Chapter 44: Haunting Shadows

6.8K 373 9
                                    

"May bad guy!" sigaw bigla ni Aria.

I immediately punched and kicked the scarecrow before throwing it away. Nagtatatalon naman si Aria sa tuwa.

"Wala na ang bad guys! Yey!" sigaw naman namin.

"Oy, kayong mga bata talaga. Mangangati kayo niyan. Doon na lang kayo sa ilalim ng puno," saway naman sa 'min ni 'nay Lara.

"Eh 'nay, nagte-training po kami para kalabanin ang bad guys!" sabi ko naman.

"Bad guys, bad guys. Doon na lang kayo maglaro. Mainit dito. Bilis na," utos niya sa 'min.

Kaya naman wala na kaming nagawa ni Aria kundi ang tumakbo pabalik ng lilim ng puno.

"Saan ka ba mag-aaral paglaki mo?" tanong sa 'kin ni Aria.

"Sa Emerald! Balang-araw eh magiging agent at huhulihin ko ang lahat ng bad guys sa buong mundo!" sabi ko naman.

Aria and I were childhood friends. Magkapitbahay lang kasi kami at magka-edad pa kaya mabilis kaming naging magkaibigan. We grew up together and we became really close. Halos kaming dalawa nga lang ang magkaibigan eh.

At gaya ng parati kong sinasabi, bata pa lang ako eh pangarap ko nang makapag-aral sa Emerald para maging isang agent. Sa tuwing lalabas nga kami ng city eh parati kong inaaya si Mama na dumaan harap ng isang headquarters para lang makakita ako ng iba't-ibang agents.

And Aria is my number one supporter. Well, sinuportahan niya ako dahil kami lang naman talaga ang magkaibigan. But still, 'yung paniniwala sa 'kin ni Aris ang mas lalong nag-udyok sa 'kin na maging isang agent.

"Nga pala, hindi mo sinasabi sa 'kin kung saan mo gustong mag-aral. Sa Emerald ka na rin kaya? Maganda dun!" sabi ko kay Aria nung naglalakad na kami pauwi.

Aria just smiled before staring at the sky.

"Ayos na 'ko kahit hindi sa Emerald," sagot niya.

Weirdos I: The Crystal Monsterजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें