Chapter 11

4.4K 142 5
                                    

Alex


"Alex, nabalitaan mo na ba 'yung nangyare kay Tristan?" kung pwede lang barahin si kuya Kurt na 'Oo magtatatlong araw na kuya late ka na'

Pero mas pinili ko nalang na tumango nalang. Wala ako sa mood makipagbangayan ngayon.

Aish 'yung Prince na 'yun kasi. Tatlong araw na syang absent bakit dahil ba sa nangyare? Under investigation pa naman eh. Bakit ba hindi nya harapin?

Pumasok ka ng gago ka. Isasampal ko pa sayo ang mga exams na pinerfect ko noong wala ka

"Gusto mo bang tulungan natin sya?" pumasok na 'yan sa utak ko.

Pero ayokong kumilos ng hindi nya alam. Mataas din ang pride ng mokong na 'yun eh.

"Hindi na muna. Hayaan muna natin sya"

"Yow sexy"

"Nice pandak ka pa rin"

"Alex kooo" heto nanaman ang tatlong unggoy. Kapag nakikita ko ang tatlong 'to napapaniwala akong galing sa mga unggoy ang tao.

"Ano nanaman ba?"

Hindi nagsalita si Josh pero tinanguan nya ako. Ilang drum ng laway na kaya ang natutuyo nito? Parang may bayad ang magsalita.

"Wala lang miss ka na namin Alex ko eh"

"Wag mo 'kong gaguhin Ian galing lang kami sa canteen" nag-pout pa ang loko.

Kung pwede lang mambugbog ng kaibigan no? Isa pa naman sa mga ayaw ko eh 'yung ugaling bata.

"Alex may party sa condo ko mamaya" isang nanlilisik na tingin ang ipinukol ko kay Deo.

May trauma na 'ko sa condo nya. Last time na pumunta kami dun puro gamit na condom ang bumulaga sa amin at mga underwear ng mga babae nya. Sa aming anim ako ang hindi sanay sa mga ganung scenario.

"Common 'wag mo 'kong tignan ng ganyan. Malinis ang condo ko promise"

"And so?"

"Punta ka naman. Isama mo si Stephanie" tinaasan ko sya ng kilay.

Kilalang kilala ko si Deo. Walang patawad 'yan kapag babae ang pinag-uusapan.

"Ouch naman Alex ang judgemental mo. Hindi ko gagalawin si Step. May mga kasama kaming babae. Dali na sabihin mo na ngayon" isang napakalakas na batok ang inabot nya sakin.

"At sino ka para utusan ako?" kamot ulo itong tumingin sakin.

"Alex samahan mo naman ako sa section nila Dexter. Party kasi ng gang 'yun dahil sa pangunguna natin"

Ano pa bang magagawa ko? Si kuya Kurt na ang nag-request. May magagawa pa ba 'ko?

Tumango nalang ako kaya napasimangot si Deo.

"Kapag si Kurt... Incest kayo mga beshie"

Dobleng lakas ng batok kanina ang ginawa ko kay Deo hindi dahil sa sinabi nyang Incest kundi sa 'beshie' na sinabi nya.

Nakakasuka. Emanon ba talaga sya?

Naiilang ako sa mga taong tumitingin sa amin. Ito ang unang beses 'kong tumungtong sa building na 'to. Puro classrooms 'to ng highest sections sa iba't-ibang year level.

"Oy Kurt pare. Yow Alex" hahalikan sana ni Carl ang likod ng kamay ko pero kinuyom ko ito at hinarap sa kanya.

Binati din ako ni Dexter pero tinanguan ko lang sya. Medyo lumayo ako sa kanila dahil wala naman akong pakialam sa pag-uusapan nila.

He's The Genius And She's The Brat GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon