Chapter 27: The Opening Ceremony

8K 401 8
                                    

And the day of the Magical Mayhem finally came. Nagising ako sa matinding ingay na nagmumula mula sa labas ng dorm ko. I looked out of the window and saw a lot of people already walking outside.

Kaya naman dali-dali akong naligo at nag-ayos. The participants are required to wear PE uniforms. In-orient na rin nila kami kahapon kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin pagdating sa event.

Pero hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung ano ang mga ipapagawa sa 'min. Everything is being kept as a secret until the day of the Magical Mayhem.

At kahit mga first years pa lang ay marami na ring tao ang nanonood sa event. Kadalasan kasi eh mga third year ang inaabangan ng mga tao dahil mas advanced na ang mga natutunan nila.

Habang naliligo ako ay sinubukan kong alalahanin ang lahat ng mga spells na inaral ko sa ilang linggo kong paghahanda bago ang Magical Mayhem. Magmula kasi nung na-qualify ako eh halos araw-araw na akong dumadaan sa library para magbasa ng mga libro. Kapag weekends naman ay halos maghapon akong nananatili sa library.

Sana nga lang ay sapat ang lahat ng pagbabasa at pagpa-practice ko para naman hindi ako malaglag sa first round ng labanan.

I ate a really heavy breakfast before heading for the Diamond Battle Dome. Alas-syete ng umaga ang call time namin at alas-otso ang simula ng event.

"Ike!" tawag bigla sa 'kin ni Jack.

Lumingon ako at nakita ko sina RB, Alice, at Jack na naglalakad papunta sa 'kin.

"Dadaanan ka sana namin dito sa dorm mo. Muntik ka na palang mauna," sabi naman ni Alice.

"Where's Faye?" tanong ko naman.

"Dumiretso na siya sa station nila sa battle dome. Tatlong araw silang mag-aasikaso ng mga mai-injure. It's a rough job but she told us that she'll earn tremendous amount of extra-curricular points. She wished you good luck, by the way," sagot ni Jack.

"Nakita namin kanina si Juno Ase! She's really beautiful! At sinabi ni Faye na pupunta rito ang kuya niya. I think the NMLEA worked in collaboration with Emerald to provide security in the event. That means, malamang ay makakakita tayo ng maraming agents ngayong araw!" sabi ni Alice.

"Ang tanong eh kung may chance ba tayong makita sila? Malamang eh buong maghapon magtatagal ang event na 'to," sabi ko.

Nakarating na kami sa Diamond Battle Dome. Nakita namin sina Zed at Roselle na nakatayo sa isang entrance at may hawak na mga megaphones.

"All participants assigned in Waiting Room 5, this way please!" sigaw ni Zed.

"How is it going, guys?" bati sa kanila ni Jack.

"This isn't bad at all, actually," sabi ni Roselle. "We'll still earn extra-curricular points and above all, we can see a lot of agents up close!"

"Nakapagpa-picture na nga kami sa iba sa kanila eh. This is actually fun!" sabi ni Zed.

"WHAT?! REALLY?! WHERE DID THEY GO?!" tanong ni Jack.

"Naglilibot-libot sila. Go inside now. Lagpas na kayo sa call time. Hurry up!" sagot ni Zed.

"But-"

"You'll be disqualified if you'll not enter on time," banta ni Roselle.

Kinaladkad na lang namin si Jack papasok.

"Baka nakapagpa-picture 'yun kay Juno-!"

"Shut up," sabi ko naman.

There is a total of six waiting rooms inside the battle dome. Doon muna kami pu-puwesto habang hindi pa nagsisimula ang event. Nagkaroon na rin kami ng dry run kahapon sa tamang pagpuwesto sa field para sa opening ceremony.

Weirdos I: The Crystal MonsterWhere stories live. Discover now