Chapter 1: Emerald School of Magic

18.3K 623 81
                                    

"Wow…"

'Yun na lang ang nasabi ko habang nakatingala sa isang nakalulula at napakagandang building na nasa harap ko.

"Y-You really did it, Ike. Papasok ka na sa Emerald…" I said in a trembling voice.

Bata pa lang ako pangarap ko nang makapasok sa Emerald. Well, lahat naman siguro pangarap na makapag-aral dito. This is the largest and perhaps the most famous magical school in the whole country. Kilala rin ito kahit sa buong mundo.

Pahirapan na makapasok sa Emerald. Having your own weirdness is not enough to be admitted in this school. Aside sa uri weirdness mo, dapat matalino ka rin sa iba pang fields of magic.

My weirdness is telekinesis. Pretty cool if I was born in the past. Pero year 3000 na ngayon. At ang ganitong uri ng kapangyarihan ay halos normal na sa lahat ng tao.

Weirdness is basically your power. Some other forms of weirdness are Elemental Weirdness. Doon papasok ang mga Fire Weirdos, Air Weirdos, etc. Mayroon namang Mind Weirdness. Doon papasok ang Illusionist Weirdos, Telepathic Weirdos, etc. Mayroon namang Transfiguration Weirdness. Halimbawa nila ay ang Animator Weirdos, Necromancy Weirdos, and the likes. Marami pang ibang uri ng weirdness. At halos lahat ng uri ng weirdness ay tinuturo sa Emerald. Weirdo ang tawag sa mga taong mayroong espesyal na kakayahan gaya ko.

There are two ways to be admitted to Emerald. The Weirdness Test and the Written Exams. Pasang-awa lang ako sa Weirdness Test. Not because I was not able to use my weirdness but because my power was so common. Kaya bumawi ako sa Written Test. At buti naman ay natanggap ako.

By the way, I am Ike Lunaria. 18. I came all the way from Bicol just to study here in Manila. Emerald is basically a university. Magmula kasi nung dumami na ang mga Weirdo ay kinompress na ang basic education sa elementary at high school. Sinamahan lang ng Magical Science ang curriculum. Doon lang ako sa Bicol nag-elementary at high school. Ngayong college na ako ay sa isang magical school na talaga ako nag-enrol.

Malaki ang pinagbago ng buong mundo mula nung nagkaroon ng mga Weirdo. The government itself changed. Sa pagdami ng mga Weirdo ay siya ring pagdami ng mga krimen. That's why the government formed the Department of Magic and the Department of Magical Education. Nakapaloob sa DOM ang Magical Law Enforcement at ang pagre-record ng lahat ng profiles ng mga Weirdos sa buong Pilipinas. Ang DME naman ang namamahala sa lahat ng magical schools dito sa Pilipinas. Sila ang gumagawa ng curriculum na ini-implement ng mga magical schools sa buong bansa.

Pa'no ba nagkaroon ng mga Weirdos?

Well, it's all because of Darwin's Theory of Evolution. Ayon sa history books na nabasa ko, noong unang panahon daw ay halos 10% lang ng utak ng mga tao ang nagagamit nila. Technology sila umaasa para mapadali ang buhay nila.

Nagsimulang namang magsilabasan ang mga Weirdos mula nung year 2100. As the next stage of evolution, nagamit na ng mga tao ang full potential ng utak nila. At doon na nagsimulang magawa ng mga tao ang dating imposible. Pretty cool, huh?

Kadalasan na sa Magical Law Enforcement napapasok ang mga graduate ng Emerald. Meron namang napapasok sa DME. Bawat siyudad kasi sa Pilipinas ay mayroong mga enforcers para mapanatili ang balanse ng lipunan kahit na may mga kapangyarihan na ang mga tao. Minsan naman ay na-e-employ sa ibang bansa ang mga graduates ng Emerald. Pumapantay naman kasi sa pangalan ng Hogwarts at Ilvermony ang kalidad ng edukasyon sa Emerald.

Aside from helping us develop and refine our weirdness, Emerald teaches magical arts like spells, potions, astronomy, and the likes. Kaya kung hindi ganun kagandahan ang weirdness mo eh bumawi ka na lang sa ibang fields of magic.

Weirdos I: The Crystal MonsterWhere stories live. Discover now