Chapter 1

10.4K 256 22
                                    

Alex

Nagmamadali 'kong pinulupot ang buhok ko at bumaba at basta basta nalang sinuot ang backpack ko. Hindi ko na rin pinansin ang ilang gusot sa suot kong damit.

"Asan ang magulang ko?" tanong ko sa unang katulong na nakita ko pagkababa ko.

"Ang mommy nyo po ay umalis kaninang madaling araw. Ang dad nyo po ay hindi pa umuuwi" like expected. Ano nga bang magbago? Ako lang naman ang tangang tatanong tanong pa.

Ano pa bang inaasahan sa parehong doctor kong magulang? Ang problema ay kanila pa ang pinakamalaking hospital na pinagtatrabahuhan nila ngayon. Minsan naisip ko sana hindi nalang silang ipinanganak na sobrang yaman. Sa daming ipapamana isang buong hospital pa.

"Ma'am kumain po muna kayo. Utos po ng mommy nyo 'yun" at kailan pa sumunod ang isang Alexandra Madrigal sa mga utos? Allergic ako dyan mga pre.

Para namang hindi ako kilala sa pagsuway ng mga utos.

"Ma'am ang sabi po ng dad nyo kung hindi kayo magpapahatid ay 'yung kotse ang gamitin nyo"
Isa pa 'tong driver na 'to.

Sa halip na sagutin ay nilagpasan ko sya at sumakay sa motorbike. Walang imik kong sinuot ang itim kong helmet habang diretso ang tingin sa unahan.

"Open the gate"

"Pero ma'am ang uto-"

"Open that gate" mas madiin kong utos na sinunod naman agad. Pwede naman palang sumunod eh.

"Good"

At dahil nga mabait akong bata, binilisan ko ng sobra ang pagtakbo kahit kaliwa't kanan ang mura na natatanggap ko. Who cares? Hanggang pagmumura lang naman ang kaya ng mga 'yan.

Napabusina pa ang kotse na inagawan ko ng pagpaparkingan pero agad din itong humingi ng tawad nang makilala ako.

Sinigurado kong hagip ng CCTV ang motor ko dahil babaliin ko ang mga buto ng makakagasgas nyan. Limited pa naman 'yan.

Walang nangahas na humarang sa dinadaanan ko. Mga takot mabangasan.

Kapansin pansin din na ako lang ang hindi naka-uniform. Sa school na 'to anim ang hindi nag-uuniform. Ako at ang limang may matataas na posisyon sa gang namin.

Pagkapasok ko ng classroom, napaka normal ang sumalubong sakin. Gulo-gulo ang mga upuan, may mga nakaupo sa arm chairs, may nanunuod ng alam na at may mga naninigarilyo.

Kami ang tinuturing na worst section. Sinadyang itapon ng mga teacher ang mga patapong estudyante sa patapong section. Ako ang nag-iisang babae dito. Nasa senior high na kami na kumuha ng GAS. Grade 12 ata ang tawag dito.

Lahat ng nandito ay miyembro ng gang. Kaya ito ang section na pinakakinatatakutan.

"Andito na pala ang muse nating pandak" pang-aasar ni Ivan na binato ko ng upuan.

Sa aming anim kasi ako ang pinakamaliit.

"Fuck you" at tinaasan ko pa 'to ng middle finger. Bwiset talagang pinamumuka sakin ang height ko. Kung tutuusin naman ay hindi ako pandak. Matatangkad lang talaga sila.

"Ang aga aga binibwiset nyo na agad ang prinsesa natin" tumahimik na si Ivan nang si kuya Kurt na ang nagsalita.

Sya ang leader ng gang at ako ang sumunod na may pinakamataas na posisyon. Ang problema ay masyado nya 'kong binibaby. Palibhasa ako ang pinakabata ang nag-iisa nyang babaeng pinsan.

"Oh shut up, kuya Kurt"

Katulad ng dati ay may anim na upuan paikot sa gitna. Pumunta ako sa bakante. Gaya ng nakasanayan ay sa arm chair ako umupo. Alam nyo ba 'yung feeling na ang satisfying umupo sa arm chair.  Di nyo alam? Wala akong pakialam

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now