Chapter 11: Looking Forward

9.2K 465 30
                                    

This story is going to be a quartet. Ibig sabihin po ay apat na installments ang gagawin ko; one installment for each year of Ike's stay in Emerald. Inaayos ko na po ang magiging takbo ng apat na installments. Goodluck to me.

Papalitan ko rin po ang title nito. Again, biglaang publish lang po ito. The new title of this story is going to be "Weirdos I: Crystal Monster". Aayusin ko pa po ang cover nito, BTW.

The succeeding stories are still under development, kaya wala pang titles.

After ng series na 'to eh lalayas na rin ako mula dito sa WP. :) Baka next year matapos ko na lahat. Baka 'di ko na rin po ituloy ang Elemental Trilogy. Kaya 'wag po muna kayong ma-praning sa pag-alis ko.

I think alam ko na ang rason kung bakit akala niyo si RB ang top. Sanay kasi kayo na Seme ang naghahabol sa Uke. Haha. And RB was inspired also from Shouto Todoroki. :)

'Yun lang. :)

TheAshtone

●●●

I woke up in the infirmary. Mula sa isang bintana ay nakikita ko na ang papalubog nang araw. Sinubukan kong bumangon pero tila bato ang katawan ko sa bigat nun. Balot na balot rin ng benda ang mga braso ko.

"Rest for a while. Inayos ko na ang katawan mo pero 'wag ka munang gumalaw," sabi bigla ni Nurse Juliana.

Lumapit siya sa 'kin at sinipat ako.

"Your hands were basically roasted. Ilang taon ka na ba?" tanong niya.

"Eighteen po," sagot ko naman.

"Labingwalong taon ka na pero hindi mo pa rin kayang kontrolin ang weirdness mo? You should be immune to fire if you can control fire," sabi niya.

Natigilan ako.

Fire...

I produced fire earlier. Hindi ko lubos akalain na magagawa ko pala 'yun. But if I produced fire, then that means...

"Let me check your hand," sabi ni Nurse Juliana sabay angat sa mga braso ko.

She tapped my arms and the bandages disappeared. Inunat niya nang bahagya ang mga kamay ko na wala nang kahit isang senyales ng pagka-sunog.

"They all look fine. I will release you now but rest for this evening, okay? Bukas bumalik ka rito para i-check ko ulit 'yang mga kamay mo," sabi ni Nurse Juliana.

"Sige po," sagot ko naman.

I stood up gingerly. Nag-ayos na muna ako ng sarili ko bago ako lumabas ng infirmary.

Weirdos I: The Crystal MonsterWhere stories live. Discover now