22. Against All Odds

128 10 4
                                    

"A-anong sakit bes?" tanong ni Sharla. Bakas ang magkahalong pagtataka at pag-aalala sa boses. Kahit sina Bindi at Kren ay mukhang nagulat din sa naturan ni Beej.

"9 years. 9 years ko nang nililihim 'to sa 'yo, so-sorry bes," iyak ni Beej. Hindi siya makaharap nang diretso sa kaibigan. Kailangan niyang titigan ang dagat. Para siyang tinatawag nito. Nagsisimula na ulit lumakas ang mga alon. Kaya gustong-gusto niya ang pagtilamsik ng mga tubig sa mukha niya para kahit papaano ay maitago noon ang mga tumutulong luha mula sa mga mata niya.

"Ano bang sinasabi mo bes?" iyak din ni Sharla. Gusto niyang lapitan si Beej sa pagkakaupo nito. Gusto niya itong yakapin. Pero mas gusto niyang isipin na nagbibiro lang ito. Natatakot siya sa marami pang mga salitang nagbabadyang lumabas sa bibig nito. Pero mas gusto niyang magalit sa sarili dahil para siyang tanga na walang alam sa totoong pinagdadaanan ng kaibigan.

"That day. Nang hindi ako nakasama sa seminar. Totoong may trangkaso ako. Totoo ring kasama ko si Manzo," kuwento ni Beej.
Ibinaling ni Sharla ang tingin kay Manzo na agad tumango sa kanya. "So alam mo rin ang sinasabi ni Beej at natiis mong hindi sabihin sa akin?"

"Shar, it wasn't like that. Hindi ko gustong..."

"Walang kasalanan si Manzo," putol ni Beej kay Manzo. "Nagmakaawa ako sa kanya na 'wag sabihin sa kahit na sino ang tungkol sa sakit ko. I wanted a normal life. I've always wanted that. Kung hindi man maibigay 'yung long and healthy life, ayos na ako sa isang normal at well-lived life. And that will only happen if my friends won't know my real situation.... so they can treat me as a normal friend, hindi 'yung kaibigan na may sakit na maraming bawal."

"But I'm your best friend, Beej. Alam mong maiintindihan ko lahat, at alam kong alam mo na lagi kitang isu-support sa lahat ng gusto mo."

"Pero nung nagka-trangkaso ako noong high school, ikaw ang pinakaunang nagbawal sa akin na sumama sa national seminar na 'yon. You knew I've really wanted to be in a mangrove forest that time."

"Because that's the right thing to do."

"That's precisely my point, kung bakit hindi ko sinabi sa 'yo noon ang sakit ko. I wouldn't have gone to so many beautiful places and islands with you, if you knew my current situation. I know you bes like the back of my hand. Mas uunahin mo 'yung kapakanan ko. Yung safety ko."

Biglang nanlamig si Sharla dahil sa mga naririnig mula sa kaibigan. Sumagi sa isip niya ang ilang death-defying adventures na ginawa nila noon. "Mas natatakot ako sa sarili ko dahil sa sinasabi mo bes. Did I put you in so much trouble? Nilagay ba kita sa danger lately? My God, bes. Kaya ba laging kontra si tita sa mga gala natin kasi..."

"Yes bes, I told them you knew about my condition para kahit papano ay kampante sila...."

Unti-unti nitong naintindihan ang mga kakaibang kinikilos nito noon. May pagkakataon talagang hindi pinapayagan si Beej na sumama sa mga lakad ni Sharla lalo na kung mga nakakapagod na adventures ang kasama sa itinerary nila. Pag may simpleng sipon o lagnat ito, hindi na ito pinapayagang pumasok noong nasa college pa lang sila. Noong minsang ma-ospital ito, may sarili itong kuwarto at mga nurse. Naalala niya rin ang gamot na hinahanap nito kagabi, ngayon niya lang napag-isip-isip na hindi niya pala alam kung para san nga ba ang iniinom nitong gamot. Kung siguro matagal na niyang binasa ang nakasulat sa bote ng gamot nito, alam na niya marahil ang sakit nito. O siguro, tiwala lang siya na sinasabi naman sa kanya ni Beej ang lahat at hindi na niya kailangan pang tanungin ito. Naalala rin niya ang madalas nitong pag-eemote sa dagat. Tulad noong first day nila sa Kota Kita after nilang mag-picture. At tulad kanina, minsa'y napapatulala na lang ito sa kawalan. Minsan pa mahuhuli niyang nag-uusap ang dalawa ni Manzo at bigla na lang titigil na lang ang dalawa sa pag-uusap kapag dumating na siya. Umabot sa punto na pinagseselosan niya ang mga ito. Kung may pader nga lang siguro sa bangka ay naiumpog na niya ang ulo roon. Galit na galit siya sa sarili. Dapat noon pa lang, alam na niyang may mali sa kaibigan, sa kaibigang kasama niya simula noong nasa kindergarten pa lang siya.

Hindi na makapag-focus si Sharla sa pag-ooperate ng bangka. "Pero bes, anong sakit ba ang sinasabi mo? Naiinis ako sa sarili ko dahil for 9 years hindi ko man lang naramdaman na may pinagdadaanan ka palang ganyan. Sorry bes."

"Bes," mahinang sabi nito. Ngayon na lang ito nakadiretso ng tingin kay Sharla. "Bes I have AIDS," patuloy nito.

AN: Hey you! One of the many reasons why I wrote this story is to raise AIDS Awareness. Nakakatuwa lang na sobrang timely ng update kong 'to today. Dec 1 pala ngayon and you see dedicated ang araw na 'to para sa World AIDS Day. Sana nga makatulong ang story na ito in raising awareness of AIDS pandemic (caused by the spread of HIV infection). More details sa Part 2 ng chapter na 'to.

Sea You Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now