56TH ROSE || A Hug for Raven

17.7K 574 114
                                    

56TH ROSE || A Hug for Raven

- MICHELLE SUMASTRE -

"Mukhang masarap 'yang kinakain mo ah?" napatingala ako at bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Riel sabay lapag ng pagkain n'ya sa mesa. Hmm... mukhang masarap din ang inorder n'yang pagkain. "What food is that?"

"Umm... caldereta. Luto ng auntie ko para sa baon ko," bahagya naman akong ngumiti sa kanya. Auntie ang sinabi ko dahil ayaw naman ni Mama Rona na tawagin ko s'yang uncle. Hahaha.

"Oh? Caldereta? Really?" parang natatakam pa s'yang tumingin sa baon ko pero parang nahihiya rin s'yang humingi.

Bahagya ko namang hinarap sa kanya ang baunan kong may laman na caldereta. "Gusto mo?" agad namang lumipat ang tingin n'ya sa akin.

"C-Can I?"

Tumango naman ako. "Oo naman."

"Yes!" 'yung expression n'ya halos magpista na s'ya dahil pinayagan ko s'yang kumuha ng caldereta. Ang cute talaga ni Riel.

Agad naman n'yang tinikman ang caldereta at bahagya s'yang napapikit. "Hmm... it's good. So good. The taste of this food is melting on my mouth."

Ngumiti naman ako habang nakatingin sa kanya. "Mabuti naman at nagustuhan mo 'yung lasa."

"Do you know how to cook this food?" tanong n'ya.

Tumango naman ako. "Oo naman. Tinuruan kasi ako ni Mama Rona kung paano lutuin iyan."

He beamed. "Next time, teach me on this, okay?"

Ngumiti rin ako sa kanya. "Oo naman,"

He giggled as he continue eating the food.

Wala sa sarili akong napalingon sa may buffet table kung saan kadalasang hinahanda ang pagkain para sa amin at doon namin kukunin. Kahit naman ang mga Elites ay tinetrain ng tinatawag na 'self-service'.

My eyes settled on Raven who silently took his food. Tatawagin ko na sana s'ya para sumabay sa amin ngunit biglang nagsalita si Riel.

"You know, you shouldn't hang out on Raven."

Agad namang lumipat ang paningin ko sa kanya. "B-Bakit naman? Bakit mo nasabi iyan?"

"I know it's not bad to be with him and I know he's not a bad preson. But once he got mad and out of his consciousness, it's another issue," aniya habang kumakain.

"Dahil may Anger Management Issue s'ya? Matagal ko nang alam iyon..." sabi ko.

Tumigil sa pagkain si Riel at tumingin sa akin. "Aside from his Anger Management Issue, you still don't know his dark past."

"If you said that I didn't know all about it, mind telling me?" tanong ko.

Bahagya s'yang bumuntong-hininga. Pabulong rin ang boses n'ya, tama lang para kaming dalawa lang ang makarinig. "I shouldn't be the one who will tell you this because I am not certain about the full details but... didn't you know that he stabbed his stepfather? He killed him actually."

Natigilan ako sa sinabi ni Riel at nakaramdam ng labis na pagkagulat. "A-Ano? S-Seryoso ka ba? Hindi magagawa ni Raven iyan. Sigurado ako d'yan. Kahit bayolente naman s'ya, alam kong hindi n'ya kayang gawin iyan."

"Yeah, we all know that he's not like that but as what I've said earlier, once he lose his consciousness because of his Anger Management Issue, that's another case," sabi naman ni Riel sabay subo ng pagkain.

Tahimik naman akong napalunok bago magsalita. "P-Pwede mo bang ikwento sa akin ang nangyari? B-Baka naman kasi may rason s'ya para magawa n'ya iyon."

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon