Chapter 54: The Unexpected Guest

6.6K 356 22
                                    

Agad akong tumitig sa paligid nung nakababa na ako mula sa tren na sinakyan ko. Mabilis lang na lumipas ang school days namin sa Emerald at ngayon nga ay umuwi muna ako rito sa Bicol para sa Christmas Break namin. Hapon na ako dumating dito sa istasyon ng tren. Kaninang tanghali kasi ako umalis ng Emerald.

"Kuya Ike!" biglang tawag sa 'kin ng mga kapatid ko.

Agad akong lumingon at nakita ko sina Mama at Papa na kasama 'yung kambal kong kapatid. Agad naman akong sumugod doon sa dalawa sabay yakap sa kanila.

Iza and Ivan. Sila ang nakababata kong mga kapatid. Halos sampung taon din ang pagitan namin.

"Kiss na kuya?" tanong ko doon sa dalawa.

Agad din naman nila akong hinalikan sa magkabilaang pisngi.

"Nagpakabait ba kayo?" tanong ko.

"Opo!" sabay nilang sagot.

"Good. Mamaya eh may pasalubong si kuya sa inyo!" sabi ko naman sabay kiliti sa kanila.

Tumayo na ako at nagmano kina Mama at Papa.

"Hindi ba sa 'yo sumama 'yung mga kaibigan mo?" tanong sa 'kin ni Papa.

"Hindi po eh. Magbabakasyon din po kasi sila," sagot ko naman.

Well, Jack is going to Batanes with his family. Nag-out-of-the-country si Faye kasama ang mga kuya niya. Si Alice eh umuwi sa lola niya sa probinsya nila. Si RB naman eh matutulog lang daw sa buong bakasyon namin.

I insisted on inviting RB because I know that he's probably going to celebrate Christmas all by himself. Nabalitaan ko kasi na lumuwas din ng bansa si Professor Evanesca para bumisita sa isang magical school. Pero wala eh. Ayaw pa ring sumama ni RB. Himala nga at bigla 'yung nahiya sa 'kin.

Matapos kong makuha ang mga bagahe ko ay lumabas na rin kami mula sa istasyon ng tren.

"Doon tayo magpa-Pasko sa farm. At least doon tahimik. Hindi kagaya rito sa siyudad na ang ingay," sabi ni Papa nung nakasakay na kami sa van.

May bahay kasi kami rito sa city pero may bahay din kami sa farm namin na medyo malayo rito. Our farm is quite big. Natatandaan ko nung kabataan ko eh madalas kaming maglagi doon.

Pero ngayon eh dito na sa city namamalagi sina Mama at Papa. May caretaker na lang sila sa farm namin. Tuwing bakasyon na lang kami pumupunta doon.

"Kumusta ang pag-aaral mo? Baka binubugbog mo na naman ang sarili mo doon sa Emerald," sabi sa 'kin ni 'nay Lara.

"'Nay, nag-iingat na nga po ako. Tsaka wala po akong record sa infirmary namin magmula nung Nobyembre," sagot ko naman.

"Basta mag-iingat ka. Masyado naman kasi atang pisikal ang pag-aaral mo diyan," sabi niya.

"Hayaan mo na ang anak mo. Tingnan mo nga't hindi na gaanong patpatin si Ike ngayon," sabi naman ni Papa.

"Halos araw-araw po kasi akong nasa gym namin eh. Kailangan ko po 'yun para palakasin ang katawan ko. Tsaka nagpapahinga naman po ako parati. Hindi ko naman po inaabuso ang katawan ko," sagot ko.

"Oh, 'yun naman pala eh. Nag-iingat naman ang anak mo," baling ni Papa kay Mama.

Madilim na nung nakarating kami sa bahay namin. Nasa labas lang kasi 'yun ng city pero sadyang may kalayuan pa rin mula sa siyudad. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko para magpahinga.

Habang nakahilata ako sa higaan ay biglang nag-ring ang phone ko.

"Bro!"

"Oh, nasaan ka na?" tanong ko naman kay Jack.

Weirdos I: The Crystal MonsterWhere stories live. Discover now