na galit sakin?"

"Yes, I can't be mad of you. Ikaw ang dahilan kung bakit umaasa pa rin akong makakaalis agad tayo sa islang 'to. Ikaw ang dahilan kaya napapangiti pa rin ako sa islang 'to kahit puro problema na lang ang nangyayari sa atin. Iba pa rin ang positivity mo. Pero, alam mo, ikaw rin ang dahilan kung bakit para bang ang sakit nito ngayon." Muli niyang hinawakan ang kamay ng dalaga at saka iyon ipinatong sa dibdib niya.

"Teka, bakit? Sorry na kung naghiwalay kayo ni Bindi dahil sakin."

"Hindi 'yon."

"Basta hindi ka deserve ni Bindi. You deserve more."

"I know that now. But that girl, I cannot have her. Iba ang gusto niya."

"Sino? Ipinagpalit ka na agad ni Bindi?" Alam naman ni Sharla ang ibig ipahiwatig ni Kren pero ayaw lang niyang dumating sa awkward confrontation.

"Maybe. I don't know. Hintayin ko na lang siguro siyang maging ready. Pero kelan pa kaya 'yon? 'Pag malayo na ulit siya sa 'kin?"

"Malay mo, sobrang napamahal na siya sa lugar na 'to, at hindi na niya piliing umalis," sagot ni Sharla nang lumingon sa katabi. Noon na nagtagpo ang mga mata ng dalawa. Hinawakan nito ang mukha niya hanggang sa maramdam na lang ni Sharla ang pamamasa ng mga labi at ang matinding kabang nagpapabagal sa paghinga niya.

Sea You Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now