Chapter 55: Aria

5.8K 321 6
                                    

RB's POV

I woke up early the following day. Ike's still asleep so I did not bother to wake him up. Nakarinig ako ng ingay mula sa kusina pagkalabas ko ng kwarto kaya naman bumaba muna ako para pumunta doon.

Naabutan ko si Tita Lara na abala na sa pagluluto ng agahan. She smiled upon seeing me.

"Good morning po," bati ko sa kanya.

"Magandang umaga rin. Gusto mo bang magkape muna? Hinahanda ko pa 'tong agahan natin," sabi niya.

"Okay lang po. Pwede po ba akong tumulong? Marunong naman po akong magluto," sagot ko.

"Kaya ko na dito. Umupo ka na lang muna. Si Ike tulog pa ba?" tanong ni Tita Lara.

"Hindi ko na po muna siya ginising. Ang himbing pa po kasi ng tulog niya," sabi ko naman.

Tita Lara smiled a bit. "Tulog-mantika talaga 'yan si Ike kahit noong high school pa lang 'yan. Madalas kasi 'yang tumulong sa 'min noon dito sa farm. Masipag at responsable. Kaya naman hayun, parati 'yang pagod kapag tapos na ang araw."

Ngumiti na lang ako.

"Gaano katagal na ba kayong magkaibigan ni Ike?" tanong pa niya sa 'kin.

"Ah, nung last June lang po kami nagkakilala. Siya po actually 'yung una kong naging kaibigan doon sa Emerald," sabi ko.

"Madalas nga kayong makwento sa 'kin ni Ike. Natutuwa nga ako at nakikita ko siyang masaya sa Emerald. Aaminin ko na nung una eh ayaw kong mapalayo siya dito sa 'min. Pero pangarap talaga niya na makapasok sa Emerald. Kaya hayun, kahit mag-isa siya sa Maynila eh nagpursige siyang matanggap doon. Matigas din talaga kasi ang ulo niyan ni Ike. Manang-mana sa tatay niya. Hindi ko rin naman siya masisi lalo pa't alam ko kung saan nanggagaling ang determinasyon niya," sabi ni Tita Lara bago siya tumitig sa kawalan.

"Bakit po? May nangyari po ba kay Ike bago siya nakapasok sa Emerald?" tanong ko.

"Hindi pa ba niya nakukwento sa 'yo?"

"Ang alin po?"

"Ilang buwan bago magtapos si Ike sa high school eh namatay 'yung kaibigan niya. Si Aria. Palagay ko nga eh may gusto si Ike sa kanya pero hindi na niya nasabi pa..."

Natigilan ako. "Aria?"

"Sabay silang lumaki dito sa farm namin. 'Yung katiwala namin dito eh siya ang pamilya ni Aria. Halos hindi 'yan mapaghiwalay na dalawa nung mga bata pa lang sila. Nung unang beses na lumitaw ang weirdness niyan ni Ike eh si Aria ang laging sumusuporta sa mga pangarap niya. Bata pa lang 'yan si Ike eh parati na niyang pinapanood 'yung Magical Mayhem sa school ninyo at 'yun ang rason kung bakit pinangarap niyang makapag-aral doon," sagot niya.

Tita Lara breathed deed before she continued. "Halos hindi namin 'yan makausap si Ike nung kakamatay pa lang ni Aria. Buti nga at magmula nung pumasok siya sa Emerald eh nagkaroon na siya ng mga bagong kaibigan. Kaya nga tuwang-tuwa kami ni Israel na makitang kasama ka niya ngayon. At least alam namin na kahit papaano ay unti-unti nang natatanggap ni Ike ang nangyari kay Aria."

"Ano po ba ang ikinamatay ni Aria?" tanong ko.

"Nasa city nun silang dalawa dahil sinamahan ni Aria si Ike na mag-asikaso ng mga requirements niya para sa entrance exams sa Emerald. Kaso nung araw ding 'yun eh may umatake sa city-"

"'Anong pagkain, Ma?" biglang sabi ni Ike na pababa na sa hagdan. Pinadaanan na lang ako ng titig ni Tita Lara bago siya bumaling kay Ike.

"Nagluluto ako ng paborito mong pansit. Maghilamos ka na muna at malapit na rin 'tong maluto," sabi niya.

Weirdos I: The Crystal MonsterWhere stories live. Discover now