Chapter 5: The Weirdest of Them All

9.9K 573 150
                                    

Ike is pronounced as I-ke. "I" is pronounced just like the "I" in the "Filipino version" of "a, e, I, o, u."

Hindi po siya "ay-ke" na parang "iPhone." Hindi rin po siya "ayk" na parang "bike" na walang "b."

For clarification purposes only, yes.

TheAshtone | NickoLMF

●●●

"So, mauuna na ako. Dito ka pala tumutuloy sa Emerald. Cool! Night life here is really exciting. Gusto ko nga sanang mag-dorm lang din pero ayaw naman ni Mama," sabi ni Jack nung natapos na ang klase namin.

"Anong meron sa night life dito?" tanong ko.

"Well, there are a lot of clubs in this school. Lahat sila may kani-kanyang pakulo. Allowed lang kasi silang mag-meet every night. I'd love to join in the Elemental Club. They always have cool activities. But the dream of everyone is to be elected in the Student Council," sabi ni Jack.

Naalala ko na naman ang course ko. Oh well, nevermind.

"I see. Kung mapupunta lang ako sa isang club na kagaya ng mga kaklase ko sa Weirdo Course ko then no, thanks. Matutulog na lang ako," sabi ko.

"Meron naman ibang clubs diyan eh. May Duelling Club, Potioneers' Club… you get the idea. Pwede ka namang sumali sa kanila kung ayaw mong sumali sa club na related sa course mo. But it is advisable to join a club. Nakakadagdag points 'yun sa extra-curricular activities pagdating ng ranking sa pagtatapos ng school year," sabi ni Jack.

"Yeah, don't worry. Maghahanap ako ng club na pwedeng salihan," sagot ko.

"Hey, look," sabi niya sabay turo sa bandang likuran ko.

Umikot naman ako at nakita ko si Rubio na naglalakad nang mag-isa. Kahit paglalakad niya eh wala rin sa buhay. Bumabangga na siya sa ilang tao at minsan ay halos matumba-tumba siya pero tila wala siyang pakialam.

"Where is he going?" tanong naman ni Jack.

I rolled my eyes. "Malamang uuwi."

"Oh, well. Whatever. I have to go. See you tomorrow!" paalam ni Jack bago siya tumakbo papunta sa gate. Nakasabay pa niya si Rubio na lumabas pero hindi naman siya pinansin nung tao.

Napatitig na lang ako kay Rubio na saktong papalabas na rin ng gate.

At namalayan ko na lang na sinusundan ko na pala siya. Hindi ko naman alam ang rason kung bakit ko siya sinundan. Wala lang. Curious lang ako sa kanya dahil sobra siyang misteryoso.

Malapit lang naman siguro 'yung bahay ni RB dahil nilalakad na lang niya ang pag-uwi niya. Pero malamang ay ginagabi na siya sa daan sa bagal ng paglalakad niya.

Halos ilang minuto na ang nakalilipas pero hindi pa kami nakakarating sa bahay niya.

Pagkarating namin sa isang madilim na kalsada ay bigla na lang na may pumalibot sa kanya na isang grupo ng kalalakihan. Agad naman akong nagtago sa likod ng isang puno at nanood.

Tinitigan ko 'yung mga lalaki. They were also wearing school uniforms. Hindi nga lang sa Emerald. Mukhang nanggaling lang sila sa isang normal na university.

"Hindi ka pa rin ba natututo? 'Di ba ang sabi namin sa 'yo eh sa oras na dumaan ka ulit dito eh pagtutulungan ka na talaga namin?" sabi nung lider-lideran nung grupo.

"As far as I know, you are not the one who built this road. I see no reason for me to not walk here. This is the shortest way to my house after all," sagot ni Rubio sa monotonous voice niya.

Weirdos I: The Crystal MonsterWhere stories live. Discover now