Dahil di kami pumunta sa Salon ng Tita nya at may time pa kami sa sinasabi nyang 'Date' ay ginala nya muna ako sa mga kung saan saang lugar. Naenjoy ko talaga ang pagsama sa kanya..

Ngayon lang kasi ako namasyal na di si Lourenz ang kasama ko kaya iba ang pakiramdam na si Enzo ngayon ang kasama ko.

Parang gusto ko na rin ata sya. Sya lang kasi ang unang lalaking nagbigay ng ganitong atensyon sa akin.. Pakiramdam ko special din akong tao.. na may nakakapansin din pala sa akin kahit NERD ako.. Lumaki ako na uhaw sa atensyon ng mga tao.Tanging si Lourenz lang ang nakakasama ko at si Manang Leony. May magulang nga ako pero minsan lang nila ako nakakasama dahil busy sila sa pagtratrabaho. Hayyy! Sana ---

" We're here! " sabi ni Enzo sa akin kaya nauntag ako. Mahaba din pala ang nilakbay ng diwa ko kaya di ko napansing gabi na pala at nakatigil na uli ang kotseng sinasakyan namin.

Nasa harap kami ng isang mamahaling restaurant. Wala gaanong tao pero alam kong puntahan to.

Pinagbuksan ako ni Enzo ng pinto at inalalayang bumaba.

Habang papasok kaming dalawa sa naturang lugar, pakiramdam ko ako si Cinderella na nagtransform bilang magandang prinsesa na nakasuot ng magandang gown kahit simple lang ang damit na suot ko ngayon at ang prinsipe ay si Enzo. Syempre sa fantasy lang yun, never will be exist pero walang masama ang mangarap hindi ba?

Parang panaginip lang ang nangyayari ng gabing yun! Ni sa hinagap di ko inaasahang mangyayari to..

Maganda ang ambiance ng restaurant na yun.. Me musikero pa at mga waiters.

" I hope you like it.. Pinakiusapan ko si Papa kung maari ko tong hiramin muna ngayon gabi and fortunately, pinagbigyan nya ako kaya wala gaanong tao dito ngayon maliban sa mga nandito para sa date natin.. " sambit ni Enzo habang iginaya nya ako sa upuan. How gentleman! *///*

Sa kanila pala to.. Grabe! Ang yaman pala nila!

Naparomantic naman ni Enzo at sweet. ^______^

Hindi ko alam ang tawag sa nararamdaman ko pero ito ba ang tinatawag nilang kilig? Oo, para akong kinilig sa mga pinaggagawa nya.. Sweet sya.. Ginawa nya yung bagay na dati akala ko di mangyayari sa akin.. Lahat ng mga bagay na gusto kong mangyari, eto na.. nasa harap ko na.. Atensyon ng lalaki.. Romantic date.. Basta lahat.. Alam kong medyo mababaw ako pero masaya talaga ako. Babae lang ako at tao na may pakiramdam..

" O-Oo, nagustuhan ko.. Salamat dito ha? Akala ko dati walang gagawa sa akin ng ganito at di ko mararanasan ang sinasabi nilang date.. na walang lalaking makakapansin sa akin dahil nerd ako.. " sagot ko sa kanya nung nasa harap ko na syang nakaupo.

" Don't thank me Courtney.. Ako nga ang dapat magsalamat eh dahil pinagbigyan mo akong makasama ka ngayong araw.. Masaya ako dahil nasiyahan ka sa effort na ginagawa ko.. You are special to me Courtney! " he hold again my hands. Walang kapantay ang sayang nararamdaman ko ng mga oras na yun.. Sana di na matapos.. Sana mangyari pa ulit.. ~____~

Maya maya nag-umpisa na kaming kumain nung inilapag ng waiter sa mesa ang pagkain.Masasarap ang mga inihandang pagkain sa date namin.Tinitingnan mo pa lang, mabubusog ka na.. Talagang pinaghandaan ni Enzo ang date na to. Dun ko lang narealize na kaya pala gusto ni Enzo na maging perfect at maganda ako sa date namin dahil dito.. Almost perfect ang date namin kaya naalangan ako sa ayos ko sa huli pero its too late.. Nandun na ako and all i have to do is to enjoy.

Pagkatapos naming kumain niyaya nya akong sumayaw. Grabe! Para akong hihimatayin sa kilig. >///< Shemay lang! *___*

Paano kasi sobrang lapit namin sa isa't isa.. ang higpit pa nya humawak sa bewang ko. Sa bawat salita nya, ang hininga nya ay tumatama sa punong tenga ko.

" Nakapagdesisyon ka na ba sa sinabi ko sayo nung nakaraang araw? " bulong nya sa akin. Parang tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa bulong na yun.

" Ha? Eh? " di tuloy ako makapagsalita ng maayos.

" Would you be my girlfriend, Courtney? " iniangat nya ang mukha ko nung tinanong nya yun dahil nakayuko ako at mataas sya sa akin.

Di ko alam ang dapat kong isagot.. Gusto kong sumagot ng oo pero nagtatalo ang kabilang side ko na hindi sapagkat di ko pa sya lubusang kilala. >____>

" K-Kung okey lang sayo wag muna ngayon? Di pa kasi ako handa.. at.. at saka di ba parang mabilis naman tong nangyayari sa atin.. i mean kakakilala lang natin. Siguro mas maganda if we should getting to know each other muna before maging GF mo ako.. Naguguluhan pa kasi ako sa nararamdaman ko.. "

" Di naman mahalaga kung matagal o bago magkakilala eh.. Haisst! Pero sige kung yan ang gusto mo.. i'm willing to wait kung kelan ka na ready na sagutin ako. Tama ka nga! Kilalanin na lang muna natin ang isa't isa. " he looks away.. Gusto ko syang sagutin pero nagdadalawang isip pa kasi talaga ako. Haist!

Kahit di ko sinagot si Enzo ng gabing yun naging masaya pa din ang date namin at nag-enjoy ako ng sobra.

End of flashback..

" Ang hirap eexplain ng nararamdaman ko ng gabing yon, Lou.. Ganun pala ang feeling pag nagdidate kayo noh? Para kang lumulutang sa saya lalo na ata parang gusto mo na yung guy.. "

" Tumigil ka nga! Paano ka nakakasigurong gusto ka nya? Imposibleng katulad nya ang magkagusto sa nerd na katulad natin! Tingnan mo yung ginawa nya nung enrollment, pinahiya ka nya tapos ngayon konting effort lang nya bumigay ka na! "

" Eeh? Wag natin sya ijudge agad dahil lang dun.. Di naman tayo perpekto at lahat tayo nagkakamali.. "

" Bahala ka na nga! Kung anu ano na ang pinagsasabi mo dyan! " iniwan ako ni Lourenz sa parking lot mag-isa.

Kahit kelan talaga tong si Lourenz! *sighed* Naiintindihan ko naman sya eh.. Gusto lang nya ako protektahan.

" Courtney! " lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.

" Blue.. Oh? Kamusta? " bati ko sa kanya.

" Ayos lang naman. Ikaw? Mukhang maganda umaga mo ah? " puna nya sa akin.

" Di naman.. Medyo lang.. :D " Nag-umpisa na akong naglakad kasabay si Blue nang may biglang..

* nang may biglang?? Alin? Aaaaah! Ano yun? Ano kaya ang nangyari?

Abangan..

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon