Chapter 4: Will

9.7K 497 11
                                    

"Sigurado ka bang balak mong mag-aral sa Emerald? Nagkaroon ka lang ng katiting na weirdness akala mo kung sino ka na!" tanong sa 'kin ng ilang bata sa school namin.

"Eh ano naman ngayon?! Hindi naman kayo ang mag-aaral doon!" sagot ko.

"Bakit? Akala mo ba tatanggapin ka nila? Eh halos lahat kayang gawin ang weirdness mo. Ambisyoso ka kasi!" sabi naman nung isa.

"Makakapasa rin ako sa Emerald. Tandaan ninyo 'yan!" sigaw ko.

Bigla na lang na nagliparan palayo 'yung mga umaaway sa 'kin.

"Ike!" sigaw bigla ng isang teacher na dumaan malapit sa 'min.

Wala akong masyadong kontrol sa weirdness ko noon. Madalas kapag nadadala ako ng emosyon ay bigla-bigla ko na lang na nagagamit ang weirdness ko.

Nalaman ko ang weirdness ko nung bata pa lang ako. Nagsimula 'yun nung napansin kong lumilipad sa 'kin nang kusa ang mga bagay na sinusubukan kong abutin. Tuwang-tuwa noon ang mga magulang ko dahil ako ang kauna-unahang Weirdo sa pamilya. Kahit kasi kalat na ang mga Weirdos sa buong mundo ay malaking porsyento pa rin ng populasyon ang nananatiling mga "normal."

Pero kasabay nga ng pagkatuklas ko ng weirdness ko ay siya namang pagsisimula ng panunukso sa 'kin. Dahil nga 'yun sa rason na 'sing-usual na ng asin ang weirdness ko.

Gusto ko lang namang makapasok sa Emerald dahil gusto kong magkaroon ng magandang trabaho para matulungan sina nanay at tatay lalo na ang mga kapatid ko. Ako kasi ang panganay at sa akin umaasa sina nanay at tatay para mapag-aral ko rin ang iba ko pang mga kapatid.

Our family owns a farm. Pareho 'yung pinapatakbo nina Mama at Papa. Medyo nakakaluwag naman kami sa buhay lalo pa't malaki naman ang income namin mula sa farm.

"Sabi ko naman sa 'yo 'di ba na 'wag na 'wag kang makikipag-away? Ginamit mo pa raw 'yung weirdness mo. Pa'no na lang kung napahamak 'yung mga umaway sa 'yo?" sabi sa 'kin ni Mama habang naglalakad na kami pauwi kinahapunan. Pinatawag kasi siya ng principal ng school namin.

"Sila naman po ang nagsimula eh. Pinagtanggol ko lang naman po ang sarili ko," sagot ko.

"Mabuti na nga 'yun, Lara. Wala namang nasaktan. Kahit ako hindi ako makapapayag na api-apihin ang anak ko," sabi naman ni Papa.

"Eh kahit na, Israel. Ayokong lumaking palaaway itong anak natin," sagot ni Mama.

"Mabait naman po ako eh. Umiiwas naman po ako sa gulo pero sila po 'yung lumalapit sa 'kin," sabi ko.

"Oh, 'yun naman pala. Walang kasalanan ang anak natin," sabi ni Papa.

"Ikaw naman kasi anak, ang bata-bata mo pa, gusto mo na agad mag-aral sa Emerald. Aba'y mahal ang matrikula doon. Uniporme pa lang nila eh wasak na agad ang bulsa natin," sabi ni Mama.

"Balita ko po may scholarship sila," sagot ko.

"Eh ang layo-layo nun, anak. Nasa Maynila 'yun. Ang layo nun dito sa Bicol," sabi ni Mama.

"Hayaan mo na ang anak natin. Matalino naman si Ike. Aba'y kung makapasa 'yan sa Emerald eh sino ba naman tayo para humadlang sa gusto niya? Pangarap at hininga na lang ang libre sa ating mahihirap kaya hayaan mo na ang anak mo," sabi ni Papa.

Parating maluwag sa 'kin si Papa. He allows me to explore things all by myself. Sa ganung paraan ay magagawa ko raw na matuto sa mga pagkamamali ko. Si Mama naman ang siyang mahigpit sa 'kin. Pero kahit ganun ay mahal na mahal ko sila pareho. Ginagawa kasi nila ang lahat para sa amin na magkakapatid.

Weirdos I: The Crystal MonsterWhere stories live. Discover now