24. Goodbye To You (2)

178 11 6
                                    

[Playing: Kodaline's All I Want - Cover]

Hindi nakita ni Sharla sina Manzo at Beej sa loob ng kuwarto. Dahil sa malakas na katok, binuksan nito ang pinto ng kuwarto at noon nakita si Kren. Nakangiti ito sa kanya habang siya naman ay nagsimula nang humahagulhol sa pag-iyak. Niyakap niya ito na para bang ilang linggo niya itong hindi nakita. Tahimik lang si Kren. Pero para bang kapag mas lalo niyang idinidiin ang yakap sa binata, para bang unti-unti itong nawawala.

Tapos bigla na lang ulit siyang nakarinig ng isang malakas na katok. Mas malakas ito sa kaninang katok at parang nagmumula sa ibang mundo. Pagmulat ng mga mata niya, noon niya lang napagtanto na nanaginip lang siya kanina. Agad niyang nilingon ang maingay na pintuan. Parehong nakahiga sa kama sina Beej at Manzo, pero gising na ang mga ito. Nahihiya din siya sa sarili niya. Paano niya nagawang matulog habang nawawala si Kren? Alas sais na rin ng hapon pero nandoon lang sila sa kuwarto at walang magawa para sa nawawalang si Kren.

Dahil don siya nakahiga sa bahagi ng kama na siyang mas malapit sa pintuan ng kuwarto, siya na ang naunang tumayo ay nagbukas ng pinto. Naalala niya 'yung staff na kumatok kanina na nagtanong kung dadalhin na raw ba 'yung food sa room nila. Sinabi niya rito na 'wag na pero mukhang hindi nito naintindahan.

Kaya naman laking gulat niya nang mabuksan ang pinto. Si Bindi ang bumungad sa kanya. Amoy alak na ito at may hawak itong bote ng wine. Madiin ang pagkakahawak nito sa leeg ng bote. Pukto rin ang mga mata nito at busangot ang mukha. "Kasalanan mo ang lahat ng ito Sharla. Sa tuwing nariyan ka, may napapahak."

Rinig ni Sharla ang pag-igtad ni Manzo mula sa hinihigang kama at ang agad na paglapit nito sa pagkakatayo niya. "Bindi, walang may gusto na mangyari ang lahat ng ito," sabad nito. Agad ding sumunod dito ni Beej. "Ano nang balita?"

"Ba-bakit, may balita ka na ba kay Kren?" ang naantalang tugon ni Sharla. Sumilip ito sa hallway para tingnan kung andun lang si Kren para sorpresahin sila.

"Wala na si Kren, Sharla. Pinatay mo siya,"
humyaw ni Bindi rito habang nanlilisik ang mga mata.

"Ano? Sinong may sabi? Nakabalik na ba ang rescue team?" hindi makapaniwalang tugon ni Sharla. Ayaw niyang maniwala sa sinasabi ni Bindi. Ramdam niya ang pagyapos sa kanya ni Beej. Pero kumalas ito mula sa yakap ng kaibigan at tuluyang lumabas sa kuwarto. Ramdam niya ang paghabol sa kanya ni Manzo kaya mas binilisan niya ang takbo. Dumiretso ito sa fire exit at hindi na naisipang gumamit ng elevator. Mabilis niyang tinakbo ang matatarik na hagdanan pababa ng hotel. Hindi na niya alintana ang pagod. Nang makalabas sa lobby ng hotel patuloy ang pagtakbo nito makarating lang sa natatanaw nang beach. Hindi ito lumilingon kahit tinatawag na ni Manzo hanggang sa madapa na lang ito sa batuhan. Noon na lang siya naabutan ni Manzo. Pilit niyang itinutulak si Manzo sa tuwing hahawakan siya nito. Hindi na rin niya naririnig ang mga sinasabi nito. Si Kren lang ang gusto niyang makita ngayon. Habang nakalupagi sa mga maliliit na bato, napansin niya ang isang piraso ng kahoy na hugis smart phone na nakakalat sa sahig. Dinampot niya ito at idinikit sa tainga. "Hihintayin kita, Kren. Please, bumalik ka na. Sorry na sa mga nagawa ko sayo," iyak nito.

***

As scheduled, maagang umalis ng hotel sina Sharla, Beej at Manzo nang sumunod na araw. Tinulangan sila ng staff ng hotel na mag-print ng copies ng plane tickets nila pabalik sa Manila. Kung noong pumunta sa isla ay marami silang dalang bag, ngayo'y isang bag na lang ang dala nila. Ito ang natatanging bag na nakuha nila sa dagat nang pauwi na sila pabalik sa Kota Kita kahapon. Ito ang bag ni Manzo.

Inihatid pa sila ng mayor hanggang sa port ng Kota Kita. Noon lang din nila naisip na baka nga hindi totoong drug lord ang mayor. Naging napakabait nito sa kanila at pansin niya sa mga taga isla na mahal na mahal nito ang mayor. Hindi na nila nakita si Bindi pagkatapos ng insidente noong nakaraang araw.

Nang makasay ng bangka pabalik sa Ken Port, noon na muling nangilid ang mga luha ni Sharla. Hanggang ngayo'y umaaasa pa rin siyang buhay si Kren. Wala naman kasing naging basihan ang sinabi ni Bindi sa kanya kahapon. Sa katunayan, kanina lamang ay nakausap pa nilang muli ang rescue team na siyang nagsasagawa ng operasyon.

Bagaman hindi pa nga ng mga ito nakikita si Kren, umaasa pa rin si Sharla na buhay si Kren at muling magtatagpo ang mga landas nila. In fact, hindi na siya nakatulog sa buong magdamag.

Isang oras din ang biyahe bago nila marating ang Ken Port. At mula sa Ken Port, kalahating oras silang bibiyahe kapag sumakay sila ng dyip patungong airport.

Nang makababa sila sa Ken Port, narinig nila ang usap-usapan ng mga tao roon. Maraming bulong-bulongan pero ang mas nangibabaw sa kanya ay 'yung tungkol sa isang bangkay ng lalaking nakita sa may Isla Matambu. Noong malapit na niyang mapaniwala ang sarili na ayos lang si Kren, saka pa siya makakarinig ng gano'ng balita. Hindi maalis kay Sharla ang sinabi sa kanya ni Bindi na siya ang pumatay kay Kren. Alam niyang may mga nagawa siya na nagdala sa kanila sa sitwasyong iyon. Halos magwala si Sharla sa Ken Port at pinipilit niya ang mga tao na sabihin kung sino ang bangkay na natagpuan. Gusto rin daw nitong puntahan ang bangkay, baka raw nagkakamali lang ang mga tao, baka raw hindi pa patay ang binata. Gusto ring magpaiwan ni Sharla sa port dahil gusto pa nitong makabalik sa isla.

Ipinaliwanag sa kanya ni Manzo na kailangan na muna nilang makabalik sa Manila. Once a week lang ang biyahe ng eroplano sa lugar na 'yon. At dahil may paparating pa raw na bagyo na siyang dahilan kung bakit ilang araw nang nagagalit ang mga alon sa dagat. Inabot na nga rin sila ng ulan sa dagat kanina sa daan. Hindi naman ito ganoong kalakas. Pero may chance na maka-cancel ang flight sa susunod na linggo. Kailangan niya na ring makauwi dahil sa mga obligasyon niya sa opisina at para hindi mag-alala ang pamilya nila, lalo na ang parents ni Beej. Wala na ring gamot si Beej at araw-araw dapat itong makainom ng gamot sa tamang oras. Kung hindi pa nga sila binigyan ng mayor ng pera, wala rin silang ibabayad sa sinakyang bangka at sa ibang gastusin nila pauwi.

Sa gitna ng pag-iyak ni Sharla, bigla namang bumulagta sa pagkakatayo si Beej. Basta na lang ito nawalan ng malay. Mabuti na lamang at nasambot ito ni Manzo na siyang katabi nito. Ito naman ngayon ang pinagkaguluhan ng mga tao sa port.

Muli rin naman itong nagkamalay pagkatapos ng humigit-kumulang na isang minuto. Hindi rin nila alam kung ano ang nangyayari rito. Mukha namang ayos na ito, gusto lang daw nitong mag-CR. Sasamahan na sana siya ni Sharla pero dahil sa kita rin naman ni Manzo ang panghihina ni Sharla, siya na ang nagpresentang sumama kay Beej. Mahigpit ang bilin ni Manzo kay Sharla na wag aalis sa inuupuan nito. Dinala nito ang bag pero iniwan sa dalaga ang pera nila. Naisip kasi ni Manzo ang posibilidad na baka umalis ito at bumalik sa isla. Pero nag-aalala rin siya kay Beej dahil sa ngayon hindi pa nila alam ang estado ng totoong kalagayan nito.

Tama si Manzo. May balak ngang bumalik sa isla si Sharla. Hindi na niya naisip na nasa kanya ang pera nilang tatlo na galing pa sa mayor kaya unti-unti itong humakbang palayo mula sa kinauupuan. Napatigil lang siya sa paglalakad nang marinig ang tawag mula sa isang pamilyar na boses.

Kinausap siya ni Jarvis at pinahiram pa nito sa dalaga ang pulang jacket kahit pilit siyang pinagtatabuyan ng dalaga. Noon na rin dumating sina Manzo at Beej kaya hindi na tuluyang nakaalis si Sharla.

"Sharla, please. Stop saying that. You did not kill someone. You did not kill Kren," sabi pa ni Manzo rito. Mapula na rin ang mga mata nito.

"Gustong kong maniwala dyan, Manzo. Gusto ko, pero iba ang sinasabi ng puso ko. I really hope I didn't end up killing the one I love. I really hope he's still alive."

( ̲̅:̲̅:̲̅:̲̅[̲̅ ̲̅]̲̅:̲̅:̲̅:̲̅ ) ( ̲̅:̲̅:̲̅:̲̅[̲̅ ̲̅]̲̅:̲̅:̲̅:̲̅ ) ( ̲̅:̲̅:̲̅:̲̅[̲̅ ̲̅]̲̅:̲̅:̲̅:̲̅ )

AN: Yey! Salamat sa pagsubaybay, babies. Sinisimulan ko na rin ang 3rd at last part ng story na 'to, ang FALL AGAIN. See you there and please leave your comments below. 😘😘😘

Sea You Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now