5. Let's Go

309 18 6
                                    

"Excuse me?" nakataas ang isang kilay na tugon ni Sharla sa lalaking basta na lang sumusulpot.

"Never mind, hindi mo rin naman aaminin," tudyo pa ni Kren sa babaeng trip na trip niyang asarin.

"Ano bang problema mo? 'Tsaka ba't ka ba nandirito? Baka makita ka na naman ng jowa mo. Nakakainis lang, baka magkagulo na naman," asik ni Sharla sa nakangiting lalaki sa harapan niya. "Anong nakakatuwa?"

"Wala lang. Natutuwa lang ako sa reaksyon mo. Tutulungan na kitang maghanap ng CR. Inutusan ako ni Bindi."

Muling napalunok si Sharla. 'Yung thought na instead na si Bindi ang sumama sa kanya, bakit si Kren pa? Bakit lalaki pa? "Really? She trusts you now?" maanghang na sagot ni Sharla.

Ngumiti lang ulit si Kren at hindi na nagsalita. Sapat na iyon para mapalunok si Sharla. Nakatitig kasi si Kren sa kanya. Mayroon itong positibong aura na pilit ding nagpapangiti kay Sharla. Ang ngiti na pilit din naman niyang pinipigilan.

"Sige na. Please lead the way," sabi na rin ni Sharla dahil kanina pa talaga siyang naiihi.

"Okay," tipid na sagot ni Kren habang naglalakad patungo sa likod ng pangunahing building ng resort. Kahit sa mata ng hindi eksperto na tulad ni Sharla, mukha talagang mamahalin ang mga materyales na ginamit dito. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit kayhirap hanapin ng restroom at kailangan pa talaga siyang tulungan ng kinaiinisang lalaki. Until she realized na may kailangan nga pala siya kay Kren. Nang makarating sa harap ng restroom ay muli nitong inungkat ang hinahanap na bag.

"Yeah, I almost forgot. Kunin natin sa lobby after mong mag-CR, kaya bilisan mo."

"Okay po, sir."

Maganda rin ang disenyo ng pinasukang rest room. Aztec ang designs ng mga tiles na ginamit sa dingding at may dreamcatcher sa pintuan nito. May apat na cubicle sa loob. Pagkalabas naman nito ng rest room ay agad na ring naglakad palayo rito si Kren. Gets na 'yon ni Sharla, na dapat sundan niya ang lalaki na patungo nga sa lobby ng isa pang gusali sa bandang likod ng resort na malapit sa wave pool.

Nang marating ng dalawa ang loob ng gusali ay muling nagtanong si Kren, "Ano bang meron sa bag na ito at hindi mo malimot-limotan?"

"Nagtanong ka pa talaga. S'yempre bag ko 'yan. Andyan ang phone at wallet ko," naiinis na reply ni Sharla. Ngayon na lang ulit niya na-realise na hubad nga pala ang kasamang lalaki at talaga namang parang ang tigas tigas ng abs nito. 'Yung tipong parang naku-curious siyang hawakan. Ang daming naughty thoughts na sumasagi sa isip niya na pilit naman niyang itinataboy. Nakatayo lang naman ito sa harapan niya habang kausap ang babae sa lobby. May tinawag na lalaki ang babae na siya sigurong kukuha ng bag ni Sharla.

"Naku sir, nasa sasakyan pa raw ni Bindi 'yung bag na 'yon. Nakalimutan na yata nilang ibaba kanina."

"What the ef?" napabiglang sabi ni Sharla. Kanina pa talaga siya naiinis.

"Bakit? 'Di ba bilin na bilin namin sa inyo kanina na kunin 'yon? Dala ba ni Mayor ang sasakyan?" untag ni Kren sa lalaking kausap ng receptionist.

"Opo, sir. Bukas pa balik nila. Bukas ng umaga."

"Hindi pede. Kelangan ko 'yung bag ko," sabad ni Sharla. Kulang na lang ay manlisik ang mga mata niya sa galit. In the first place, hindi naman niya kasalanang mapunta do'n ang bag niya. Kung hindi nga lang kasi baliw-baliwan ang syota nitong si Kren, maganda pa sana siguro ang mood niya ngayon.

"Sorry, Sharla. Bukas na lang. Pasensiya ka na talaga."

Inis na inis si Sharla na gusto niyang magwala. Ni hindi siya makapag-picture at makapag-post ng picture online. Tapos naalala pa niya ang mga sikreto niyang nakatago sa phone niya. Sa memory card niya iyon naka-save kaya kahit may lock ang phone niya at kinuha ang card niya para basahin sa ibang phone o computer, ma-aacess nila 'yon.

Sea You Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now