73RD ROSE || Those Boys To The Rescue!

Start from the beginning
                                    

"Really? Umm... p-pwede ba a-akong su-sumama sa-sa-sa'yo?" bahagyang napangiwi si Ryuuji dahil gusto talaga n'yang tumuwid ang pagsasalita n'ya pero nauutal talaga s'ya.

Ngumiti naman si Michelle sa kanya. "Oo ba, para sabay na tayong pumasok sa classroom. Tara?"

Tumango agad s'ya na parang bata. "Sige, ta-tara."

Pumunta agad sila ng library matapos ng pag-uusap nilang iyon at panay naman ang kwento n'ya kay Michelle na siyang-siya daw s'ya habang natututo ng Tagalog. Pinanood daw n'ya ang 100 Na Tula Para Kay Stella na may English subtitle bilang panimula sa pag-aaral n'ya ng Tagalog at naaalala daw n'ya si Fidel, ang bidang lalaki sa nasabing pelikula. Parang katulad daw n'ya ito dahil nauutal ito.

Matapos nilang ma-ensure ang paghiram nila sa mock test reviewer ng GAT/PAT ay agad na silang bumalik ng classroom para sa special review class nila sa araw na iyon.


"Sigurado ka bang nag-aaral din dito 'yung babaeng kasama ni Raven nung isang araw?" tanong ni Dado sa kanyang kasamang si Junixx, isa sa mga kasamahan ni Jeremy sa gang nilang Dark Bloods, ang kalabang gang ng grupo ni Raven noon nung panahong kasapi pa si Raven ng isang gang tatlong taon na rin ang nakalipas.

"Oo sigurado ako! Magkasama sila nung isang araw at magkapareho sila ng uniform kaya sigurado akong kaklase n'ya iyon! Nakuhanan nga namin 'yun ng picture ni Edwin nung magkasama sila ni Raven!" bulalas ni Junixx sabay pakita ng cellphone kay Dado kung saan mukhang nakayakap si Raven kay Michelle habang naka-side view ang dalawa. Close up ito dahil sila 'yung riding-in-tandem na nakasakay sa isang pulang Honda motorcycle.

Umismid si Dado. "Siguraduhin mo lang. Tsaka teka nga muna, bakit ang tagal naman ata nilang lumabas? 'Di ba kanina pa ang uwian?"

"Hindi mo ba alam? Nagsisimula na ang review nila sa GAT/PAT kaya matagal silang umuwi. Bopols ka talaga," ani Junixx.

Agad naman s'yang kwinelyohan ni Dado. "Ano'ng sabi mo? Ako, bopols? Gusto mo bumaon 'tong kamao ko sa pagmumukha mo?"

"Brader, nagbibiro lang naman ako. Kalma lang—"

"Ayun s'ya! 'Yung babae!" agad namang tinuro ni Edwin si Michelle na tahimik na naglalakad paalis ng Empire Academy.

Umangat ang gilid ng labi ni Dado at bahagyang ngumisi. "Magaling. Mag-isa s'ya. Boys!"

Agad naman napatingin sa kanya ang sampung kasamahan n'yang naroon.

"Maghanda kayo. Kukunin na natin ang babae at ibibigay natin kay Boss Tao."


Tahimik lang si Michelle habang binabaybay ang daan pauwi sa bahay ni Mama Rona. Hindi n'ya dala ang scooter dahil ginamit ito ng mga baklang staff ni Mama Rona sa salon para sa home service. Wala namang masyadong problema 'pag naglalakad s'ya pauwi dahil may mga naglalakad ring mga estudyante katulad n'ya.

Ngunit hindi tulad ngayon.

Nagsimula s'yang gapangan ng kaba at takot nung may napansin s'yang may mga nakasunod sa kanya dahil mabibigat ang mga yabag nito. Sa tantya n'ya ay maraming nakasunod sa kanya at doon na s'ya nagsimulang kabahan.

Napailing na lamang s'ya. "Michelle. Paranoid ka lang. Please lang 'wag kang matakot at maglakad ka nalang. Marami ka namang kasama kaya 'wag kang matakot."

Ngunit imbes na tapangan ang kanyang sarili ay mas lalo pa s'yang ginapangan ng sobrang kaba at takot nung bumilis ang mga yabag sa kanyang likuran na parang hinahabol na s'ya. Bahagya s'yang lumingon at marahas na napasinghap nung makita n'ya ang sampung lalaki na nakasunod sa kanya sa likuran. Humigpit ang pagkakahawak n'ya sa strap ng kanyang bag at tinangka n'yang kumaripas ng takbo ngunit naging maagap ang mga lalaking nakasunod sa kanya at agad na tinakpan ang kanyang bibig at ipinasok s'ya sa isang van.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now