55TH ROSE || Krim Stix

16.5K 530 53
                                    

55TH ROSE || Krim Stix

55TH ROSE || Krim Stix

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- MICHELLE SUMASTRE -

"Saan ka pupunta, bebeh? Ba't bihis na bihis iketch?" napalingon naman ako kay Mama Rona na abala sa pack lunches sa pupuntahan nilang party. 'Yung restaurant kasi nila ang nakatoka sa catering service ng isang children's party ngayong linggo.

"Ah, pupunta po kasi ako sa mall para bumili ng illustration board para sa gagawin naming project sa Physics. Bukas na po kasi iyon ipapasa," sagot ko naman sa kanya.

"Ah, gano'n ba? Gusto mong gamitin 'yung scooter?" tanong n'ya sa akin.

Umiling naman ako. "Hindi na po, magji-jeep nalang po ako. Tsaka trip ko rin pong maglakad para makabisado ko ang pasikot-sikot dito sa Maynila."

"O s'ya sige basta mag-iingat ka ha? Tawagan mo agad ako kung may emergency," aniya.

Tumango naman ako at ngumiti nang malapad sa kanya. "Opo, Mama Rona. Sige po, una na po ako."

"Sige," kumaway naman s'ya sa akin bago ako tuluyang lumabas ng bahay.


Pagkalabas ko'y nalakad pa ako sa isang jeep stop at nag-antay ng ilang minuto sa paparating na jeep. Minsan nga'y nakakainis 'pag ganito kasi laging traffic sa buong Maynila kaya kahit maaga kang magising at sumakay ng pampasaherong sasakyan, malelate at malelate ka parin dahil sa sobrang traffic. Buti pa sa Pagadian kapag pabor ka sa syudad kasi makakasakay ka agad ng Tricycle at makakarating ka agad at walang masyadong traffic—maliban na lang kung nasa bukid ang lokasyon mo. Dun mahirap kumuha ng pampasaherong sasakyan. Matapos ng kinse minutong paghihintay, sa wakas ay nakasakay rin ako ng jeep papuntang SM Mall.

Hindi naman ako nagtagal sa mall pagkatapos kong bumili ng isang pad ng yellow paper, 1/2 illustration board, cutter, stick glue at kung anu-ano pang kailangan ko para gumawa ng circuit presentation para sa Physics. Hindi rin ako pwedeng magtagal sa mall dahil kailangan kong buuhin agad ang circuit para maging pulido at maayos ang pagkakagawa ko. Marami rin kasi akong gagawin sa restaurant dahil kailangan kong tumulong kaya dapat tapusin ko nang maaga ang project ko. Pero bago ako umalis ng mall ay bumili pa ako ng tatlong pack ng Krim Stix na cheese, milk at chocolate flavors na paborito ko. Konsumo ko na rin ito ng dalawang buwan kasi stress reliever ko kasi ang pagpapak ng Krim Stix tuwing gumagawa ako ng school works.


Pagkalabas ko ng mall ay muli ulit akong naglakad papunta sa terminal ng jeep habang pumapapak ng Krim Stix milk flavor. Akmang tatawid na sana ako nung mapansin ko ang isang pamilyar na kotse at isang pamilyar na lalaki habang nasa harap s'ya ng kanyang kotse at parang may inaayos. Kahit nakatalikod ang lalaking iyon ay pamilyar parin sa akin ang tindig na iyon.

"Hemmings?" agad namang napalingon sa akin si Luke na nakakunot ang noo at medyo marumi na ang mga kamay n'ya.

"Sumastre? What are you doing here?" he frowned.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon