Chapter 26

3.4K 97 7
                                    

"Hahaha" wala na kaming ibang ginawa kundi tumawa. Ang sarap pala talagang kakwentuhan ni Dianne. Hindi lang sya maganda may humor din sya.

"Kukunin ko lang ang mga damit ko sa sasakyan ha"

"Sige" pumunta muna ako sa kwarto nina Prince. Nakakabingi ang katahimikan o baka soundproof lang talaga ang kwarto.

Kumatok ako pero hindi si Prince ang nagbukas. Muka pa syang nagulat at natulala. May dumi kaya sa muka ko?

"Hi. Si Prince?" nilakihan nya ang bukas ng pinto at nginuso kung nasaan si Prince.

"Oh Xandra miss mo na agad ko?"

"Gago. Hihiramin ko lang 'yung susi ng kotse. Kukunin ko 'yung mga damit"

"Samahan na kita. Dexter samahan ko lang si Xandra" hindi ito sumagot. Bakit parang iba ang pakikutungo nya kay Prince?

Baka ganun talaga ang kuya ni Dianne. Baka kay Dianne lang talaga sya sweet kunsabagay nakababatang kapatid eh staka ang alam ko nag-iisang anak na babae si Dianne. Malapit kasi si daddy at lolo sa parents ni Dianne kaya nabanggit sakin ni lolo na isa lang ang anak na babae ng mga Wilson na paborito rin nila.

Buti pa ang parents ko ako ang paborito. Wala namang choice eh dahil ako lang ang anak nila. Ang swerte na nga nila sa akin napakabait ko.

"May gagawin ka ba sa sunday?"

"Oo may pupuntahan kami ni mommy" hindi ko naman masabi na magm-mall kami. Baka pagtawanan pa nya ko. Si Alexandra Madrigal magmo-mall?

"Paano kayo nagkakilala nung Dianne? Muka syang mabait staka parang familiar sya. Parang nakita ko ang muka nya sa cellphone ni Kurt. Artista ba sya?" ay oo nga pala! Tawagan ko kaya si kuya Kurt? I-prank ko kaya?

"Nagkakilala kami sa park. Ewan kung bakit naging friendly ako that time staka hindi sya artista. Artistahin lang. Sya 'yung kinababaliwan ni kuya Kurt" napahinto sya sa paglalakad kaya napahinto din ako. Nakakunot ang noo nya na parang may inaalala sya.

"Patay tayo dyan"

"Bakit?"

"Hindi nga pala cellphone ni Kurt 'yun. Kay Deo nga pala 'yun. Sya 'yung tinatawag nyang Ms. Sunget"

Ako naman ang napatigil sa paglalakad. Ibigsabihin 'yung babaeng kinababaliwan ni kuya Kurt at 'yung babaeng kinalolokohan ni Deo ay iisa at walang iba kundi si Dianne? Seriously? Kailangan ko na atang itago si Dianne para hindi na sya makita ng iba kong kaibigan baka may dumagdag pa eh.

"Ikaw ba hindi ka nagagandahan kay Dianne?"

"Tanga nalang ako kung hindi. Kahit saang anggulo mo sya tignan maganda sya" hindi na ko nagsalita.

Parang may kung ano akong naramdaman. Noon wala akong pakialam kung maganda ba ko sa paningin ng iba. Naiinis pa nga ako kapag nasasabihan ako ng maganda pero ngayon pakiramdam ko gusto ko ako lang ang maganda sa mata nya.

Hindi ko naman sya masisisi. Ako nga na babae eh humahanga sa ganda ni Dianne pano pa kaya ang mga lalake?

Hindi na ulit ako umimik. Tahimik nalang kaming pumunta sa kotse at kinuha ang mga paper bags na naglalaman ng mga damit.

"Okay ka lang ba? Tahimik ka ata?"

"Oo naman. Una na ko ha?" hindi ko na sya hinintay sumagot. Nauna na kong umakyat papasok sa kwarto ni Dianne.

"Ang bilis mo ata" hindi ko napigilan ang sarili ko na titigan si Dianne. Ang ganda ng gray eyes nya, ng ilong nya, ang pupula ng labi nya kahit walang lipstick-

He's The Genius And She's The Brat GangsterOn viuen les histories. Descobreix ara