18. Nice To See You Again

161 10 38
                                    

Nang makita ng apat ang isang maliit na kubo malapit sa paanan ng burol, minabuti muna nilang magpahinga sa tuktok ng burol. Walang masyadong puno sa tuktok ng burol at matataas ang damong sumasayaw sa saliw ng hangin. Hindi pa rin masyadong mainit ang araw kaya naman sapat na ang maupo sila sa damuhan at doon muna magpahinga. Noon din nila mas nahangaan ang isla, kung gaano kahaba ang white beach nito at kung gaano karaming shades ng blue meron ang dagat. Tanaw din nila ang maliit na pulo ng Isla Ximina. At kung hindi nga lang sila marahil stranded sa isla, isa na iyon sa maitutuing nilang best hikes ever sa buhay nila. Pero kahit na pinipilit nilang magtawanan, hindi pa rin maaalis ang pangangamba sa loob nila na maaari pa silang magtagal sa isla. Maaari silang abutin ng ilang linggo o buwan hanggat wala  pang ibang bangkang dumarating sa malayong isla.

"Hello?" Nakaupo ito sa piling nina Manzo at Beej na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang sugat sa paa.

"Yes, Kren. Tawag ka nang tawag d'yan. Ang dami mong load," nakangising sagot ni Shar. Pinili niyang ilayo ang sarili sa tatlo para maiwasang magkatinginan. Ayaw niyang ma-reject 'pag sinubukan niyang kausapin ang dalawa at ayaw niya rin namang umasa na isa sa dalawa ang unang kakausap sa kanya. Pero siguro nga, hindi pa lang sila sa ready na mag-usap.

"Taray mo naman, miss. Na-miss lang kita," sagot nito nang lumapit sa tabi ni Shar habang inilaladlad ang nakangiting mukha niya sa dalaga.

"Loko 'to. Kanina pa tayong magkausap ha," sagot naman ni Shar na kanina pa ring nakangiti.

"'Yung mga five minutes kasi na hindi tayo nag-usap, it felt like weeks."

"Luh. Si koya, dumadamoves," bulong nito sa hangin.

"Ano 'yon, Shar?"

Natawa na naman si Sharla. "So how did you end up treating Beej's urchin stings?"

"In details? You should have watched us?" nakangising reply ni Kren.

"No thanks. Curiuos lang ako. If that was really effective. I'm worried about her, you know, kahit hindi kami nag-uusap."

"Matutunaw na 'yung stings. Ang maybe, may suka sa kubong 'yon which we can use, to ensure lang na mawala kung ano mang venom meron sa stings."

"That sounds scary. But thanks, hindi ko na alam kung ano nang mangyayari sa amin dito sa isla kung wala ka."

Makalipas ang ilang minuto, napagpasyahan ng apat na ituloy na ang pagbaba para malaman na kung ano nga ba ang naghihintay sa kanila sa kubong 'yon. Matarik man ang trail, mabilis pa rin nila iyong napagtagumpayan.

Mula sa paanan ng burol ay nakikita na nila ang parehong kubong nakita mula sa tuktok ng pinagdaanang burol. Kapansin-pansin ang bubong nito na gawa mula sa dahon ng anahaw at ang kabahayaan na yari sa kawayan. May silong ang mismong kabahayan at may maliit na extension sa harap nito. Yari din iyon sa kawayan at mas malaki ang bintana kumpara sa bintana ng kabahayaan.

Pinaghalong takot at kaba ang nararamdaman ni Shar habang papalapit sila sa kubo. Bukod sa malinis at malawak ang pathway na dinadaan patungong kubo, nakabukas din ang mga bintana nito kaya sa palagay nila ay may tao ngang nakatira roon. Nang mas malapit na ay doon nila narinig ang kakaibigang ungol na nagmumula sa kubong iyon at napansin din nila ang bahagyang pag-uga nito. Napatigil tuloy sila sa paglalakad. Nagkatinginan ang apat at napabungisngis. At kung anuman ang narinig nila, isa lang ang sigurado, hindi lang isa ang tao sa kubo at ang kailangan lang nila ay maghintay ng perfect timing para abalahin ang mga ito.

Pagkatapos ng ilang minuto na pigil na pigil ng apat ang pagtawa at pagsasalita, narinig nila ang agit-it ng hagdanan habang pababa si Simon, ang may ari ng bahay.

Umubo muna si Kren bago tumawag rito, "Tao po, tao po."

"Sandali," sagot ni Simon bago binuksan ang pintuan. Nakahubad ito. May suot na manipis na pajama sa pang-ibaba at halata ang pawis sa kanyang upper torso. "Hello. Kumusta? Galing kayo sa beach?" Siguro nasa late 30s na ito at ang ine-expect nilang makita ay isang matandang mukhang ermitanyo. Well, that explains the moans they heard earlier.

"Opo, opo... pero naiwan po kami ng bangka namin," sagot ni Beej.

"Ganun ba, p'ano nangyari 'yon? "'Di bale pumasok muna kayo dito sa maliit naming kubo para makapag-merienda. Tapos, 'saka natin pag-usapan 'yang problema n'yo," sagot ni Simon. Hindi rin nila in-expect na magiging ganito kabait ang madadatnan nila sa kubo. "Pasensiya na kayo sa maliit naming bahay namin."

"Ayos lang po, kuya..." naputol na sagot ni Sharla.

"Kuya Simon na lang; tulog pa si Misis, mamaya ipapakilala ko kayo," pagpapakilala nito. Tapos nagpakilala na rin sa kanya ang apat na bisita. Itinanong na rin niya kung ano ang nangyari kay Beej at binigyan ng kaukulang lunas ang sugat sa paa.

"Once a month lang ang rasyon namin ng supply dito, kaya dapat sa loob ng isang buwan, nabili ko na sa kabilang isla lahat ng kakailanganin namin dito."

"So may bangka po kayo?" tanong ni Beej.

"Wala e, kaso may kumpare ako sa kabilang isla na may bangka. Sinserbisan niya ako once a month."

"May contact po kayo sa kanya?"

"Wala rin e. Wala namang kuryente rito kaya wala rin kaming cellphone. Every first week ng buwan siya pumupunta rito, minsan may dala siyang mga turista minsan ako lang talaga pasahero niya," paliwanag ni Simon habang inaabot ang mga tasa ng kape sa apat na bisita. Pagkatapos ay naghayin ito ng mga nilabong mais. "Ayan, masarap 'yan sa kape. Teka, kumain na ba kayo ng umagahan?"

Maya-maya pa ay bumaba na rin si Ruby, ang asawa ni Simon, at tulad ni Simon ay palangiti rin ito. Sexy ito sa suot na off-soulder na bestida at malaki ang hinaharap. Pansin tuloy ni Sharla ang pag-iwas ni Kren na mapatingin kay Ruby. Nakuwento na rin ng mag-asawa ang love story nila at kung paano nila napagpasyahang sa isla na lang manahan. Nang ibalik ang usapan sa kung paano sila naiwan ng bangka nila, biglang napaisip si Ruby. "Bakit? Hindi ba kayo kasama ni Bindi? Dito sila natulog kagabi."

Nagkatinginan ang apat.

Sea You Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon