Chapter 34: Fear and Fire

7.5K 408 15
                                    

Ike's POV

Nagtitigan na lang kami nina Jack at Alice habang inaasikaso ni Faye si RB sa isang higaan. Nasa labas kami ng station ng mga healers at tinatanaw namin 'yung dalawa na nasa loob.

"Bro, I know that RB has always been weird but what he did earlier was way weirder, like, to the nth level," bulong sa 'kin ni Jack.

"Not to mention that it was really creepy," sabi naman ni Alice.

I can't help but agree with them. RB acts strange all the time but what he told me earlier really unnerved me. Hindi ko maiwasan na hindi kilabutan dahil sa ginawa niya kay Jared at dahil sa mga sinabi niya sa 'kin.

"I don't want to say this but RB acted like a psycho earlier. Not to mention the "blood" thing. And his facial expression... it was really disturbing," sabi pa ni Jack.

I sighed. "Ang mahalaga eh walang napahamak ni isa sa kanila. Sabi ni Sir Garrick maayos naman daw na si Jared. And RB will surely be fine after this. Kakausapin ko na lang siya," sagot ko.

Pinalabas na rin si RB nung napagaling na siya nina Faye. Nagpalit na rin siya ng uniform dahil madugong-madugo na 'yung damit niya kanina.

"Don't come back here! Ikaw ang umubos ng lakas ko ngayon," sabi ni Faye habang umiinom ng energy drink. Nagre-rely nga kasi ang mga healers sa stamina nila para makapanggamot ng ibang tao.

"Thanks a lot," sabi ni RB.

Tumitig ako sa monitor na nasa loob ng station nila.

"Tapos na ang Top 16 battles. Hindi ka ba sasama sa 'min mag-lunch?" tanong ko kay Faye.

"Nope. Marami kaming ginagawa rito. Goodluck na lang-"

Bigla niya akong hinatak palapit sa kanya sabay bulong sa tenga ko.

"Alam kong babalik ka pa rito sa station namin. We'll talk later... about RB," bulong ni Faye.

Tumango na lang ako. "S-Sige."

Tinulak niya ako palayo. "Bye guys! See you later- wait, I don't want to see you later pala. See you after the event. Ingat!"

Nagpaalam na kaming apat kay Faye.

Habang naglalakad kami papunta sa pinakamalapit na cafeteria ay marahan kong siniko si RB. Nagpasadya naman na magpahuli sina Jack at Alice.

"Hoy, okay ka lang ba? Baka may masakit pa sa 'yo," sabi ko sa kanya.

"I'm fine already... Faye healed me pretty well," sagot niya.

Back to normal, huh?

"Ano ba 'yung ginawa mo kanina, ha?" tanong ko kay RB. Naisip ko na lang na diretsuhin siya imbes na magpaligoy-ligoy pa 'ko.

"I only did that to help Ike win. I promised that I will do all I can to make Ike happy. Sinadya kong mapabilang sa lower 8 participants para tayong dalawa ang maghaharap sa Top 2," paliwanag niya.

"What the hell? So planado mo na ang lahat?!" gulat kong tanong sa kanya.

"Yeah. I'll make sure that you win. But Ike must win in a convincing manner. It is important that you leave a big impact to the audience. I cannot just surrender because it will raise some eyebrows. Ike will win but he must win convincingly," sagot niya.

"Listen to me, RB. I want to win the Magical Mayhem, okay? I really want to. But I want to win because of my own effort. Gusto kong paghirapan ang panalo ko at ayokong mananalo ako dahil may mga tumutulong pala sa 'kin. I want to win by giving and doing all I can to finish at the top," sagot ko.

Weirdos I: The Crystal MonsterWhere stories live. Discover now